[07.12.16]
"Ate!"
"Ate!"
"Ate!"
Nahinto ako sa pagtetext dahil sa batang babae ang biglang kumalabit sa 'kin.
"Ano 'yun bata?" tanong ko sa kan'ya.
"Naniniwala ka ba kay Santa?" sabik n'yang tanong.
Natawa ako sa tanong n'ya, kakatapos nga lang pala ng pasko, siguro madaming niregalo ang magulang n'ya.
"Hindi eh" iling ko sa kan'ya.
Ngumiti lang s'ya sa sinagot ko at tumango-tango.
"Alam mo ba Ate, nakita ko si Santa noong pasko. Kaso iba yung Santa Claus na nakita ko sa napapanuod ko sa palabas," saad n'ya sa'kin.
"Anong itsura bata? Hawig ba ng Papa mo?" natatawa kong tanong.
Umiling s'ya at nagseryoso."Yung Santa na nakita ko hindi mataba, bagkus normal yung pangangatawan n'ya at alam mo ba Ate yung mata niya chinito. Tapos Ate itim yung buhok niya, wala s'yang bigote at balbas. Mukha nga hindi pa matanda yun eh. Ibang-iba talaga s'ya Ate."
Magtatanong na sana ako ng muli s'yang nagsalita.
"Tapos Ate ang nilagay n'ya sa medyas ko hindi laruan, dalawang ampaw na may lamang tig-50. Astig diba? May tikoy pa s'yang iniwan," tuwag-tuwa n'yang sabi.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano, pati pala si santa claus Made in China na din.
-- Fin --