[12.11.16]
*save image*
*scroll* /nag-iisip kung isisave ba/
*save image*
*scroll* /nakakita ng perpektong larawan/
"Sakto!" wika nya sa sarili.
Status:
Morning.
Great breakfast! Kain guys.
🍱🍜🍲🍵/add the photo/----
"Josefina! Parini dito!" wika ng ina niya.
"Ho?!" inis na tanong ni Josefina sa kan'yang Ina.
"Aba'y, bumaba ka muna diyan!"
"Ano ba yan, kung kelan madami ng nagcomment at naglike ng inistatus ko, tsk."
Padarag na iniwan ni Josefina ang kan'yang mundo ng pantasya at harapin ang reyalidad.
"Ano 'ho iyon?" tanong niya.
"Mangutang ka muna kay Aling Loling ng isang kilong bigas at sa sampung pisong tuyo" sagot ng ina.
"Eh, baka hindi na tayo pautangin ni Aling Loling, hindi pa nga tayo nakakabayad uutang na naman?!" inis na sabi ni Josefina.
"Sabihin mo na bukas ako magbabayad ng utang, utang din kasi yung nagpalaba sa' kin, anak," isang buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang Ina.
Walang nagawa si Josefina kundi ang sundin ang kanyang ina, dahil wala pa silang sinaing at ulam na almusal na kakainin sa araw na iyon.
"Aling Loling, uutang po uli si Ina ng 1 klo. bigas at sa sampung pisong tuyo. Bukas n'ya po babayaran kasi ho utang din po yung nilabadahan niya."
"Ano ba naman yan! Ang aga-aga utang agad bubungad sa tindahan ko?! 1/4 bigas na lang meron dito at limang piraso ng tuyo," pagalit na sabi nito.
"Ayos na po yan, salamat po," sabi ni Josefina.
"Tsk! Hindi ko kailangan ng salamat Josefina, kailangan ko pera! Malulugi tindahan ko sa kakautang ninyo!"
Hindi na lang umimik si Josefina.
Habang tinatahak ni Josefina ang daang pauwi, 'di niya makayanang hindi mag-isip sa pantasyang mundong ginagalawan niya.
"Siguro aabot na iyo sa 100+ na like at magcocomment na naman si crush.. ehhh," wika niya.
Napawi ang kan'yang mga ngiti ng maalala ang reyalidad.
"Buti pa yung isang ako, ang yaman. Iba't ibang pagkain natitikman, iba't ibang lugar napupuntahan at iba't ibang uri ng sapatos at damit nabibili niya. Samantalang ang isa pang ako, nandito. Isang kahig, isang tuka. 'Sing hirap pa ng daga. Hay. Kelan kaya kami aasenso? Kelan kaya magiging totoo mga status ko? Kelan ko kaya babalikan ang mundo ng reyalidad na 'to? Puro kasi kahirapan, kalungkutan at kagutuman nararanasan ko dito. Sana mayaman na lang talaga kami," hiling niya sa sarili.
Isa lang si Josefina sa mga tumatakas sa malupit na mundo kinagagalawan ng tao. Si Josefinang peke man ang status, masaya siya sa ginagawa niya. Wala siyang pakialam kung maloko niya ang iba, basta masaya, marangya at maganda ang buhay niyang tinatamasa sa account na iyon.
-- Fin --
![](https://img.wattpad.com/cover/100193439-288-k532958.jpg)