SLEEP PARALYSIS EXPERIENCES

439 4 0
                                    

The first time I experienced sleep paralysis was when I turned 18. 2011 pa yun. Hindi ko alam pero kasi, yung Papa ko, palagi syang nakaka-experience nun. Bangungot kung tawagin nila. Kinakabahan kami ng Mama ko kapag nag-gaganun si Papa kasi lagi syang nasa destino, mag-isa lang sya doon. If ever bangungutin sya, walang gigising sa kanya.

Anyway, noong una kong na-experience 'yon, umaga na. Nagising na ako nun bandang 7:30, pero napuyat ako dahil gumawa ako ng reports kaya in-extend ko ang tulog ko. Hapon pa naman ang klase ko. Eventually, I fell back asleep. Tapos may kung anong malakas na ingay akong narinig, nagising ako. Pero nung magising ako, hindi ko na maigalaw yung katawan ko. Kinabahan ako nun. First time kasi. Akala ko mamamatay na ako. Naalala ko yung sabi nila na pagalawin mo daw kahit daliri mo sa paa para magising ka. Nag-doubt pa ako nun kasi nga ginagalaw ko naman pero paralyzed pa rin katawan ko. Buti na lang nagising din ako after a few minutes. Pawis na pawis ako nun.

Yun na ang simula ng weird experiences ko. Sobrang daming beses na, pero yung pinaka nakakatakot na lang ikukwento ko.

Ang pasok ko sa school, Monday-Saturday kaya tuwing Linggo, imbis na manuod ako ng TV o ano, binabawi ko ang pagod ko. Magigising ako ng 6 para magsimba, uuwi, kakain tapos matutulog. Hahaha. Buhay baboy lang di ba.

Yung bahay namin, two-storey. Yung kwarto namin ng kapatid ko, sa itaas, kila Mama at Papa naman, nasa baba. Mababa lang yung bubong at kisame namin sa second floor kaya kapag may sikat ang araw, sobrang init. Kahit tutok na ang electric fan, bukas ang aircon, di talaga kaya. Tagaktak ang pawis mga bes. Kaya kapag syesta, sa kwarto nila Mama ako natutulog. Sila naman, sa sala, naglalatag ng banig.

Ayun na nga, natutulog ako sa kwarto nila. Bukas lang ang pinto para makapasok ang hangin. Bukas rin ang TV nun sa sala, nanunuod kasi yung kapatid ko kaya naririnig ko yung palabas. Di ko alam kung mababaw ba ang tulog ko nun o ano pero napamulat ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko. Kalmado na ko nun dahil alam ko na lilipas rin yung feeling na yun. Yung mata ko, bordering on mulat na at nakapikit pa. Kahit na paralyzed ang katawan ko, nagagalaw ko pa rin ang mata ko. Napatingin ako sa pinto at may pumasok na babaeng nakaputi. Di ko masyadong maaninag dahil malabo ang mata ko. Tapos humiga yung babae sa tabi ko. Kebs lang kasi baka si Mama yun, so pumikit na lang uli ako.

Ginising ako ng kapatid ko bandang 12nn dahil kakain na raw kami. Pagdating sa kusina, tinanong ko si Mama.

""Ma, pumasok ka ba sa kwarto nyo kanina? Natulog ka ba sa tabi ko?""

""Hindi,"" iling nya, ""Bakit?""

""Kasi may nakita ako kaninang pumasok tas tumabi sakin. Hala, sino yun?"" ngumisi ako. Hindi kasi ako matatakutin sa mga multo-multo na yan. Eh si Mama, matatakutin yon.

***

Naulit na naman yung sleep paralysis ko pero this time, sa kwarto ko na. Nakadikit yung kama ko sa dingding para hindi mahulog ang mga unan ko. Medyo malikot ako matulog, lalo na pag di ako kumportable, ikot ako nang ikot. Nakaharap ako nun sa dingding. Nagising ako nang konti kasi nga umikot ako. Minulat ko nang konti ang mata ko at nakita ko na may duguang kamay na nakahawak sa kamay ko. Hokding hands talaga mga bes, with intertwined fingers and all! Naloka ako. Puro dugo kasi ang kamay nung ka-HH ko. Multo na lang ba ang nakatadhanang ka-holding hands ko? Hindi ko na tiningnan kung sino ang nagmamay-ari nung kamay. Nakatulog na rin ako ulit nun. Nung magising ako nung umaga, tiningnan ko ang kamay ko. Buti na lang, walang dugo.

***
Nung nag-OJT kami sa Davao, stay-in kami sa rehab center. Sa likuran ng center, may staff house. Doon kami ng mga kaklase ko nagsestay. One time, nagpa-activity kami nang buong araw sa mga residents ng rehab kaya pagdating ng gabi, sobrang pagod kami.

Nung patulog na kami, giniginaw ako kasi ang lakas ng aircon sa room namin. Ang ginawa ko, lumipat ako ng ulunan. Yung mga kama kaso don, single lang at walang headboard o ano. Pinagdikit namin ng friend ko yung mga kama namin para malawak ang space na pwedeng gulung-gulungan. Hahaha. Ayun nga, dahil lumipat ako ng ulunan, yung paa ko nasa may ulo nya, ganun din ang kanya.

Nagpray ako bago matulog, which is palagi kong ginagawa. Nang makapikit na ako, dala na rin siguro ng pagod, nakatulog kaagad ako. Hanggang sa maramdaman kong may humahawak sa baywang ko. Hindi lang hawak, haplos talaga. Napamulat ako dahil sa naramdaman kong yun. Akala ko, yung katabi ko sa kama yung humahaplos sa akin pero hindi! Kasi naririnig ko sya na kausap ang boyfriend nya sa phone.

Tapos may bumulong sa tenga ko. Boses ng lalaki, creepy as fck talaga.

""Maputi, malambot, masarap.""

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tawagin yung kaklase ko. Pero di ako makagalaw. Naglakas loob pa ako nun na lingunin ang kung sino mang bumubulong sa tenga ko pero di ko talaga kaya. Hanggang sa nakagalaw na ako, napaupo talaga ako.

""Oh, kala ko tulog ka na?"" tanong ng kaklase ko. Hindi ako sumagot. Binaliktad ko ang unan ko bago ako humiga ulit. Sobrang takot ko nang matulog nun, baka kasi maulit na naman.

Kinabukasan, napag-alaman kong yung naunang nag-OJT sa amin na taga ibang school naman, nakaranas raw ng nakakatakot na pangyayari. May malaking lalaking maitim raw pero hindi sya tao. Baka yun na yun?!

***

Last year, 2015, naglevel up na ang sleep paralysis experiences ko. Mas natatakot na ako.

You know the drill, tulog, magigising ganun pero nagising ako na may parang malakas na hangin sa tenga ko. Parang electric fan na direkta sa tenga ko. Napamulat ako, paralyzed. Hanggang sa naramdaman ko na parang hinihila palabas ng katawan ko ang kaluluwa ko. Shet talaga, dun ako natakot nang husto.

Patuloy lang yung malakas na hangin sa tenga ko tapos yung kaluluwa ko parang hinihila galing sa ulo ko. Yung ulo ko sobrang sakit nun, nararamdaman ko talaga, akala mo goma na nahihila. Nagpray ako nun, sobrang takot talaga. Buti nagising ako. Hingal na hingal ako paggising. Sabi ko sa sarili ko di muna ako matutulog agad pero ewan ko, napapikit na lang ako at nakatulog ulit.

Hanggang sa magising ako dahil bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita kong may pumasok na lalaki at lumapit sa tabi ng kama ko. Akala ko si Papa, magpapaalam na aalis na sya papuntang destino nya. Madaling araw kasi sya bumibyahe.

Kaso bigla na lang hinawakan ako sa leeg, yung sinasakal ako at bumubulong na naman sa tenga ko. Di ko alam kung yung same creepy voice pa rin pero di ko na naintindihan ang sinasabi. Nagpanic ako nun, ang mata ko na lang ang gumagalaw, palibot-libot ang tingin ko sa buong kwarto. Kala ko mamamatay na ko dahil sa sakal. Nagising pa rin ako.

***

Naulit na naman yung feeling na hinihigop ang kaluluwa ko. Nakamulat ako nun, tapos naramdaman ko nang humiwalay ako sa katawan ko, nakikita ko ang sarili kong tumatagos sa mga pader ng bahay namin. Pero hindi ako nakalayo sa katawan ko, parang rubber band nga, nagstretch tapos bumalik din agad. At masakit na naman ang ulo ko after nun.

Ang pinakarecent ay nangyari last Friday. Nagising ako na may malakas na hangin sa tenga ko. Naisip ko na, 'Eto na naman tayo.' pero di ako makagalaw. Hanggang sa naramdaman ko na namang nagsestretch yung ulo ko at hinihila ang kaluluwa ko. Pinilit kong sumigaw, walang boses na lumalabas.

Tapos nagising ako bigla dahil tinapik ako ng housemate ko (dito na kasi ako sa Manila nagwuwork). Nilingon ko sya, tulog naman sya sa tabi ko. Pero syet natatakot talaga ako pag naeexperience ko yun.

I tried looking into astral projection kasi baka ganun ang nangyayari kaya humihiwalay ang kaluluwa ko pero ang scary pa din!! Minsan iniisip ko, gusto ko maranasan yung full-fledged astral projection para madalaw ko sa panaginip si crush at masabi ko sa kanya na ako na lang. Chos. Hahaha. Anyway, yun lang ang kwento ko.

Spookify Stories👻Where stories live. Discover now