Chapter 9

823 13 0
                                    

Jess's Pov

"Wah! Napakagaling ni Jackie Chan! Talagang napakagaling niya sa kung fu!" sigaw ko habang palabas ng cinema.

"Hahahha, parang ngayon kalang nakapunta at nakanuod ng movie ni Jackie Chan. Siguro nga nung mga bata pa tayo paulit-ulit na natin yang napanuod at sinuportahan." natatawang sambit ni Sarah. Kala mo di siya nagfangirl kay Lay.

"Tch, akala mo di siya nagfangirl nung part na ni Lay. Ehem, correction ah. Di lang si Jackie Chan pinagtawanan ko diyan. Pati yang mukha mo nung nagfangirl ka kay Lay!" paglaban ko habang nagcrossed chest. Nakakatuwa talaga siya.

"Oo na, oo na. I quit, talo nako. 5:00 na pala, baka hinahanap kana ng boss nating kuya mo pala." aniya. Teka sandali? Pano niya nalaman?!

"Te-teka lang! Pano mo nalaman tungkol dun sa amin ng step brother ko na boss natin?!" pagtaas ng boses ko habang pababa ng escalator.

"Simple. Sinabi ng nanay mo sakin, don't ya worry. Ako lang naman ang nakakaalam." pagsabi niya at inunahan na akong bumaba sa escalator.

Agad nagsink sa utak ko na iniwan niya napala ako ng dahilan ng pagtakbo ko ng mabilis pababa ng escalator, ba't ba kasi ang slow nitong escalator. Weird din naman pagsobrang bilis, para kanang ililipad ng hangin.

"Hoy teka sandali--

'Teka? Si Andrea ba yun? Diba dapat nasa America siya dahil anduon si Kris? Pero bakit? Andito siya?'

"Huy Jess! Ano bayan, akala ko pa naman hahabulin mo ko. Sino ba tinitignan mo diyan?" pagtatanong niya sakin ng biglang nawala sa lugar si Andrea.

'May nararamdaman akong kakaiba kay Andrea?'

She Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon