Chapter 35: The Truth

24 2 2
                                    

“My punta lang ako CR.” Sabi ko

“Sige nak. Sama mo na yan si Mint.” Mommy

“Oi sasama ako! Mamaya may lumandi pa sayo eh.” Red

“Yah? Pabebe matss? Kasama ko si Mint uy. Pag may lalaking lumalapit sakin, tinatakot nyan.” Sabi ko

“Even though. Sasama parin ako!” Red

“Isama mo na yan nak.” Mommy

“Oo na. Mag C-Cr lang sasama pa.” Bulong ko

So ayun nga nag lakad lakad kami. Peste mukha kaming couple.

“Hoy tukmol! Hanggang jan ka lang sa pinto! Baka mapa aga pag punta mo sa langit!” Sigaw ko

Pano ba naman, sasama pa hanggang CR. Sarap nyang tirisin eh!

Chlea's POV

“Chlea tahan na....” Enzo

“Enzo paano ako hindi maiiyak! Tignan mo naman oh... Dumadalaw sila sa maling tao. Iniisip nilang patay nako. Ang sakit sakit Enzo. Taon taon nakikita ko silang ganyan. Napaka sakit sa loob ko..” ako

At naiyak na naman ako ulit.

“Shhhh.... Everything will be alright... Maayos din to...” Enzo

“Enzo samahan mo naman ako mag CR.”

“Hanggang loob ba?” Enzo

“Gago! Napakamanyak mo!”

“Oh edi napangiti kita kahit papano.” Enzo

Inirapan ko na lng sya a nag lakad.

Nakasalubong pa namin si Red habang paakyat kami sa CR ng girls.

“Enzo. Let's talk.” Red

Tumingin muna sakin si Enzo.
Tumango ako at umalis na sila.

Pag pasok ko,

“Look who's here.... A slutty bitch!” Sabi ni Khiera

“Khiera!” Sita ng apat nyang kaibigan

Third Person's POV

Yumuko si Chlea dahil alam nyang ano mang oras babagsak na ang kanyang mga luha

“Chlea.... Can we talk?” Tanong ni Chloe sa kakambal nya

Dahan dahan tumingin si Chlea sa kapatid nya at tumango

“Isama mo na rin yang aso mo.” Sabi ni Chloe

May dala kasing aso si Chlea.
Golden Retriever nya na si Chill na kasing laki ng aso ni Chloe na si Mint.

“Mag ingat ka sa impostor na yan Chloe ah.” Khierq

Tinignan ng masama ni Chloe si Khiera

Di na napigilan pa ni Chlea maiyak kaya nauna syang mag lakad.

“Sa may Mystical Fountain tayo mag usap para tahimik.” Chloe

Sa pinaka dulo kase ng sementeryo may isang napaka gandang fountain na tinatawag na mystical fountain.

~Mt. Zion Memorial Park, Mystical Fountain~

“Sorry sa kaibigan ko ah... Sadyang galit lang talaga sayo si Khiera eh.” Panimula ni Chloe

Ngunit hindi umimik si Chlea
Kaya naag desisyunan nyang lingunin ito.
Nabigla sya dahil umiiyak si Chlea.
Kaya niyakap ni Chloe si Chlea.

Parang nananalamin lang ako! Sabi ng isipan ni Chloe

“Napaka sakit pala sa pakiramdam yung inakala ng pamilya mo na patay ka na. Pero sinubukan mong mag pakita sa kanila pero tinakwil ka nila kase isa ka lang daw impostor.” Chlea

“Kung ano man yang nararamdaman mo, pwede ka naman mag share sakin. I'll listen to you.” Sabi ni Chloe

“Pag ba sinabi ko sayo maniniwala ka ba?” Tanong ni Chlea

“Oo naman.” Sagot naman ni Chloe

“9years ago, five years old palang ako. Masaya kami ng family ko.... Pupunta sana kami sa Tagaytay para mag bakasyon sa bahay ni Lola Marcia. Nung time na yun, yung apat kong kuya, nauna na sa Tagaytay. While yung dalawa kong kuya tapos yung bunso namin tsaka yung kakambal ko ang kasabay namin sa Van. Habang nag da drive si Daddy, biglang may tumawid na babaeng nakaputi. At dahil dun, kumanan si Daddy ng Daan. But unfortunately, nag pagulong-gulong kami pababa ng bangin. Nag yakapan kami ng kakambal ko. Bumangga yung Van sa puno ng buko kaya huminto kami. Kaso na ipit ako sa may pinka gilid ng pinto. Na stuck ako duon. And that time, kasama ko si Chill. Etong aso ko. Isa isang niligtas ni Momm at Daddy sila Kuya at ang kakambal ko. Sinubukan din nilang iligtas si Chill pero ayaw ni Chill. Parang sinasabi nya na hindi daw sya aalis hanggat di ako naiiligtas. Sinabi sakin ni Mommy nuon, babalikan nya daw ako para humanap ng tulong. And that time pala nawalan ng malay si Daddy, si YanYan at si Than-Than ng malay. Naiwan akong umiiyak sa loob ng sasakyan at tinatawag si Mommy at Si Daddy. Naka gawa ng paraan si Chill para mai-alis nya ko sa loob ng sasakyan. Pinasan nya ko at dinala sa medyo malayo. At sumabog na yung sasakyan. Iyak ako ng iyak non. Hanggang sa may batang lumapit sakin at inuwi ako sa kanila. At si Enzo yun. At pinalaki nila ako at pinag aral ng pamilya nya.” Mahabang kwento ni Chlea habang umiiyak.

Napahawak si Chloe sa ulo nya dahil sa sobrang sakit nito. Makalipas ang ilang minuto, unti unti nang naalala ni Chloe ang lahat.
At naiyak sya ng maalala na nya ng lubusan ang lahat ng nangyari.

“Arciel....” Naiiyak na sabi ni Chloe

Dahan dahang tumingin si Chlea kay Chloe

“Naaalala mo na? Yanyan?” Tanong ni Chlea

Tumango si Chloe at iyak na sila ng iyak

“Akala ko patay ka na... Chlea nag ka amnesia ako. Sorry sa lahat lahat ng kasalanan ko sayo... Sorry kung naging mortal enemy kita.” Umiiyak na sabi ni Chloe

“Sorry din kung ilang beses na kitang binaril. I'm really sorry. Gustong gusto kong bumalik sa bahay pero mukhang di ako welcome...” Malungkot na sabi ni Chlea

Pinunasan ni Chloe ang mga luha na tumutulo sa mukha ni Chlea.

“Gagawan natin yan ng paraan. Alam mo bang hinihintay na kayo ni Chill ng kwarto nyo? Kaya dapat umuwi na tayo.” Sabi ni Chloe

“Paano pag tinakwil ulit ako ni Daddy? Yanyan I really hate Rejections. It hurts me a lot.” Malungkot na sabi niChlea

Hinila na ni Chloe si Chlea papunta sa pwesto ng parents nila

“Mom you have to believe us. Kahit ipa DNA test mo pa.” Sabi ni Chloe

“Anak.... I'm sorry If I reject you before... I'm really sorry anak. I promise di na kita hahayaang mawala ka pa anak!” Umiiyak na sabi ni Vanessa habang yakap yakap ang kayang anak.

“Group Hug.....!” Sigaw nila ni Kuya

“Teka Teka! Kung buhay ang totoong Ate Chlea... Eh sino yang naka burol jan?” Tanong ni Nhate

“Wala talagang naka libing jan. Kase sabi nuon ng mga pulis, di na daw na recover ang bangkay ni Chlea. Yun pala buhay ka pa pala anak kaya di na narecover...” Paliwanag ni Mommy

“Group Hug Ulit!!” sigaw ni Terrence








★★★★★★★

Update! Hahahaha ayan ah.. Bumawi na ko. Medyo maiksi lang yan kase nasa bus po ako habang tinatype ko yan.. Nakaka hilo pramiss.

So... Nag kita na pala ang mag kapatid. Yieehh! Eh ano naman kayang nangyare sa usapan ni Red at ni Enzo? Malalaman nyo yan sa next chapters.
Sorry nga po pla sa last chap. Na mental block talaga ako pramis!

So basta vote comment po thanks!

Sapphiepink25

My Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon