Hide and seek

83K 2.6K 28
                                    

Chapter 10:

Serena's POV:

Nakapalumbaba siya at tulala habang nakatingin sa blank page ng dapat at sinisimulan niyang i-encode.

Hindi niya alam kung bakit parang wala siyang gana.

Hindi kaya dahil sa labas na ng opisina nito ang desk niya na dati ay sa loob?

Hay naku.

Akala niya attracted ito sa kanya pero bakit parang hindi na siya pinapansin nito?

Lumipas ang dalawang araw at nasa bahay pa rin siya ni Drustan, dahil wala siyang pera at wala pa siyang sinasahod at hindi siya makakahanap ng bagong tirahan.

Hay buhay.

Iniiwasan niya din si Drustan kasi baka may mangyari na naman sa kanilang dalawa, pero ramdam lagi naman itong nakasunod sa kanya ng tingin.

Sa totoo lang natutukso na siyang tanggapin ang alok nito pero-

"Good morning Lass" napatalon siya sa gulat sa boses na biglang nagsalita malapit sa kanya, bakit wala siyang narinig na yabag nito?

Nang tingnan niya ang nagsalita ay nakita niya ang isang matangkad at malaking tao na ang gwapo at kamukha ni Drustan, suplado ang mukha pero nakaka halina ang itsura nito.

"You must be Drustan's first secretary" nakangiting sabi nito.

Parang pamilyar ito.

Hindi niya alam kung saan niya ito nakita.

"Good morning, Sir" she smiled, kapatid kaya ito ni Drustan ko?

Drustan mo?

Pero teka.

Nagtaka siya pero bakit first secretary?

"It's because you're really the first one, anyway, mind if I go there and visit my twisted brother?" Sabi nito pero bago pa siya nakasagot ay pumasok na ito sa loob, napailing siya, pareho ang mga itong domineering.

Magkapatid nga talaga ang mga ito.

Medyo hawig sila ng konti pero mas maamo ang mukha ni Drustan.

Pero parehong gwapo ang mga ito, ano kaya lahi ng mga ito?

Pero mas gwapo si Drustan ko.

Tumigil ka nga.

Aaminin niya, talagang gusto niya si Drustan, pero ayaw niyang mapaglaruan at tapos ay iiwan ng isang gaya nito, alam niyang wala siya sa posisyon para husgahan ito pero sa itsura nito at reputasyon at estado ay alam niyang masasaktan siya.

Napapitik siya.

Tama, hahanap siya ng iba pang trabaho para makalayo dito.

Ginaganahang gumawa siya ng mga kopya ng resume niya para ipasa sa kompanya.

Hindi nagtagal ay lumabas na ang kapatid ni Drustan.

"Goodbye Sir" pagbibigay galang niya, tumango ito at bahagyang ngumiti tapos ng hindi pa ito nakakalayo sa desk niya ay humakbang ito papalapit sa kanya.

"You know what, continue what you are doing" sabi nito sa kanya.

Nagtaka naman siya.

"Doing what sir?" Takang tanong niya.

"What you are doing to him" tumawa ito ng bahagya.

Kahit hindi siya sigurado ay tumango siya.

"Kahit magulo po kayo, sige sir" sabi na lang niya at humalakhak ito.

"You know, I like you, let's go out sometimes" sabi nito sa kanya na bahagyang ikinapula ng pisngi niya, hindi naman maiiwasang magwapuhan siya dito, tao pa din naman siya.

Nagpaalam naman na ito at mabilis niyang igino-google ang ito, dahil hindi niya alam ang pangalan nito ay ang itinayp na lang niya ay 'Drustan's brother'.

Namangha naman siya sa nakita, sikat pala itong businessman, kaya pala ang ere nito ay hindi maipagkakailang makapangyarihan, nakita niya ang sa isang picture na may kasama itong isang maganda at may mala anghel ang mukha, ah, asawa pala nito iyon.

Nakadama siya ng inggit, siya kaya?

Bagay na bagay ang mga ito-

Natigil siya sa pag go-google nang biglang malakas na bumukas ang pinto ng opisina ni Drustan at tila galit itong tumingin sa kanya.

Anong problema nito?

"Sir, bakit p-"

Napasinghap siya ng malakas ng bigla siyang hapitin nito at hinalikan siya nito ng pagkariin riin at isiinandal siya nito sa pader habang mariin pa ring hinahalikan nito.

She whimpered.

Pilit niyang itinutulak ito, pero parang pader ang dibdib nito, ang hapdi na ng labi niya sa mapagparusang halik nito, alam niyang pumutok na ang labi niya.

"Akin ka lang, and don't stare at my brother ever again" mapanganib ang boses na sabi nito.

Sabi nito saka siya binitiwan at hinila paalis sa lugar na iyon.

Nawiwili na talaga itong hilahin na lang siya basta.
--

(A:N)

Jeskelerd ang savage.

Nakakapag concentrate aq ngayon sa story na to, napabayaan ko na eh sarreh

Ruthless Men: Drustan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon