Chapter 50: February Fair

16 2 0
                                    

Hay.. February 14 na ngayon. Tuesday Valentines Day.
At required ang lahat ng estudyante ng Colegio de Barcelona University na pumasok. Ang hindi daw pumasok, pag lilinisin ng buong campus sa loob ng isang buwan.  ̄︿ ̄

Huhuhuhuhu!! Napaka sama nila!!
╯﹏╰

Ayoko namang makiuso sa kanila, kaya ang sinuot kong damit ay Grey na ¾ Long sleeve na pinartneran ko ng Blue Pants na medyo faded. Tapos nag suot lang ako ng converse na grey na may design na Punk Princess.
Tapos konting pulbos lang at konting pabango.
And walah—! I'm all done.
Trip kong mag commute ngayon ah..

So ayun nga, naisipan kong mag Taxi na lang papuntang school.
After a couple of minutes nakarating ako agad. Di rin naman kase traffic kaya okay.
Namimiss ko na rin pala yung condo ko.. Dun nga ako uuwi mamaya.

Pag dating ko ng school...

"Uh... Chloe... For you." sabi ng isang estudyante sabay abot ng valentine's card

"Thanks." sagot ko sakanya sabay alis

At nasundan pa nga ng nasundan ang pag bigay sakin ng mga Valentine's Cards, Roses, Chocolates, and Teddy Bears.
Medyo nahirapan naman ako mag dala kaya pinadala ko na lang muna sa SSC office. Jusme! Kay dami naman kaseng gifts neto!

Dumiretso na ako sa Cupid's Treasure Booth. Kailangan ko nga palang mag tinda.

"Chloe! Buti dumating kana. May pinapasabi nga pala si Ms. President sayo.." sabi ng isang babaeng di ko kilala

Sornaman. ︶︿︶

"Oh, ano sabi? " tanong ko. Malay nyo importante eh

"Kami na lang daw bahala dito. Tapos kayong mga SSC officers daw mag ikot ikot sa buong campus para imonitor ang mga booths. " sagot nya

Kaya tumango na lang ako at lumabas na.
Tss.. Daya! Tapos lahat ng andun sa shop, naka PULA! Litsi!

Nagulat naman ako ng biglang may tumakbo at niyakap ako ng mahigpit.

Guess who?

"Chloe.. Happy Valentines Day, uhm.. Sorry sa mga nagawa sayo ng tatay ko.. At ni.. Kuya Jackson..!" mangiyak ngiyak sa sabi ni ENZO!

TamA kayo ng basa! Hindi yan typo!

🎶Kailangan ba na mag wakas itong pag ibig?
Bukas ngayo'y wala kana saking isip..
Hindi mo ba na-aalala ang mga kahapon..
Na dati ay anong saya.. Anong tamiss..

Sadyang pag-ibig natin ay nakakapanghinayang..
Ngunit sa'ting mga mata, ito'y kalabisan lamang..
Patuloy na masasaktan ang mga puso..
Oh  bakit kay sakit parin ng paglayo...

Wala ka man ngayon sa aking piling,
Nasasaktan man ang puso't damdamin..
Muli't muli sayo na aaminin..
Ika'y mahal parin..

At kung sakali na muling mag kita..
At madama na meron pang pag-asa..
Hindi na dapat pang sayangin,
Hayaan nating, puso ang mag pasya..🎶

"Enzo ano bang nasinghot mo? Utot? O hininga ng asong bangag? " asar na tanong ko

Narinig ko naman syang tumawa

"To naman! Ang sungit. Gusto ko lang sanang BAWIIN yung ano mang meron sakin DATI! Na INAGAW ng IBA! " sagot nya na in-Emphasize talaga yung ibang words

"Sino bang NAGLOKO? At sino rin ba ang NANG IWAN? Diba IKAW! " inis na sabi ko at tinalikuran sya

"Chloe. Ariane. Smith. Mahal. Parin. Kita. At. Di. Na. Mababago. Yun! Babawiin. Kita. Sakanya! Sa. Ayaw. Mo. Man. O. Sa. Gusto. Mo! " may diing sabi ni Enzo

My Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon