Chapter Four: Lost And I Found Him Again

15 0 0
                                    

Chapter Four

    Ilang araw ko nang hindi nakikita yong Mr. Violet na yon ahh. Anong nangyari? Siguro may date sila ng girlfriend niya. Siguro nagkasakit siya.

    Hindi, siguro kasama niya yong girlfriend niya. Iniisip ko lang. Gaano kaya sila ka-sweet ng girlfriend niya kapag magkasama sila?

    Napangiti nalang ako sa naisip ko. Pero inaamin ko. May konting selos dito oh sa loob ng puso ko.

    One week na pero hindi ko yata siya nakikita sa park. Eh noong mga nagdaang araw, nandito lang siya lagi sa basketball court.

    Nandito nga ako ngayon eh. Baka sakali ngang makita yo siya. Namimiss ko na yong presence niya sa park. Hindi ko maipaliwanag. Parang hindi buo yong araw ko hangga't hindi ko siya nakikita.

    Biglang nagring yong phone ko. Si Llanie? Ohh. Hindi na busy? Bakit napatawag?

    "Hey" sagot ko sa call niya.

    "Hey musta?" sagot naman niya.

    Alam niyo naman kung ano ko si Llanie. Most of the time ang pag-uusapan namin ay tungkol na naman sa crush naming dalawa.

    "Okay lang. Eto nakaupo sa harap ng basketball court." sagot ko ulit sa kanya.

    "Nag-aantay kay crush? Si Mr. Violet?" tanong niya.

    "Ikaw talaga. Alam na alam mo talaga noh?" sabi ko sa kanya.

    Paanong hindi nila malalaman. Oras-oras akong nagG-GM sa kanila.

    "Hahaha. Ayeeee... Ikaw ha. Dami mo nang crush ha." message ni Llanie.

    "Ano? Ehh ano bang magagawa ko? I'm so easy to fall in love." sagot ko sa kanya.

    "Yeah. You know we're just the same. Ang bilis kong magkaroon ng crush sa isang tao." sabi ni Llanie.

    So ibig sabihin, may new crush siya? Oh no...

    Nang mapalingon ako sa basketball court. Isang pamilyar na lalaki yong nakatalikod at may hawak na bola.

    Bigla nalang tumibok ng todo yong puso ko. What? Si Mr. Violet? Brown na yong suot na tee-shirt? Kailangan bang Mr. Brown na rin itawag ko sa kanya?

    Parang sumaya yong pakiramdam ko. Para bang nabuo na yong araw ko. Grabe yong tuwang nararamdaman ko.

    Dahil hindi ko alam yong pangalan niya at ayokong malaman na iba kung ano ko siya tatawagin ko nalang siyang... Secret Guy. Okay lang ba?

    "Denisse!" sigaw ni Llanie mula sa phone.

    My gosh! Nakalimutan kong kausap ko nga pala yong pinsan ko sa phone ko.

    "Sorry sorry Llanie." paumanhin ko kay Llanie.

    "Ehemmmm. Siguro iniisip mo na naman yong Mr. Violet mo." sabi ni Llanie.

    "Anong iniisip? Hello. Nakita ko lang naman siya." sabi ko kay Llanie.

    "Ayeeeee. Diba si Jan nang first met natin naka-violet tee-shirt siya?" sabi ni Llanie.

    Jan? Nanaman? Kailan ko pa ba siya makakalimutan?

    "Llanie naman, diba sabi ko naman sayo ayoko nang maalala yang Mr. Xbox. Please." pakiusap ko kay Llanie.

    "Ano ba talagang ginawa sayo ni Jan? Sinaktan ka ba niya?" tanong ni Llanie.

    "To be honest, physically? No. Emotionally? Yes. And take note, nas masakit yong damdamin ang saktan kaysa sa physical Llanie. So ayoko na." paliwanag ko sa kanya.

    "Okay." naiintindihang sagot ni Llanie.

    "At saka. Secret Guy na yong tawag ko sa crush ko." sabi ko kay Llanie.

    "Ikaw ha. O sige na. Next time ulit." paalam ni Llanie.

    "Okay." paalam ko sabay off ng phone ko.

    Napatingin ulit ako sa crush ko. Hanggang ngayon hindi ko pa alam yong pangalan niya. Hindi ko rin makita ng mabuti yong mukha niya. Pero cute na cute ako sa kanya.

    Nauwi ako na ako sa bahay at nagpahinga. Now i'm laying on my bed. Ano pa? Eh di isip-isip din muna. Sino pa? Eh di si crush. Sino pa kaya?

    Masaya ako dahil nakita ko na siya kanina. Okay pang na hindi ko siya nakita ng isang linggo. Kasi? Doon ko nalamang, hindi nakukumpleto yong araw ko hangga't hindi ko nakikita yong crush ko. At walang silbi itong puso ko hangga't wala yong taong nagpakatitibok nito.

    Kung si crush yong kaharap ko? Sasabihin kong...

    "Ikaw yon! Yong taong nagpapatibok ng puso ko at kukumpleto ng araw ko. Ikaw yon... yong crush ko..."

___________________________________________________________________________________

thank you!!!

next chapter completed.. please do ur comments guys...

#blueandnine

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Ba Crush Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon