Meltdown

69.8K 1.8K 18
                                    

Chapter 30:

Serena's POV:

Nagising siya na parang may naririnig na tunog ng motor, disoriented siyang bumangon at sumilip sa labas.

Anong ginagawa ni Drustan sa dagat at iyong motor boat?

Napakurap siya ng ilang beses.

Aalis ba ito at iiwan na siya? Talaga?

Nagmamadali at sinubukan niyang buksan ang pinto at nakahinga siya ng maluwag ng nabuksan niya iyon, saka siya patakbong lumapit sa dagat.

"Drustan!"

Pero hindi siya pinansin nito.

"Hoy! Drustan! San ka pupunta?" Naguguluhan niyang tanong dito, saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin saka nito binalikan  ang motor ng bangka.

"I saw this earlier from that garage, so I'm trying to fix this, so you could go back to Manila" mahinang sabi nito.

Ano daw?

"Ano kamo?" Takang tanong niya.

"Sorry, the chopper won't be here just yet, pinagawa ko since it's a bit of malfunctioning" patuloy nito habang nakatalikod sa kanya.

"T-teka, uuwi na tayo?"

"Yes, ihahatid kita sa Manila then I'll go back here"

"B-bakit ka babalik dito at ihahatid mo lang ako?"

He sighs deeply.

"It's because that's what you wanted" sabi nito.

Huh?

Kelan pa nito sinunod ang mga sinasabi niya?

"You said I'm a monster, so I'm trying now not to be one"

Kelan niya iyon sinab-

Natutop niya ang bibig, nasabi niya iyon noong panahong galit na galit siya dito.

"A-ano Drustan kasi-"

"I'm sorry for all the things I've done"

"S-sandali-"

Kinakabahan siya, bakit nagsasalita na ito ng ganoon?

"I'm going to notify my lawyer so we could talk about our annulment and you could go on-"

"SANDALI LANG PWEDE BA!" Sigaw at putol niya sa sinasabi nito, natahimik naman ito.

Mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba, gusto na nitong maghiwalay sila?

Hindi pwede!

Kung noong panahong galit siya ni hindi pumasok sa isip niyang hiwalayan ito, pero bakit ito sumusuko na???

Ni hindi niya naisip na palitan ito, ito ba gusto nitong palitan siya?

Galit siya noon pero ang hiwalayan ito? Neknek ng babaeng abangers, sa kanya lang ang asawa niya.

"Anong annulment ka diyan?" Nanlalaki ang matang tanong niya dito, umikot siya papunta sa harap nito dahil ayaw nitong tingnan siya, kasehodang mabasa na siya wala na siyang pakialam, bahagya siyang nasaktan ng tila ayaw nitong tingnan man lang siya na parang may nakakahawa siyang sakit.

"Isn't that you wanted last night? Sabi mo, umalis ako, so I'm -"

"Subukan mong hiwalayan ako! Makakatikim ka sa akin!"

Mariin niyang sabi dito, pagtapak niya palapit sana ay nawalan siya ng balanse, dahil hanggang bewang niya ang tubig ay lumubog ang ulo niya.

Mabilis siyang inagapan ni Drustan pero kanda ubo na siya, mabilis siyang binuhat nito papunta sa pampang.

"Kasalanan mo to eh! Bakit kasi pinapaalis mo ako,? Inaartehan lang kita kagabi eh, bawal ba kiligin?!" Sigaw niya, namula siya, ang daldal niya.

"Huh?"

"Sira ka pala eh! Sinabi ko bang hiwalayan mo ako? Sinabi kong umalis ka kasi gusto kong mapag isa, gusto ko lang makahinga ng saglit, matapos kang nagtapat kagabi, magsasalita pa lang sana akong mahal din kita at gustong gusto kita eh bigla kang lumayas kagabi, ni hindi mo man lang ako hinintay na magsalita! " naiiyak niyang sabi at lumapit dito saka niya binayo ang matigas nitong dibdib.

Tulala naman ito at hinayaan siyang bayuhin ang dibdib nito.

"What did you just say?" Sabi ni Drustan makalipas ang ilang sandali.

"A-alin? Sabi ko bigla ka na lang lumayas at-"

"Not that one! C'mon say it again, sweet wife"punong puno ng pag aasam ang mga mata nito.

Natigilan siya.

"S-sabihin ang alin?"

"That you love me" walang kurap nitong sabi, she smiled, hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito ng magaan sa labi, grabe namiss niyang halikan ang labi nito.

Tinitigan niya ito ng diretso sa mata.

"I love you, Drustan, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, and you won't get any annulment c-" hindi pa niya natatapos ang sinasabi ng bigla siya nitong hinapit palapit at hinalikan ng buong alab sa labi, at buong alab naman niyang ginantihan.

"Mo creách. I can't believe it" sabi nito at saglit na pinakawalan ang labi niya para sabihin iyon at hinalikan ulit siya.

"Teka-, basa ako" saka niya ito saglit na itinulak, pero iniyakap nito ang mga braso sa kanya,as if makakatakbo siya kung magtatangka siya.

His eyes fired up.

"H-hindi yan" Napalunok siya, nakatitig ito sa basa niyang katawan.

"Let me tell you a secret" sabi nito pero hindi pa rin siya pinapakawalan.

"A-ano?"

"Gusto kung ibalik ka sa maynila yes, but then after that I will kidnap you again, and we will go to a place that it will be just you and me, and doon kita papaibigin" he said while grinning.

Nanlaki ang mata niya.

"Come here" he said and he kissed her again passionately.

Bumitiw ito saglit at tinitigan siya.

"Am i dreamin? Did you really said that you love me?" His eyes are twinkling.

"Yes, mahal kita" she smiled.

"Pinatawad mo na ba ako?" He asked.

"Hmm..yes, pero sana huwag mo ng uulitin iyon, at bayaran mo ang bahay ng mga kapit bahay ko" nanlalaki ang matang sabi niya.

"I swear to all of my kin, babayaran ko sila..but how about you're family, did you really forgiven that things that I did?"

"Mahirap kalimutan pero, alam Kong maintindihan nila ako, mahal ko sila, at lagi ko silang aalahanin pero wala na sila dito, at ikaw, nandito ka pa, and mahal kita" sabi niya tapos ay niyakap siya nito.

Tapos ay hinila siya nito pabalik sa bahay.

"Let me dry you up, sweet wife"

Grabe, ang saya ng itsura nito, parang nawala ang bigat na nasa balikat nito kanina.

Ginawa niya iyon dito?

She's really capable of doing that?

Napatingin siya ulit dito, he look so happy and his smile is shinning so bright.

Dear God, I love him.

---

(A:N)

Ai?? Nawala ung update qng dapat katuloy nito. Sayang naman un :(  guys wait may isa pang chapter for the ending

Ruthless Men: Drustan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon