Pag tuwing agrabyado ako sa mundong ito, ako ay mag-iistambay sa ilalim ng puno, maganda ang tanawin mula sa aking pwesto, kita mo ang mga namumulaklak na rosas at Malaysian mumps satila isang hardin ni eden na ito.
Makikita mo ang mga ibon na humuhuni, ayos, mukhang napipisa na yung itlog ng mga ibon. Andyaan ang mga paru-paro, may aso, pusa at iba pa.
Sumasayaw ang halaman at damo sa kumpas ng hangin, sumasayaw din ang bulaklak, ngayon, humuhuni ang ibon, mukhang totoo paraiso ang kinalalgyan ko
“. . . . . May problema po ba kayo?”
Nagulat ako nang may nagtanong sa akin habang nakatingin ako sa hardin na ito
“may problema p ba kayo?”
A . . . ano itong nararmdaman ko? Bakit ang bilis. . . masyadong mabilis ang tibok ng puso ko? Ano ba? Di ko siya kilala. . .
Yung babae ay may itim na buhok, na gumanda dahil sa kanyang makinis na kutis, halatang laking probinsya siya, grabe. . . ngayon lang ako nakakita ng ganun. . .
“Kuya. . .may problema po ba kayo? At s. . . sino ka?”
Bumilis ang tibok ng damdamin ko, di ako makasagot ng maayos sa kanya, GRABE! Ginayuma ata ako. . . talagang nahulog na ako
“W. . . wala. . .”
Ginalaw niya ang sombrero niya “eh bakit parang di po kayo maayos?”
“w. . .wala lang. . .”
Bawat salitang babanggitin niya ay pwede ko nang sabihin na mahal ko siya (ba’t parang ang bilis ata?)
Sa mabisang paraan, kinailangan kong umalis nang hindi siya sasaktan, ngunit paano ko ito masasabi sa kanya?
“ahhh. . . kailangan kong umalis. . .” Kumaripas ako ng takbo, medyo tanga lang ako at pang tangang paraan lang ang ginawa ko
“s. . . sandali!!!!! Anong pangalan mo po?!”
Palayo na ako ng palayo, di ko marinig ang sigaw niya, ba’t niya ako sinundan? Di niya ako mahal? Talagang umaasa lang ako? H***** talaga ako P*********!!!
Makalipas ang 5 Taon, dahil break na kami sa trabaho naming, nagpasya ako na umuwi galing maynila, siguro dahil una, namiss ko ang probinsya, at ikalawa, gusto ko siyang Makita
Habang tinatahak ko ang daan papunta sa tambayan ko, may mga tao ata na biglang lumungkot, 5 years ago kasi masasaya pa sila, di ko talaga alam. . .
May mga Tao na nagbibisikleta, ngunit napinta ko sa mukha nila ang alungkutan. Tinanong ko sila kung bakit ang lungkot nila, ngunit nagulat ako sa kanilang sagot. .
“Namatay na kasi si Louise eh. . . Yung maganda na mabait na girl na may maitim na buhok”
ANO?!PATAY NA SIYA?!
Mistulang gumuho ang mundo ko, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya, patay na pala siya. . .Kailan pa?paano? Maraming tanong sa isipan ko, BOSET! Kung kalian handa na ako
“Sayang, wala talagang nakakaalam kung paano siya namatay. . .Siguro, pag-ibig. . ahil ilang araw siyang paranoid, dahil daw sa isang lalaki, 5 years ago. . .”
Huh? Pag-ibig?Sa akin kaya ito? Ako. . .ako. . . ako ang dahilan kung bakit siya namatay. . BAKIT?Paano niya nalaman?Naku. . .
Feel Guilty tuloy ako, Ako pala.. .
Dali dali akong tumakbo at umunta sa tambayan ko, sumandal ako sa puno at tumingin sa langit, naalala ko pa rin siya. . . nakikita ko ang mukha niya sa langit at sa bawat pagpikit ng aking mata, di ko maimagine ang sinapit niya, ako pala ang g***, di ko naisip yon, tanga ko talaga, unti-unting tumulo ang luha ko, kahit pinigilan koi to
Sa tuwing titignan ko ang langit, siya at ang mukha niya ang naalala ko, saying di niya ako nakilala pero kilala ko siya, sana nagkakilala pa kami ng matagal. . . sayang, maraming panahon ang nasayang, pero baling araw, sa hinaharap, magkikita kami, walang pipigil
SA IBANG DIMENSYON
TADHANA NA ANG MAGTATAKDA. . . .