Chapter Three: I Admit It

10 0 0
                                    

Chapter Three

    Maaga akong nagising dahil gusto kong mag-jogging.

    Naka-blue jogging pants, naka-red tee-shirt, naka-white na Nike running shoes. Sabay lagay ng headset at music sa phone.

    Nagsimula akong maglakad papunta sa beach. Pagdating ko sa beach doon na ako nagsimulang mag-jog.

    Nag-jogging ako paikot sa buong barangay papunta sa park. It's Monday and sure na may pasok. Dumating ako sa bahay mag-aalas siyete na na ng umagang yon.

    Napagod ako kaya naupo muna ako sa silya sa harap ng bahay. Kinuha yong phone ko at nag-facebook.

    Napalingon ako ng maramdaman kong may paparating na motorsiklo. Nang matanawan ko nakita ko si Mr. Violet. Ang gwapo niya kapag naka-school uniform siya. Pero... sino yong babaeng kaangkas niya?

    Dumaan sila sa pero yong naramdaman ko grabe. Selos? Parang tinusok ng karayom yong puso ko. Ang sakit.

    Siguro girlfriend niya yon. Siguro sinundo niya para sabay silang pumasok sa school nila.

    Sana dito nalang ako nag-aral. Sana hindi nalang ako nagbakasyon. Sana dito nalang ako manirahan. Para sana lagi ko siyang nakikita.

    Crush ko lang siya, pero aaminin ko, nagseselos din ako noong nakita ko siyang may kasamang iba.

    Pagkatapos noon buong araw akong nakipag-usap sa bestfriend kong si Adam. Iniisip ko masyado na kasing busy si Llanie. Hindi na ako makawatawag sa kanya. Namimiss ko na yong kwentuhan naming dalawa.

    Gabi na naman at eto ang tagal kong antukin. Hindi ako makatulog sa kakaisip sa Mr. Violet na yon. Balik ba ganito nalang yong nararamdaman ko para sa kanya?

    Iniisip ko parin kung anong pangalan niya. Lloyd? Parang bagay rin sa kanya yong pangalang Lloyd. Troy? Okay din. Bagay rin sa kanya. High School na High School Musical yong dating. Sa totoo lang crush ko rin si Zac Efron. Pero mas bagay sila ni Vanessa.

    Biglang nagring yong phone ko. Message galing sa friend kong si Kristien. Nang buksan ko yong message niya nakita kong parang ang ingkli lang.

    "minsan nagmamahal ka pero hindi mo pa naman siya kilala. pero kapag puso ang tumibok... alam na."

    Napangiti ako sa message ni Kristien. Park Shin Hye is the best talaga. Nakarelate ako sa text niya.

    "Nakarelate ako." reply ko sa kanya. 

    "Haha. Ohhh. In love ka na ba?" reply niya.

    Ha? In love na ba ako? Inlove na kaya ako? In love na ako? Hindi ako sigurado.

    "Hindi ahh. Hindi pa." sagot ko kay Kristien.

    "Ohh. crush lang? Eh kamusta crush mo?" message niya ulit.

    "Ayun. buhay pa. haha. di ko parin alam pangalan niya." reply ko ulit kay Kristien.

    "Ayyy? Don't worry. Makikilala mo rin yan." sagot niya pa.

    Kwentuhan nalang kami ng kwentuhan ni Kristien hanggang sa inantok na kami pareho.

    Time check and its already 11:37 pm? Masyado nang late para matulog. Alam niyo na basta mga adik sa text at crush ang pag-uusapan, walang tulugan.

-

    "You know what Den? No matter what happen I am always here. I love you." sabi ni J.C.

    Tumingin ako sa mga mata niya. Kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa mga sinabi niya.

    "J.C. I love you too. I love you so much." sagot ko sa kanya habang nakatitig sa kanya.

    Nagpatuloy kami sa paglalakad. Maputing buhangin, maraming turista at malinaw yong tubig sa dagat. In fact si J.C. isang American. Brown Eyes, Caucasian, black hair, at average built. Mas mataas sa akin ng konti. Makapal yong mga kilay at yong mga labi niya manipis at mapula.

    Holding hands while walking. Hindi ko maipaliwanag yong feeling na kasama ko si J.C. ngayon dito sa Boracay Island.

    Yong totoo, sa internet kami nagkakilala. Noong una ko siyang nakita sa internet parang nahulog na agad yong loob ko sa kanya. Yong bang parang inakit ako ng mga mata niya at ng maamo niyang mukha.

    Bigla nalang niya akong niyakap.

    "Ohh. You know what? I can't breath." sabi ko kay J.C.

    "What? I'm not hugging you so tight." sagot niya sa akin.

    "Coz you always take my breath away." sabi ko.

    Ang corny ko naman.

    "Know what? You're so corny. Hahahaha." sabi niya sabay tawa.

    Sabi ko na nga ba eh..

    "Corny ha?... No kiss for one month." biro ko kay J.C.

    "What? One month? You're too much." sagot ni J.C.

    "Just kidding." sabi ko kay J.C.

    Now he's staring on my eyes. Eyes to eyes. Then he caress my cheek. He touches my lips with his thumb. Inch by inch he's coming closer. And finally he planted a small but gentle kiss on my lips.

-

    Bigla nalang akong nagising. Parang natulala ako. Nananaginip ako. Tama bang naaalala ko? Nanaginip ako na kasama ko si J.C. sa Boracay? Na naman? Si J.C.? Cristophe?

    Ilang buwan na siyang hindi nagme-message. Anong gagawin ko? Eto na naman yong puso ko. Hindi ko pa ba nakakalimutan si Cristophe?

    Bigla ko tuloy naalala yong gabing nakilala ko siya.

    Nakahiga ako noon sa kama ko. Nag-iinternet sa phone ko at ng makita ko siya sa Menu ng online chatters ko. Parang pinilit ako ng sarili kong i-message siya. Nag-chat kaming dalawa at nahulog nalang yong puso ko sa kanya.

    Pero niloko niya ako. Sila na pala ng bestfriend niyang si Pierre. Kaya ngayon eto ako. Puno ng kasinungalingan yong love life ko. Puno rin kalungkutan yong buhay ko.

    Pagkatapos ng heart break dahil kay Mr. Xbox at J.C.. Pinangako ko sa sarili ko na lalayo muna ako. Makapag-isip, makapag-isa, at para makalimutan sila.

    Pero sa di inaasahang pagkakataon, may nakilala ulit ako. Yon yong Mr. Violet na tinutukoy ko. Yong crush ko na muling nagpatibok ng puso ko at siguro yong taong muling magpapasakit ng puso ko.

________________________________________________________________________________

chapter three...

what do you think guys? free to comment.. tanggap ko kung anong maicocoment niyo..

#blueandnine

Bakit Ba Crush Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon