Chapter 2

327 5 1
                                    

Nang makapasok si Maya sa loob ng gymnasium ay nakita na kaagad niya ang mga taong iba ang unipormeng suot at mukhang nandito na ang mga estudiyante ng Aberdeen Empire Academy. Hindi na lamang niya at dumiretso na siya sa loob ng kanyang klase.


Kahit nasa loob na siya ng klase ay naririnig niya ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase niya na mayroon raw na gwapong estudiyante ng AE Academy at halos magtilian ang mga kaklase niya ng may dumaang grupo ng mga gwapong lalaki kasama ang kanyang pinsan. Mukhang pinapakilala ang klase nila na isa sa mga tourism class.


"Nandiyan siya." Narinig niyang sabi ng isang bakla niyang kaklase.


Napailing na lamang siya sa mga ito at hinintay na umalis ang mga ito dahil inaabangan niya ang professor niya kung darating ba o hindi. Tumayo na si Maya ng para umalis dahil halos trenta minutos na siyang naghihintay, nang biglang may tumawag ng pangalan niya at laking gulat niya kung sino ang lalaki.


"Edgar?"

"Hey, so you are studying here?" Tanong nito sa kanya. Napatango naman siya at napangiti ang binata.


Lumabas na naman ang dimples mo. Lalo kang gumagwapo, eh! Sigaw ng kanyang puso. Lumingon naman si Edgar sa mga kasamahan at sinabihan siyang aalis na. Pagkaalis na pagkaalis ni Edgar sa may bukana ng klase niya ay biglang nagsilapitan ang mga kaklase niya sa kanya at pinagtatatanong siya tungkol sa binata. Hindi naman niya ito pinansin at umalis na lamang sa klase, eksakto namang nag-announce na wala ng klase.


--


Pagkauwi ko ng bahay galing Orion University dahil sa friendship day ay narinig kong nag-aaway ang mga magulang ni Maya. Nakilala ko na ang mga magulang nila at mababait ang mga ito pero hindi ko alam kung bakit ganito mag-away ang mga ito, mabuti na lamang ay hindi ito naririnig ni Maya.


"Nag-aaway na naman ang kapit-bahay natin, ah!" Sabi ni Aldred habang sumisimsim ng malamig na tubig.


"Kailan ba hindi nag-away sila?" Tanong naman ni Edgar at nagkibit-balikat na lamang si Aldred. Simula ng tumira sila sa Vista Grande ay lagi na niyang naririnig na nag-aaway ang mga magulang ng dalaga.

"Mabuti na lang at –"


"Shh!" Saway ni Edgar sa kapatid. Ayaw niya pang-isipin iyon dahil alam niyang may ilang araw pa siya bago niya makaharap ang mapapangasawa niya.


Sa pamilyang Patrimonio ay umiikot ang arrange marriage pero magkakaroon lamang ng arrange marriage kapag nagkaroon sila ng dalawa o higit pang anak at dahil pangatlo siya sa magkakapatid kailangan niyang sundin ang tradisyon nila. Ang ate niya ay nakapag-asawa na sa isang mayamang lalaki mula sa Santorini, Greece habang siya ay mapapangasawa niya ay isang Pilipino.


Pumasok na lamang sa kwarto si Edgar at tinuon niya ang pansin sa kaharap na mga papeles. Sa darating na biyernes ay magiging pormal ng iaanunsyo ang kasal niya sa babaeng hindi niya alam kung may pagmamahal sa kanya.


Iniisip pa lamang ni Edgar ang situwasyon niya ay naiisip niyang maswerte ang mga unang anak sa pamilya nila dahil sila ang makakapamili ng kanilang pakakasalan at sila pa ang magmamana ng ari-arian ng magulang. Lumingon muna si Edgar sa may balcony ng kanyang kwarto at nakita niya si Maya na nagbabasa ng libro sa may balcony. Gustuhin man niyang puntahan ito ay hindi niya pwedeng gawin dahil mas makakabuti ito para sa dalaga.


--


Laking tuwa ni Maya ng lumabas na ang resulta ng finals niya sa Orion University website at nakahinga siya ng maluwag dahil makaka-graduate na rin siya sa wakas. Akala niya dahil sa sobrang units niya ngayong taon at delikadong marka sa Philosophy ay hindi siya makaka-graduate. At bilang pabuya sa kanyang sarili ay kumuha siya ng libro at nagbasa.


Reading books are her stress reliever. Laging pagbaba ang nakakawala ng pagod niya, kahit anong libro pa yan ay babasahin niya at nawawala ang kanyang pagod. Umupo si Maya sa may umupuan niya sa balcony at doon nagbasa. Masyado niyang natengga ang pagbabasa nito dahil na rin sa pag-aaral.


Habang nagbabasa siya ay nakita niyang bumukas ang pinutan ng kwarto ng katapat niyang bahay at doon pumasok si Edgar. Gusto niya sana itong batiin pero yumuko na lamang siya dahil na rin sa ayaw niyang bigyan ang binata ng maaaring isipin nito na magtungo sa kanyang nararamdaman. Mukhang hindi naman siya nito napansin kaya hinayaan na lamang niya.


--


Nagdaan ang hapunan at tahimik na kumakain ang pamilyang Moore ng biglang nagsalit ang kanyang ina.


"Anak, may sasabihin sana kami sayo." Sabi ng kanyang ina.

"Ano po yun?" Tanong naman niya.

"Alam kong humihingi kami ng malaking pabor kapag pumayag ka pero kasi kinabukasan mo yung iniisip namin."

"Ano po ba yun?" Tanong niya at lumingon ito sa kanyang ama na nakayuko lamang at hindi kumakain.

"Desisyon mo pa rin, anak, kung ayaw mo o kung ayos lang sayo pero kasi –"

"Ma, go straight to the point please?" She blunts it to her mother.

"Naka-arrange marriage ka." Biglang sabi ng kanyang ama at sabay alis nito sa hapag.


Hindi makapaniwala si Maya sa sinabi ng kanyang ama pero hiningi pa rin niya ang paliwanag kung bakit ito ginawa sa kanya.


"Bata ka pa lang anak, lumapit na sa amin ang pamilya nila para hingin ang kamay mo sa isang arrange marriage. Ayaw na talaga ng papa mo dahil gusto naman kung sino yung mahal mo ay iyon ang magiging asawa mo pero ngayon lumaki ka na ay nababaon tayo sa utang dahil palugi na ng palugi ang kompanya ng papa mo. I already asked him to ask for his sister's help pero alam mo naman ang papa mo masyadong mataas ang ego at ang pride kaya hindi ito humingi ng tulong. Anak, ito rin yung dahilan kaya ka namin inalisan ng cabin, ayaw ko talaga anak pero kasi iyon na lang din ang naging daan ko para maialis sayo yung luho mo para wala kang dahilan para magrebelde."

"Ma, alam mo naman na maiintindihan ko kung sasabihin mo." Sabi niya sa ina.

"Alam ko yun pero kasi ayoko rin namang alisin sayo yun, you are our princess and a princess should have luxurious things. Alam kong mali yung pagtatago namin sayo ng kalagayan natin pero ayaw naman namin mahirapan ka.

"Kahapon, pumunta rito muli ang magulang ng mapapangasawa mo para tangungin kung buo na yung desisyon naming hindi ka ipagkasundo dahil halos baon na tayo sa utang at alam kong giginhawa ka sa kalagayan nila kaya sabi ko papayag kami as long as papayag ka.

"Anak, mababait ang pamilya nila at lalo na ang mapapangasawa mo. Nasisigurado ko iyon, kilala ang pamilya nila sa buong France at kilala ang lalaki dito sa Pilipinas sa mga charity works niya." Sabi ng kanyang ina.


Nakita niyang kung gaanong nanlulumo ang ina sa kinuwento niya. Kahit naman pala ipinagkasundo siya nito ay sinigurado nitong mababait ang pamilya, lalo na ang ipinagkasundo sa kanya.


Ito na ba ang senyales na kailangang tanggalin niya ang nararamdaman niya para kay Edgar? Huminga si Maya ng malalim at saka tumingin sa ina.


"Sige, ma. Papayag akong makipagkasundo." Tugon niya sa ina dahil alam niyang wala naman siyang mapapala sa pagmamahal niya kay Edgar.

Cryzel's Cafe: Cafe Lover and IWhere stories live. Discover now