Natasha05

10 1 2
                                    


Halos isang linggo na nang mawala si Natasha. Nawalan na ng pag asa ang mga pulis na tumulong sa pamilya Consuentillo na mahanap pa ang dalaga.

Ang kaibigan ni Tasha na si Nate ay araw araw din na nasa bahay nila at nakikibalita sa kung ano man na nangyari sa kaibigan nya.

Ang tatay nito na Mayor ng lungsod ay aligaga na din sa pagtulong sa mag asawa, pero ni isang witness ay wala silang makita.

Araw araw na nag iiyak si Mrs.Graciella sa kwarto ng kanyang anak. Yakap yakap ang mga litrato nito.    Kinausap na rin sila ng kapulisan na kung sakaling may masamang nangyari sa bata ay ihanda na nila ang sarili.

Sinisisi ng ina ang sarili sa pagkawala ng anak. Kung sana'y mas naging maluwag ang trato nya sa anak di sana'y mangyayari ito.

Ang ama naman ni Tasha ay araw araw na naglilibot sa kalapit na mga lugar at nagpapakalat ng flyers para sa kanilang anak. Abot abot na din ang pag aalala nya sa unica hija nila. Ayaw man nya mag isip ng masama, ay parang ganoon na rin ang pakiramdam nya hangga't di nagpapakita ang anak.

Alas dose na ng tanghali nang mapagpasyahan ni Mr.Consuentillo na tumigil sa isang fast food restaurant at kumain.

Iniwan nya muna ang kanyang mga body guards sa labas at umorder ng isa sa paboritong kainin nila ng anak nya.

Sa isang linggong pagkawala ng anak nya, mabibilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakakain sya ng matiwasay. Dala dala ang tray na may laman ng inorder nya, tinungo nya ang isang bakanteng mesa sa gilid.

Malapit na sya rito nang maramdaman ang pagkahilo at paglabo ng paningin. Kamuntikan na syang bumagsak sa sahig nang may sumalo sa kanya.

"Ayos lang ho kayo?"

Turan ng binata. Hindi makapagsalita ng ayos ang matanda. Napalibutan sila ng tao sa paligid sa natapon sa sahig ang inorder nito.

"Dadalhin ko kayo sa ospital."

Inakay nito ang matanda palabas at agad silang sinalubong ng mga bodyguards nito.

"San mo sya dadalhin!"

Akma na sana syang susuntukin ng isa nang magsalita ang matanda.

"Hayaan nyo siya."

Nagtinginan naman ang mga bodyguards at agad na tinulungan sa pag akay ang binata. Pagkasakay nila sa kotse ay tinuro ng binata ang daan papunta sa malapit na ospital.

Namumutla man ay nagsalita pa rin si Mr.Consuetillo.

"Salamat sayo.. ano bang pangalan mo?"

Nginitian sya ng binata saka sumagot

"Renz na lang ho."

Pagkasabi non ay bumaba na sya sa kotse at kinausap ang mga bodyguards na kasama nito.

"Ingat kayo."

Pagkasarang pagkasarang bintana ng sasakyan at agad itong umalis. Napatingin si Renz sa hawak hawak nya sa kamay.

Inabutan sya ng matanda ng limangdaang piso para sa pagtulong nito. Napatingin sya sa malaking restaurant na nasa harapan nya.

"Ayos!"

~

Mag aalas dos na ng hapon nang dumating si Renz sa kanyang bahay. Naabutan nito si Tasha na nasa banyo at naglalaba.

"Hoy! Kumain ka na!"

Agad na tumayo si Tasha at nagpunas ng basang kamay sa suot na t-shirt. Nanlaki ang mata nito nang makita ang bitbit na pagkain ng holdaper nya.

"Mcdo!"

Excited na naupo si Tasha. Nang nilapag na ni Renz ang para sa kanya ay abot abot talaga ang ngiti nito.

Dahil di naman sya nag aalmusal sa umaga at karaniwang tanghalian lang talaga ang kain nya sa isang araw, nakaubos si Tasha ng halos kalahating kalderong kanin sa sobrang gutom nya.

Tinitignan lang sya ni Renz habang masaya itong nakain. Sariwa pa ang pasa sa pisngi nito at sugat sa labi nang masampal nya 'to dahil sa pangungulit nito sa kanya.

At ang pasa nito sa braso nang papagaling na dahil sa nangyari nung isang bes. Napatigil sa pag nguya si Renz na napansin naman ni Tasha.

"May problema ba?"

Hindi sumagot si Renz at sa halip ay tumayo at iniwan si Tasha. Kumuha ito ng sigarilyo at sinindihan malapit sa bintana.

Hindi na naman nagkulit pa si Tasha sa takot na masaktan uli sya. Tinuloy nya na lang ang pagkain at tinabi ang pagkaing natira ni Renz.

Nang matapos sya maghugas ng pinagkainan. Agad na naglaba si Tasha. Nang matapos sa mga gawain ay naupo si Tasha sa sofa. Si Renz naman ay kanina pa sa kwarto at di lumalabas.

Nag aalala sya rito na baka sumakit ang tyan sa kinain o baka sumama ang pakiramdam.

Sa ilang araw nyang pananatili sa bahay nito ay nasanay na sya halos sa papalit palit na ugali ng binata.

Minsan lang sya kausapin nito, at ang minsan na yun ay nauuwi sa sakitan pag nagiging kampante na si Tasha at nagsimula nang magdaldal.

Natatakot man at baka pagalitan na naman sya nito, sinubukan nya pa din itong katukin.

"Renz? Ayos ka lang?"

Kumatok sya uli pero walang sumagot. Nilapat nya ang tenga sa pintuan nang may marinig sya.

"Teka, bakit sya hinihingal!"

Dahil sa pag aalala sa kasama, mabilisang binuksan ni Tasha ang pinto. Pero iba ang bumungad sa kanya.

"Wahhhhhhhhhh"

Agad na napatakip ng mata si Tasha at mabilis na tumakbo palabas matapos isara ang pinto.

Nagkulong sya sa banyo at inisip uli ang nakita nya. Napahampas si Tasha sa ulo nya at naupo sa bowl.

"Tanga ka talaga Natasha! Yari ka na naman!"

~

STRANGELY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon