Chapter Two
Palagi ko na siyang nakakasalubong. Minsan nakikita ko siyang nagmo-motor at may mga kasama pa. Minsan naman nakikita ko siyang naglalakad.
Isang araw nakaupo ako sa harap ng basketball court. Like most of the time, busy pa rin ako sa phone ko. Look everyone lagi kong kausap yong best friend kong si Adam. British guy siya at sixteen years old din.
Yong totoo, gusto niya ako. Kaya hanggang ngayon kinakausap niya pa ako. Busy ako pero nagawa ko paring humarap sa basketball court. Nagulat nalang ako bigla ng makita ko yong pamilyar na guy.
Yong guy na crush ko. Naglalaro siya ng basketball? I mean magaling siyang maglaro ng basketball?
Bigla nalang kumabog yong dibdib ko. Ibig kong sabihin yong tibok ng puso ko naghahabulan na naman. Sana nga naman wag na akong pagpawisan.
Nakalimutan ko may kausap nga pala ako sa phone ko. Binuksan ko yong message ni Adam.
"Hey x" message niya three times.
"Ohh sorry. I don't know what to do now. Actually don't have a plan for today." reply ko sa kanya.
"Oh. Well dad and I will going out for a dinner tonight." text niya ulit.
"Ohh. how nice. so what are you doin now?" message ko sa kanya.
Habang inaantay ko yong reply ni Adam nanood naman ako kung gaano kagaling maglaro ng basketball yong crush ko.
Bigla nalang ulit nag-vibrate yong phone ko. Binuksan ko yong notification panel ng phone ko at nakita yong message ni Adam.
"Just talking to you. Nothing much. How about you?" reply niya sa message ko sa kanya.
"Just sitting here alone at the park. Watching basketball." reply ko sa kanya.
Dapat bang sabihin ko sa kanya na may crush ako rito na pinapanood ko. Paano kung magselos siya? He's my bestfriend I can tell him pero paano kung selos yong pinairal niya?
Nanatili akong nakipag-usap kay Adam at pasulyap-sulyap sa crush ko. Pero iba na talaga yong tibok ko sa tuwing nakikita ko yong crush ko. Ano ba itong feeling na to?
Gabi na at eto na naman ako sa kuwarto ko. Dinadama yong feeling na nararamdaman ko sa tuwing maiisip k yong crush ko.
Naiisip ko. Ilang araw ko na siyang nakakasalubong. Puro violet tee-shirt yata yong suot niya. Paborito niya ba yong violet? Well, bagay naman sa kanya. Lumilitaw yong kaputian niya.
"Haiii. Crush. Ano kayang itatawag ko sa yo babang hindi ko pa alam yong pangalan mo. Mr. Violet Tee?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama ko.
Hindi rin naman papahuli sa group message tong taong to. Ako pa. Oras -oras may GM na pamato to sa mga katxt ko.
To: Group Friends
Message:
Yong feeling na crush mo siya pero hindi mo alam kung anong pangalan niya.
-haii. ewan ko ba kung bakit crush kita. nakita ko na naman siya. :)
good night ;)
#denn
Sabay send sa mga friends ko. Aika, Doreen, Lera, Jobel, Clart, Kristien, Llanie, Matthew, Steven, Xeena.
At ngayon nasa iaip ko na naman siya. Hindi ko talaga maipaliwanag. Parang siya na talaga yong tinitibok ng puso ko. Sa tuwing maiisip ko lang yong look niya grabe na talaga yong kabog ng puso ko dahil nga sa kanya.
Sa kakaisip ko sa kanya eto inaantok na ako bigla. Nang tingan ko yong time sa phone ko. 3:58 am na pala. Ganoon kabilis yong time? Wag mong sabihing may insomnia na naman ako? Dahil sa crush ko?
Two hours lang yong tulog ko. Nagising agad ako ng six o'clock. Lumabas ako at nagpunta sa park. Alam niyo na. Kausap na naman yo.g best friend ko.
"U there?" message ni Adam.
"Yeah." reply ko sa kanya.
"u okay?" tanong niya ulit.
"Im good." sagot ko sa kanya.
Napapansin ko lang sa mga messages ng best friend ko. Madalas bago magpatuloy yong conversation namin ni Adam palagi siyang nangangamusta. Well araw-araw ko naman siya nakakausap sa text at minsan sa Viber.
Maaalahanin lang talaga siguro si Adam. Kung bakit ko siya naging best friend? Kasi yon siya. Yong mabait, laging nandiyan, laging sumusupurta sa lahat ng oras na malungkot ako.
Pero bigla kong naalala si Mr. Violet. Mr. Violet is my crush. Paano si Adam? Nakakalito naman. Anong gagawin ko?
________________________________________________________________________________
Another chapter updated... :)
comment like or share guys...
this is dedicated to all of my friends... Adam, Llamarie, Doreen, Aika.. sa susunod nalang yong iba ha... follow me guys..
#blueandnine

BINABASA MO ANG
Bakit Ba Crush Kita?
Teen FictionAng kwentong makakarelate at magpapataba ng inyong puso. May crush ka ba? Kakaiba 'to... Kailan mo siya nakilala? Kailan mo ba nalaman yong pangalan niya? Nainlove ka na ba sa kanya? Ito akng kwentong babago ng paningin niyo sa taong humahanga, nagm...