Act 1

124 0 0
                                    

ACT 1:

INT. Sa Bahay ni BO

Narrator: Makikita nyo na si BO ay naghahanda ng kanyang Damit, dahil nakatakda na aalis sya 

BO: Naku Kailangan palang lumabas ng Bahay, sayang effort ng magandang araw

Narrator: Eh ano ngayon kung maganda ang araw

BO: Manahimik kang narrator ka! baka masaksak kita dyaan ng sandaang bolpen!

Narrator: sige mananahimik na lang ako at magtutuon sa aking ginagawa

BO: mabuti

Narrator: biglang may kumalampag ng pintuan nya sa bahay

Boses mula sa labas: BOB! nakabili ka na ba ng almusal!

BO: pabili pa lang ho!

Narrator: at dahil doon, talagang may obligasyon na sya ngayon, ang lumabas ng bahay at mamakyaw ng almusal at dahil doon… 

BO: Manahimik ka! isa na lang!

EXT. sa Bakery

BO: pagbilan nga po!

Tindera: Ano yon?

BO: Pahingeng, mga 20 pesos na Pandesal

Tindera: ay naku! Ubos na po ang pandesal na Tig pipiso

BO: may sinabi ba akong kung tig mamagkano, malamang wala diba? kaya bigyan mo akong 20 pesos na tinapay na tig do-dos!

Tindera: Sige po! sige po!

BO: ayan!

INT. Balik sa bahay ni BO

nanay: ba’t ngayon ka lang? Tinapay lang ang binili mo ahhh!

BO: nakipagtalo pa po kasi ako sa Tindera eh

Narrator: Biglang nilapag nya ang Tinapay na binili sa tindahan, sabay nakita nya ang isang balita sa dyaryo tungkol sa gulo sa Zamboanga

BO: Kailangan pati galaw ko ninanarrate? <*GROOOOWR GRRROOOWWWWRRR*>

Narrator: eh yun ang trabaho ko bilang narrator eh, wala kang magagawa

BO: <*masama tingin*>

Narrator: wala kang magagawa

EXT. Sa Kwarto ni BO

Narrator: masayang nagchecheck ng EMAIL si BO nang napansin nya ang sulat na nakaipit sa Cabinet ng kanyang damit, kinuha nya ito at…. 

BO: tahimik! tahimik!

Narrator: O eto na nga! tuloy ko na lang yung naudlot… .. 

at napansin nya na kaaiba ang papel na ginamit para sa sulat at mistulang pinunit ito sa isang Journal

BO: ANO TO?

Narrator: Malamang Sulat!

BO: unggoy! alam ko Sulat! diba nga Play to! play!

Narrator: sabi ko nga gora! tuloy!

BO: <*Napaisip*> Mukhang weirdo ang papel na ginamit <*nabasa ang sulat sa cover*> Para kay Bob…Galing Kay… …. G. Manansala <*nabitawan ang papel*> Hala! Walang ganyanan!

Narrator: OA to! parang horror!

BO: Manahimik ka! sabi ko! Moment ko to! inaagawan mo ako ng moment, baka matuklasan ako dito! Manahimik ka na lang! <*acting munang natatakot*> Hala… . Bakit… 

<*FREEZE*>

and CUT!

Director : Good Job BOB mas matatalo mo pa ang mga hollywood star! Bukas na lang natin ittatake ang ACT 2 ng ating usapan

BO: pinagod mo naman kasi ako sa kakatake at kakadada ko para dito sa linsiyak na narrator na to!

Director: Tama na! Kalma lang! May Act 2 pa! Parte lang yan ng acting skills mo!

BO: oo na acting skills na!

<*To Be Continued*>

Usapang BOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon