PUTOL NA PARTE

241 2 0
                                    

Ganito kasi yun, kakauwi lang namin non galing sa bulacan. Kasama ko ang nakababata kong kapatid. Before kasi kami makarating ng bahay may dadaanan kaming factory. Habang naglalakad kami nagkukwentuhan kami at nagtatawanan. Pagkatapos napadako yung tingin ko sa parang makina (hindi ko alam tawag) na nasa ilalim ng bintana. Nabigla ako kasi kitang kita ko yung kamay na para bang may dinakot. Napatigil ako sa pagkukwento dahil don, kinabahan ako kasi wala akong nakitang braso na pinagkakabitan nong kamay, yung hanggang wrist lang. Mabilis lang pero alam kong kamay yung nakita ko na parang lalaki yung may ari, medyo malaki kasi kung ikukumpara sa kamay ng babae. Sinilip namin ng kapatid ko pero ayun wala kaming nakita.

Tapos mga isang linggo na nakalipas parang nalimutan ko na yun kasi balik klase na. Pauwi na kami kasama ng dalawa kong kaibigan. Mga 7:30pm tapos ng klase namin. Naglakad lakad kami para maghanap ng isaw. Tapos may nadaanan kaming apartment, dahil chismosa ang mga mahal kong kaibigan eh sinabihan nila akong bagalan namin ang lakad kasi parang may nag aaway sa apartment na yun. Nong malapit na kami sa tapat ng hagdanan na yun may nakita akong gumugulong sa hagdanan. Napatili ako kasi nakita kong may buhok yung gumugulong. May poste ng ilaw sa harap ng apartment na yun kaya klaro ang nakita ko, ulo ng lalaki na gumugulong sa hagdanan pero yung dalawa kong kaibigan nakatingin lang sakin na nagtataka. Kasunod nong nakita kong ulo ay ang pagbaba ng isang lalaki na nagdadabog. Hinila ako ng mga kaibigan ko kasi naninigas ako, hindi ako makahakbang. Ang lamig lamig ng pakiramdam ko pero pinagpapawisan. Nong medyo nakalayo na kami inalog alog ako ng isa kong kaibigan, ang putla ko daw. Tapos ayun kinuwento ko sa kanila yung nakita ko, alam kong natakot din sila pero inasar nila ako na tama na daw ang pagshashabu. Pero ni hindi ko nakuhang ngumiti ng mga oras na yun. Umuwi na kami at hindi na kami tumuloy sa isawan.

Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit ganon yung mga nakikita ko? Yung iba multo talaga, eh ako bakit putol na mga parte? Kamay at ulo, sana wala ng kasunod. Ayoko na.

Spookify Stories👻Where stories live. Discover now