Abortion

17 1 0
                                        

[20.01.17]


"Soledad! Bakit mo 'to nagawa sa'kin? Inosente ako, Soledad! Wala akong kinaalam sa inyo. Bakit mo ako nilaglag? Bakit Soledad? Wala akong kasalanan! Bakit?"  garalgal n'yang sambit na halos lumuha siya ng dugo sa galit, poot at pagkadismaya.

"Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako. Natakot ako kaya hindi ko alam ang ginawa ko. Patawarin mo ako,"  papiyok-piyok na ani ni Soledad sa sobrang takot at kaba habang kaharap ang kausap.

"Hindi! Hindi kita mapapatawad Soledad! Mamamatay ka! Mamamatay ka!!!!!..........."

Mabilis ang paghinga at tagaktak ang pawis si Soledad nang magising siya sa isa na namang bangungot. Mag-iisang linggo na din kasi mula ng ipalaglag niya ang bata sa sinapupunan. Hindi kasi s'ya pinanagutan ng kan'yang kasintahan. Gabi-gabi siyang unuusig ng konsensya. At ngayon napagpasyahan n'yang wakasan na ang kan'yang buhay. Kinuha n'ya ang patalim sa ilalim ng kama at tinarak sa kan'yang dibdib. Isa. Dalawa. Tatlo. Sinaksak niya ang sarili habang may takas na mga luha sa magkabilang mata niya.

"Patawarin mo ako anak, sadyang mahina ang iyong Ina,"  bulong ni Soledad sa sarili bago bawian ng buhay.






-- Fin --

Maikling EstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon