Inaayos ni Maya ang kanyang buhok habang nakatingin siya sa salamin. Ngayong araw niya makikilala ang kanyang mapapangasawa at simula ng bumisita si Edgar sa Orion University ay hindi na siya kinausap nito. Marahil ay nag-away sila ng kasintahan ng dahil pinapansin siya ng binata.
Mabuti na lang ito para makamove on ako. Bulong niya sa kanyang isip. Habang nag-aayos siya ay kausap niya ang kanyang ina na inaayos naman ang damit na kailangan niyang suotin. Nagtataka siya kung bakit kailangan niyang may dalang mga damit.
Narinig niyang nagbuntong-hininga ang kanyang ina. Hindi nakatiis si Maya kaya tinanong niya ang kanyang ina.
"Anak, narinig kong sabi ng kapatid ng mapapangasawa mo ay paiiumin nila ng lust elixir ang mapapangasawa mo. Tradisyon raw sa kanila na sa unang pagkikita ng magiging mag-asawa ay titira sila sa isang bahay sa loob ng isang gabi at habang nakainom ang lalaki ng lust elixir. Anak, maaaring may mangyari sa inyo ng mapapangasawa mo kaya kung ayaw mo sabihin mo lang, naka-speed dial ang number ko sayo. Tawagan mo ako at pupuntahan kita." Sabi ng kanyang ina. Kahit kinakabahan siya sa narinig ay ngumiti na lamang siya at sinabi niya sa kanyang ina na magiging maayos ang lahat.
--
Dumating ang oras ng party at halos lahat ay naroon na maliban na lamang sa mapapangasawa niya. Nakilala na rin niya ang mga magulang at kapatid ng mapapangasawa. Masasabi niyang tama ang desisyon ng ina na ipaubaya siya sa mga ito dahil mukhang mababait ang mga ito.
Nakilala rin niyang hari at reyna ang mga magulang ng mapapangasawa at susunod naman sa trono niya ang kapatid ng mapapangasawa. Ipinaliwanag naman sa kanya ang tradisyon ng kapatid ng maapapangasawa niya at gayon na lamang ang pagkamangha niya sa narinig dahil kahit pala ang nakakatandang kapatid na babae ng mapapangasawa ay ginawa na rin iyon at masaya na raw ang dalawa na namumuhay sa Greece.
Sana nga magiging masaya rin ako sa kanya. Bulong ng puso ni Maya. Napalingon siya sa may harapan ng marinig niyang tinawag ang kanilang attensyon.
"Good evening, ladies and gentleman. Today, as my third child will see his future bride for the first time and for you all to witness the soon to be Count and Countess of France." Ngumiti sa kanya ang ama ng mapapangasawa niya. "Everyone, I want you to meet my future daughter in law: Maya Michelle Moore." Tumapat sa kanya ang spotlight at binulungan siya ng ina ng mapapangasawa na pumunta sa gitnang bahagi ng lugar.
Sinunod naman niya iyon at kitang-kita niyang ang iba't-ibang kislap ng camera, nakakasilaw pero hindi na lamang niya pinansin.
"And everyone, I want you all to meet my future daughter-in-law's soon-to-be groom, my son, soon to be Count of France, Prince Edgar David Fitzroy Patrimonio." Biglang tapag ng isang spotlight sa pinakadulong bahagi ng silid at hindi niya napansin na naroon pala ang binata pero mas lalo siyang hindi makapaniwala sa nangyayari.
Mapapangasawa niya ang taong tinitibok ng puso niya nitong mga nakalipas taon? Mapapangasawa niya ang taong lagi niyang tinitignan lamang sa social media, habang mag-jo-jogging sa buong Vista Grande. Mapapangasawa niya ang lalaking nakabungo niya sa Cryzel's café.
YOU ARE READING
Cryzel's Cafe: Cafe Lover and I
RomanceRated: R18 | SPG Cryzel's Cafe Series 1 Cryzel's Café is a very well-known coffee shop that offers a very unique taste of coffee and also it give very radiant feelings to every customer that surely you will come back to the said coffee shop. Thi...