PSSSST!

307 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong nakakaranas ng sleep paralysis.As in gabi-gabi kong nararanasan yon.Konting pikit ko palang,hindi ko na agad magalaw katawan ko.Mandi na manhid,hindi ako makakilos ng maayos at kapag nangyayari yon,may mga nakatingin sakin,sa tabi lang ng kama ko. Kahit na nagdadasal ako bago matulog,nangyayari at nangyayari pa din siya sakin.Kahit na igalaw ko yung mga daliri sa paa ko,o magkunot ng mukha,wala hindi pa din siya basta-basta nawawala.Siguro tumatagal ng 5 minutes na ganun ako,pero may nabasa ako na 2 minutes lang daw nangyayari ang sleep paralysis.Bakit ganun? Tapos paggising ko,habol na habol ko hininga ko.Kaya sa huli,hindi nalang ako natutulog at hihintayin nalang magliwanag.

Isang gabi,last September (di ko na alam kung anong date) nangyari na naman sakin yon.Pero this time,habang nangyayari yon tumayo na 'ko at nakita ko yung sarili kong natutulog.Pumunta ako sa pwesto nila Nanay,sigaw nang sigaw pero hindi pa din sila nagigising.May mga narinig din ako na sunod na sunod na sitsit.Bumalik ulit ako sa kwarto,pinilit labanan ang nangyayari sakin.Nang magising na 'ko,saktong 2:59am,nagulat ako dahil biglang may kumulbit sa bandang ulunan ko,naramdaman ko talaga yung pagkakadaplis ng daliri niya sa bandang pisngi ko. At narinig ko na naman ang sunod sunod na sitsit.Kaya nagmadali na akong tumabi kila nanay.

Hindi na 'ko nakakatulog ng maaga. Lagi nalang 4am o 5am ang tulog ko.Pero tuwing sasapit ang 3am,dun na sila nagsisimulang sumitsit ulit.Yung sitsit na parang may halong galit,sunod sunod. Nung mga araw na nararanasan ko ito,tumatakbo na 'ko agad para tumabi sa mga magulang ko. Pero nang kinatagalan,nasasanay nalang din ako sa presensya nila,sa mga mata nilang laging nagmamasid sakin,at sa mga sitsit nila na paulit-ulit.Dalawa ang bintana ko sa kwarto,isa sa ulunan ko at isa kaliwa,dun ko sila lagi naririnig at nararamdamang nakatingin sakin.

Nang ikwento ko sa mga magulang ko ang mga nangyayari sakin na ganon,nasabi nalang nila na basta labanan ko daw ito ng dasal. Dahil itong subdivision pala na tinitirhan namin ay dating bukid,at ang kinatatayuan ng bahay namin ay may nakatayong balete tree dati.

Spookify Stories👻Where stories live. Discover now