The Start

90.3K 2.3K 38
                                    

Chapter 6:

Serena's POV:

Naalimpungatan siya ng nakaramdam ng tila may bagay na gumagalaw sa labi niya, medyo magaspang iyon at nakakakiliti.

Nakatulog pala siya?

Idinilat niya ang mata at nakita niya si Drustan na napaka lapit ng mukha at ang daliri nito ay nasa labi niya.

Ilang sandali silang nagtitigan, gutom na ba ito?

Hindi pa ba ito kumain?

Mukhang gutom na ito, na parang hindi ito kumain ng ilang araw.

"You have something on your mouth" sabi nito sabay bawi sa daliri nito.

Agad naman niyang dinama ang gilid ng bibig niya.

Shocks! Baka may laway siya! Nakakahiya!!!!

"S-sorry boss, hindi ko namalayang nakatulog ako" hindi magkakandatutong sabi niya at pinunasan ang gilid ng labi.

Napangiwi siya.

Meron nga.

"Whatever, let's go" tila bale walang sabi nito.

Wala lang ba kung nagpapabaya ang mga empleyado nito?

"Saan po boss?" Takang tanong niya, wala naman siyang alam na appointment nito sa tanghali ayon sa schedule nito.

"Lunch"

"S-sino po kasabay niyo?" Tanong niya.

"You" sabi nito na ikinagulat niya.

Ano? Sila? Sabay?

Bakeeettt???

Hindi niya alam kung nawiwili na ito o ugali lang nitong manghila, halos tumatakbo siya habang hila siya nito.

"S-sir! Sandali po!"

Pero tila wala itong narinig at hinila siya nito, pinagtitinginan na sila ng ibang empleyado, nahihiyang iniyuko niya ang ulo.

Nang makarating sila sa kotse nito ay pinagbuksan siya nito,walang imik naman siya, gentleman pala ito.

"Seatbelt please"

"Ha?"

Napasinghap siya ng ito ang nagsuot ng seatbelt sa kanya, ang lapit ng mukha nito.

Ang gwapo niyaaa.

Ambango ng hininga nito, amoy mint.

Napalunok siya.

Nananadya ba ito?

Bakit parang gusto niyang halikan siya ng pink na pink na labi nito?

Naranasan na niya kung paano ito humalik pero hindi niya masyadong na enjoy noon eh.

Ngayon kaya?

Magtigil ka Serena!

Nakarating sila sa isang Italian resto at habang kumakain sila at hindi niya napigilan na tingnan ang mga taong kanina pa nakatingin sa kanila.

"Si Drustan ba iyon? Grabe ang pogi niya!!"

"Sino iyong kasama niya? Girlfriend niya ba?"

"Girl baka new toy ni Fafa Drustan"

Hindi ba alam ng mga hitad na ito na naririnig niya ang sinasabi nila?

Napasimangot siya.

Siya? New toy?

"You have something.." Sabi nito habang nakatingin sa kanya.

"Ha? Saan?" Inilabas niya ang dila ay kinapa ang bibig gamit iyon.

"Wala na ba?" Tanong niya dito pero nanatili itong nakatingin sa kanya, hindi pa ba sapat ang na order nito? Bakit ba lagi itong mukhang gutom?

Dumukwang ito at ginamit ang daliri nito, dahil nakalabas pa ang dila niya ay hindi sinasadyang nadilaan niya ang daliri nito.

Nagulat siya at isinara ang bibig.

On the process ay naisubo niya yata ang daliri nito.

Shít!!!!

"Uhm s-sir, sa washroom lang po ako" sabi niya at nagmamadaling tumayo at hinanap ang CR.

Nang makapasok siya ay tinapik tapik ang bibig.

"Bakit mo siya dinilaan! Ano ka ba! Ang halay mo!! Baka mamaya bumangon na sa hukay ang tiyahin ko! Nakupoo!!!"

Napatigil siya.

Hindi ba ito ang may kasalanan?

Ito kasi ang naglagay ng daliri nito sa bibig niya kaya nadilaan niya ito...

"Ehhh!! Ang halay eh! Parang ano, iyong..ughhh" bwisit talaga, kailangan ko pa siyang harapin.

Tumikhim siya.

Bumuntong hininga siya.

Saka niya inamoy iyon, natawa siya, buti na lang hindi siya bad breath.

"Kaya ko 'to"

Saka pigil ang hiningang lumabas siya at nakita niya sa malayo, may mga babaeng lumapit dito, at tama ba ang nakikita niya?

May himala.

Nakangiti ang boss niya!

Natulala siya.

Lalo itong naging gwapo, iyong gwapong kahit nakasimangot gwapo na, lalo pa nung nakangiti ito, amputi ng mga ngipin nito, ang nga labi nitong pink ay maganda ang pagkaka crescent niyon.

At mukhang hindi lang siya ang natutulala, pati na ang mga babaeng kaharap nito ay natulala dito, kulang na lang sambahin ng mga paa ni Drustan ko.

Drustan ko???

Ano? San galing iyon?

"Pwede bang minsan tawagan mo kami? Here's our business cards" may halong landing sabi ng mga babae.

Hindi niya alam kung bakit tinubuan siya ng inis sa isiping nakikipagngitian ito sa mga babae.

At bakit ito ngumingiti in public?

"Let's go" sabi bigla ni Drustan na hindi niya alam na nasa harap na niya at walang kangiti ngiti.

Hala? Pag sa iba todo ngiti, pag siya hindi?

May kakaiba dito.

-+

(A:N)

May galawang Scottish na sa next XD

Ruthless Men: Drustan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon