Chapter 55: Gang War

14 0 0
                                    

"Naka handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa lahat

"Yes Boss!" Sagot sakin ng lahat.

"The time is... 8:27am. So all of us has some time to prepare for this worst nightmare. Just like what I said kailangan 8pm palang nasa Batangas na tayo."

Bakit sa batangas? Dun kase matatagpuan ang Gang Arena. The largest gang arena in the world. Ipinatayo yun ni Daddy duon para incase na may gang war, walang sibiliyan na nadadamay.
Ang start ng gang war ay 11 pm ng gabi. Pero 8 palang kailangan nanduon na. It will take us 2 ½ hours to travel.

"Chloe isasama pa ba natin si Mint?" tanong ni Kuya Terrence

"Oo. Napagawa ko na yung bullet proof suit para sakanya. So safe sya sa laban. Di naman makaka abala sa atin si Mint since well trained narin ito. Pakainin mo narin para may lakas sya mamaya." giit ko. Tumango lang sya at umalis na.

This is the second time na isasama namin si Mint sa Gang War.
Mahal na mahal ko kase ang baby boy ko kaya ayaw ko syang isabak sa mga gantong laban. Pero kase malaki ang maitutulong nya kaya pumayag na ko.

"My dear Princess.. Matulog kana muna. Mahirap hirap ang laban natin mamaya " Biglang sabi ni Daddy

Ngumiti lang ako sakanya at umakyat na muna sa kwarto ko.
Tama si Daddy I need enough rest.

*****

Nag lalakad ako sa kawalan. Isang malawak na desyerto na may katabing dagat.

"Nasaan ako...?" tanong ko sa sarili ko.

"Arf arf arf!" rinig kong tahol ni Mint

"Mint.. Nasaan tayo? Bakit parang walang mga tao...?" tanong ko ngunit bigla na lang itong umiyak

"Mint? Anong problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" tanong ko sakanya at kasabay nun ang pag yakap ko sakanya

"Chloe... Bess.. Mamimiss kita. Ingatan mo ang sarili mo ha?" rinig kong sabi ni Sam

"Sam? Saan ka pupunta? Bakit ka umiiyak?" tanong ko pero tumakbo sya

Naiyak narin ako kaya hinabol ko sya.
Pero pinigilan ako ni Mint. At kasabay neto ang pag iyak nya rin at pag iling.

"Pero Mint si Sam.. Kailangan ko syang sundan.. Hindi sya pwedeng mawala.. Mint!" sabi ko at sinundan ko si Sam

Nakita ko naman syang dahang-dahang pumapasok sa bilog na nag liliwanag.

"Teka! Portal ba yan? Sam saan ka pupunta? Wag kang pumasok dyan please.." sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanya. Pero parang bumabagal ang oras at ang pag takbo ko ay parang naging slow motion din

"Sam!!!! Hindee!!! Wag mokong iiwan sam!!!" sigaw ko at pilit paring binilisan ang pag takbo. Pero no use, ang bagal bagal ko parin. Parang may pwersang pumipigil sa akin.

Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong naka yakap duon si Mint. Na umiiyak narin.

"Chloe nag titiwala ako sayo ha? Ikaw ng bahala sa kanilang lahat... Mamimiss kita!" Huling sabi ni Sam bago sya pumasok sa portal

"SAAAAAAAMMMMMMM!!!!!!!!!!"

Panaginip lang pala.

"Chloe? Okay ka lang ba? Bat ka umiiyak?" biglang sabi ni Alli na kakapasok lang sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang mga pisngi ko at nakapa ko ngang basa.

"Wala.. Masamang panaginip lang." sagot ko at tumayo na.
Pumasok ako sa Bathroom para makapag ayos.

My Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon