Chapter 1

635 5 0
                                    

Napadaan si Maya sa isang coffee shop, lagi niya itong nadadaanan tuwing papasok at uuwi galing sa Orion University – the school where she studies her degree program. Nang maamoy niya ang halimuyak ng kape ay naisipan niyang gusto niya ng isang iced cold coffee kaya pumasok siya sa loob para bumili.


Nung pagpasok niya sa loob ay mas lalo niyang naamoy ang halimuyak ng mabangong aroma ng kape. 'Di mawari ni Maya ang kagalakan kaya dali-dali siyang pumunta sa isang counter pero bigla siyang naatrasan ng isang lalaking nasa harapan niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang napaupo.


"Sorry, sorry." Sabi ng nakabunggo sa kanya at tinulungan siyang makatayo. Eksaktong pagkatayo niya ay nahulog naman nito ang isang librong kinagigiliwan niya. Wala pang ilang segundo ay kinuha na ito ng binata.


"Fifty Shades of Grey, huh?" Sabi niya sa lalaki. Kitang-kita niya kung paano namula ang pisngi ng lalaki at kung paano siya iwanan nito sa may counter. Napailing na lamang siya at saka bumili ng paborito niyang kape.


--


Pagkapasok ni Maya sa Orion University ay dumiretso na siya sa unang klase niya at nakahinga siya ng wala pa ang kanilang propesor. Hindi naman siya pinansin ng mga kaklase niya dahil lagi naman siyang ganyan, lagi siyang montikang mahuli sa klase.


Pagkadating ng kanyang propesor ay inutusan silang kumuha ng papel dahil meron silang pagsusulit. Pagkatanggap na pagkatanggap niyang papel ay ganoon na lamang ang ngiti niyang isa lang ang tanong pero napabuntong-hininga siya ng mabasa ang tanong.


What is harder to cure? Is it the heart itself or the broken-heart?


Shit! Bakit ganito ang tanong naman. Sigaw ng kanyang puso. Ganito na lamang ang kanyang hinanaing ay hindi naman Philosophy ang kinuha niyang degree program kung hindi tourism at itong kanilang propesor ay mukhang iniisip na Philosophy ang kinuha nilang degree program.


Kahit anong hirap ng taong ay sinagot pa rin ni Maya ang taong dahil kapag bumagsak siya sa subject na ito ay magpapaalam na siya sa Orion University.


"Pens down and submit your papers!" Sigaw sa kanila ng kanilang propesor. Tumingin naman sa orasan si Maya at laging gulat niya na natapos na pala ang isang oras at kalahati.


Matatapos na siya sa gagawin niya pero dahil pens down na kaya dali-dali niyang tinapos ang ginagawa at saka ibinigay sa kanyang guro. Napabuntong-hininga ulit si Maya dahil alam niyang maaaring bumagsak muli siya sa subject course na ito.


"Uy, Maya!" Napalingon naman si Maya sa tumawag sa kanyang pangalan. Nakita niyang palapit sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan. Nginitian niya ito pero mukhang nahalata ng dalawa na meron siyang pinoproblema.

"Oh, bakit para kanyang binagsakan ng langit at lupa?" Tanong sa kanya ng bakla niyang kaibigan na si Ginger.

"For sure bagsak siya sa finals ng Philosophy, nagtanong ka pa." Nanlalaking-matang sabi naman ni Mica.

"Letche kayo! Paalala niyo pa, mga bwisit! Ang hirap ng nakuha kong tanong." Sabi naman niya.

"Ano ba yung tanong mo?" Sabay na tanong sa kanya ng dalawa niyang kaibigan.

Cryzel's Cafe: Cafe Lover and IWhere stories live. Discover now