The Bomb

13 1 2
                                        

[20.01.17]



"Oi! Pilato! Mukhang nakajackpot ata ako ngayon!" 

Abot-tengang ngiti nang batang si Poncio nang makakalkal ng isang malaking supot ng plastic bag sa basurahan.

"Hala! Wag mo 'yang hahawakan Poncio!" namumutlang pagbabanta ni Pilato sa kaibigan.

"Huh? Bakit naman? Baka may bote, karton o di kaya'y tira-tirang pagkain dito!" sabik na sabik na tugon naman ni Poncio.

Buong lakas na hinila ni Pilato ang kan'yang kaibigan. Alam n'ya kasing dalawa lang ang posibleng laman ng naturang bag. Tao o Bomba, ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakalayo isang napakalakas na pagsabog ang naganap.







-- Fin --

Maikling EstoryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon