Totoong weirdo nga ang mundo. . .
Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinanggap ang alok na doon tumira sa apartment na yon, parang kasi siyang naging setting ng kung anong horror film na nakita ko, di ko alam kung alinman doon.
“Magkano po ba ang down payment dito?”
“3,500 kada buwan, kasama doon ang tubig, at ilaw, kung magpapadagdag ka ng internet fee, magdagdag ka ng 500, bale 4,000 yun, so deal?”
“um. . . . .”
“ui! Ano na?”
“ahm. . . s. . .sige po”
Pero sa isip-isip ko, gumawa ako ng napakatangang desisyon sa buhay, as in ngayon lang ito. TANGA KO!
--------------------------------------------------------------------------------------
Andito ako ngayon sa apartment, syempre nagpakuha na din ako ng internet para sa laptop ko, ngayon eto. Inaadmin ko yung aking web, webmaster din kasi ako ng isang website na kung tawagin ko ay “ang website ng pagsasayang ng bolpen” nakaktuwang isipin na medyo comedy ang style ng aking blog ngunit seryoso ako minsan sa pinopost ko.
Kilala ako doon sa pseudonym na “Arthur”, ang pangalan ng website naman ay “filipinospen.com”**
Habang nagtatayp ako ng isang new article para sa forum, may mga kumakalabog sa pinto ng aking kwarto, pag binuksan ko, wala naming tao.
Ilang araw na akong ganon, di ako makatulog ng maayos, dahil may naririnig akong mga hampas ng pinto, nais ko sanang tanungin ang may-ari ng apartment ngunit, palagi siyang wala, di ko talaga maintindihan, pero may misteryo sa apartment na ito.
-------------------------------------------------------------------------------------------
“Sure ka? Friend? Totoo ba yan?”
Halos manlaki ang mata ng aking kaibigan noong narinig niya
“Oo, ilang beses na, di talaga ako maakali, ayuko na. . . . kailangan ko nang maghanap ng bagong lilipatan”
“ASAP Talaga? Di ba pwede muna sulitin mo siya? Wala pa naming isang buwan ka dito tapos suko agad?”
“eh g*** ka talaga! Kung ikaw kaya ditto sa tinutuluyan ko? Sapakin mo ako kung magtagal ka!”
“so talagang di mo na kaya? Um. . . . sige, try kong makahanap ng apartment na malapit sa pinapasukan mo. . . “
“salamat, as soon as possible na, di ko kasi kaya eh. . . “
----------------------------------------------------------------------------------------
Unang Buwan ko na dito sa BOSET na apartment na ito, hanggang ngayon, di pa rin maganda ang tulog ko, ginusto kong umalis kahit wala pa akong nakukuha at mababa ang singil ditto. Di ko na kayang magtagal, parang yung pakiramdam ng mga main character ng Shake, Rattle and Roll.
Noong Friday the 13th, maraming kalabog ang narinig ko mula sa kwarto, wari’y may nais silang sabihin, PLEASE! Wag sa akin! Mahihimatay ako sa inyo! TI KAYOOOOOOOOOOOOOO!
Alas tres ng parehong araw, lumakas ang hangin, malamang halos tabi lang kama ang bintana, lumilipad ang putting kurtina, parang horror movie ang peg. Lumipad na rin yung mga papel sa Table na pinaglalagyan ng Laptop ko.
May mga di kanais – nais na ingay akong narinig mula sa kusina, BOSEEEETTTT!!!!!!!!!!!!! Di ko na kaya! Di ako makatulog! LORD! TULUNGAN MO PO AKO!!!!
Lumabas na ako ng kwarto. . . sinilip ang kusina. Nakikita ko ang nagbabagsakang pinggan, napasandal ako sa pader. . . parang gustong kumawala ng aking third eye! Suko na ako SHIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Habang nakasandal ako sa pader, tinignan ko ang kanan at kaliwa ko, habang unting – unti kong inikot ang ulo ko sa nasabing direksyon, may nakasilip sa kaliwa ko. . . di. . . di ko maeksplain! Pfffftttt! Isang. . .isang b. . babaeng. . . m. . .mahaba. . . . ang. . bu. . .buhok. . . . parang. . .w. . .white lady. . . WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Kumaripas na ako ng takbo, di ko na alam kung saan ako pwedeng pumunta, basta yung malayo sa apartment na iyon!!!!!!
-----------------------------------------------------------------------------------------
Mula ikaapat na baiting, lumakas ang hangin!! Parang gusto akong hilain pabalik sa aking apartment!
Pilit kong nilalabanan ang hangin ngunit di ko kinaya, nahihila ako ng hangin ng mistulang parang papel na nililipad, napansin ko ang napakalakas na hangin , kumapit ako sa isa pa, di ko na kaya! LORD!! KUNG MAMATAY AKO NGAYONG ORAS NA ITO! IPAGDASAL SANA NG MAKAKABASA NITO ANG KALULUWA KO!
Pinipilit kong labanan ang hangin, ngunit di kinaya ito ng aking tsinelas, talagang makasalanan ba ako? Naisip ko ang lahat ng aking kasalanan at humingi na ako ng tawad kay Lord. . . . Lord, kung ito na talaga ang parusa nyo sa akin. . . . .
Tuluyan kong pinikit ang mata ko, nawalan na ako ng pakiramdam, di ko na alam kung ano na. . . . . .
TUMINGIN SA PALIGID MO. . .
NARARAMDAMAN MO NA BA ANG PAGLAMIG NG KINALALAGYAN MO?
MAY NARIRINIG KA BANG INGAY. . .
MAY NARARAMDAMAN KA BANG MAHIGPIT NA YAKAP?
WAG KANG MAG – ALALA. . . .
DI KITA IIWAN. . . .
SAAN KA MAN MAGPUNTA. . .
BASTA ANDITO LANG AKO. . . . DI KA IIWAN. .. .
HABANG. . ..
BUHAY. . . .
** Non existing website po yan kaya don't seacrh for it
Ps. wag kayong malilito sa long po niyan dahil ang long po niya ay may ibang ending
Thank you po :D
