My version pf DOS ay nakakiyak ni Gintaman Elizabeth (http://www.wattpad.com/story/11764979-dos-ay-nakakaiyak) -Oi Tol para sa iyo to! eto version ko
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Bakit ka ba kasi palaging kang nangungutang dito? Yung ultimong dos na sigarilyo ipinangungutang mo pa?! sa susunod pag nangutang ka uli ng ganyan eh din a kita bibigyan grabe ka?!”
Napakamot ng ulo si Dennis dahil sa utang ng utang si Thomas, parang kahit kalian eh puro sigarilyo na lang ang kanyang uutangin, tinignan niya nag listahan ng utang ni Thomas, nakita niya na puro Dos lang na sigarilyo ang inuutang nito at lumobo ito sa 68 pesos na puro sigarilyo lamang
“Di ko baa lam sa iyo! Ultimo sigarilyo utang na lang, DAFUQ ka naman talaga”
“Diba sabi ko sa iyo babayaran ko naman?! Eh ba’t ka hindi makapaghintay?”
“eh kasi nakakainis na eh yung ultimo 68 pesos puro tig dodos lang na sigarilyo”
“Aba! Wag ka nang makialam, kung gusto ko puro sigarilyo lang, eto isang libo!!! Bilhin ko ang lahat ng tinda mo diyaan, bayad na di utang, keep the change?!”
“OWS?”
“OO NGA! Ayusin mo na ang mga tinda mo pang natitira diyaan”
Napilitang ayusin ni Dennis ang lahat ng tinda niya, ubos tindahan, walang natira, pagkaabot niya ay inabot sa kanya ni Thomas ang isang libo
“o ayan, Masaya ka na?”
“Oo. . . “
Di pa siya tapos magsalita ay umalis na si Thomas, bigla siyang nagduda, lalo na ng kiniskis niya ang kamay sa isang libong hawak niya, nagduda siya, kaya dali – dali niyang kinuha ang isang itim na bar na may violet light at doon ay ipinasok ang pera at tinignang mabuti
Napakamot na lang siya ng ulo, at napag – isip isip niya na mas maganda pala na dos na lang ang uutangin ng mga tao kaysa ang maipilit niya na singilin ang tao dahil sa dos na utang.
-Kurokawa Aoi(黒川 蒼)