[07.11.16]
"Wag Bes...!"
"Wag kang magpakamatay!"
Dali-dali kung inagaw ang blade sa kamay ng kaibigan ko. Alam kong naloko na naman siya ng pampito n'yang syota, pero hindi yun sapat na rason para magpakamatay siya.
"Bakla?! Gaga ka ba?! Anong akala mo sa 'kin? Tanga? Baliw? Sa ganda kong 'to? Never ever in my pretty face ako magpapakamatay. Mag-aayos lang ako ng kilay, 'nu kaba?! Praning lang?" Iritado n'yang kinuha ang blade sa 'kin sabay irap.
Pasimple ako napangiti. Siguro nga praning nga ako. Praning 'yung puso kong umiibig sa baklang katulad mo. Sana naman maging lalaki kana.
-- Fin --