MGA LAMANG LUPA

265 1 0
                                    

Nangyari lang po sakin to in a past few months. Chubby po kasi ako' so ang ginagawa ko is mag papawis every night. So syempre ako picture dito picture doon para may iupload sa fb #dietgoals! Ganern!So pagkatapos kong nagpapawis tinignan ko yung mga litrato ko, then nagulat ako nang may nakita akong dwende sa may bandang leeg ko sumilip siya at para siyang nakapatong sa balikat ko. Tapos habang tinatagal ko nang tingin yung litrato ko mas marami pa akong nakikitang kakaibang mga lamang lupa. Tapos para silang gumagalaw na tila gustong lumabas sa cellphone mo. Sobrang takot na takot po talaga ako that time. Umiyak po ako tapos hindi ako nakatulog magdamag kasi nambubulabog na sila nung nalaman nilang alam na namin na nariyan lang sila sa tabi-tabi. Nandoong may nagbabaksakan, may kumakaluskos, hindi ko na muna pinansin sabi ko nalang aayusin ko nalang kinabukasan. Then umaga na pagtingin ko sa may sala kung saan ako may narinig na may mga nagbabaksan, wala akong nakita kahit anong kalat o ano pa pero dinig na dinig ko talaga na may mga nagbabaksan. Then tinignan ko mga kasama ko kung gising na sinilip ko sila sa kwarto nakita mahimbing naman ang kanilang tulog.

Pagkatapos nang pangyayaring yun sunud-sunud na ang pangyayaring nagpapakita at nagpaparamdam sila, kaya ang ginagawa namen dinededma nalang sila kasi the more pala na pinapansin mo sila is sadyang nananakot sila . Kaya ngayon wala na masyado kasi hindi na namin sila pinapansin kahit pa nararamdaman kong nariyan lang sila sa paligid at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spookify Stories👻Where stories live. Discover now