NATASHA03

11 1 0
                                    

"Kasalanan mo 'to Nathaniel! Kung hindi mo kinukunsinti si Nate sa gusto niya edi sana nandito pa ngayon ang anak ko!"

Nag iiiyak si Mrs.Graciella sa asawa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya makapaniwala nang sa mismong harap niya ay dinukot ang nag iisa nilang anak.

"Honey naman. We both know na kaya ni Tasha ang sarili niya. She's fine. Don't worry."

"Don't worry, Don't worry! Are you insane! We must call the police! NOW!"

Agad na kinuha ni Mrs.Graciella ang cellphone niya sa bag at tinawagan ang mga pulis. Tahimik naman na napaupo si Mr.Consuentillo sa gilid ng kama at iniisip ang kanyang unica hija.

Halos magdamag na sila naghanap kasama ang kanilang Private body guards pero ni anino ng kanyang anak ay walang nakakita. Ang Bestfriend naman ni Tasha na si Nate ay di makausap at natrauma sa nangyaring insidente kagabi.

"Please prioritize my daughter Sir! We will give anything to bring her back!"

Napahagulgol ang ina sa tinuran kasabay ang pagpatay nya sa telepono. Napalingon ito sa asawa na nakatingin lang sa kanya at saka nagsalita.

"We should hire a private detective."

~

"Kailan ako makakauwi?"

"Pag nagbigay na sila ng ransom."

"Edi tawagan mo na sila para makauwi na ko!"

Napatigil sa panonood ng TV si Renz at pinatay ito gamit ang remote. Tinitigan nya ng matalim ang dalaga at saka sya sumagot.

"Pwede ba tumahimik ka na lang? Oh gusto mo dagdagan ko 'yang gapos sa katawan mo."

Napatikhim ng bibig sa Tasha at naramdaman nya ang sakit ng mga kamay nya na nakagapos sa kanyang likuran.

Tumayo si Renz sa kinauupuan at binuksan ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig sa pitsel.

Napalunok ng laway si Tasha. Mula kasi ng matapos sila kumain ay ginapos na sya agad nito at di man lang sya nakainom ng tubig. Mag aalas onse na ng tanghali at nakaramdam na rin sya ng uhaw.

"P-pwede ba ko uminom?"

Tinignan lang sya ni Renz. Nilapag nito ang basong ginamit sa lababo at kinuha ang jacket na nakalapag sa sofa.

"Teka teka!"

Pinilit gumapang ni Tasha ngunit bumagsak lang sya na lalong nagpasakit ng braso nya.

"Ouch."

Naramdaman nya ang pagkirot ng kanyang balikat. Sinubukan nyang bumangon pero hindi nya kaya.

"Tulungan mo naman ako!"

Iritang napakamot ng ulo si Renz saka niya nilapitan si Tasha at tinanggal ang pagkakagapos ng mga kamay nito.

Nakahinga ng maluwag si Tasha. Bumangon sya agad pero hinawakan ni Renz ang baba nya ng mahigpit.

"Ito ang tatandaan mo. Hindi kita dadalhin dito para magsaya ka, para gawin akong utusan o kung ano pa man. Nasa impyerno ka. Naiintindihan mo?"

Napatango ng mabilis si Tasha.

"Papakawalan kita, pero dito ka lang sa loob ng bahay. Lahat ng nakikita mo ultimo kasuluk-sulukan, linisin mo. Pag di mo nagawa bago pa ko makauwi papatayin kita."

Marahas nyang tinanggal ang pagkakahawak niya kay Tasha saka sya tumayo at dumiretso na sa paglabas ng pinto. Narinig pa ni Tasha ang tunog ng pagpadlock nya mula sa labas.

Tumayo ng marahan si Tasha at tinignan ang buong paligid. Ganoon pa rin ang itsura nito ang pinagkaiba nga lang, nandoon na sya.

Nagsimula na sya sa pagwawalis magmula sa loob ng kwarto hanggang sa kusina at salas. Tinupi nya rin ang mga damit na nagkalat sa kama at sa sofa. Hiniwalay ang marumi sa malinis. Nakakita sya ng lumang mga kurtina sa kabinet at pinalitan nya ng kurtina ang nasa bintana at pinto ng kwarto.

Matapos nyang pagpagin ang mga unan pinalitan nya din ito ng punda. Maging ng bedsheet. Binuksan nya din ang mga bintana nang makapasok ang init ng araw at ang sariwang hangin.

Saka niya lang nakita ang labasan kung nasan siya. Magulo at maingay. Maraming kabataang nagtatakbuhan, mga lalaking nag iinuman at nagsusugal. Madidinig din ang sigawan ng mga kapitbahay.

Natigil si Tasha at naalala ang kanyang mga magulang.

"Kamusta na kaya sila?"

Naupo lang saglit si Tasha sa kutson at minasdan ang kamay niya na nagkaron ng pasa gawa ng pagkakagapos nya.

"Kailan kaya ako makakauwi."

Bumuntong hininga sya. Naalala nya na kailangan nya pang maglinis ng sala at kusina. Tumayo na sya at sisimulan nang maghugas ng pinggan.

"Nung isang araw pa yata 'tong mga pinggan na 'to sa lababo. Kadiri."

Binuksan nya ang gripo pero walang tubig na lumalabas dito.

"Hala!"

Nagpunta sya sa cr at binuksan ang gripo at may lumabas na tubig naman dito. Napag isipan ni Tasha na magdadala na lang sya ng tubig sa kusina.

Pinuno nya ang isang balde ng tubig at binuhat ito papuntang kusina. Nagkandatapon tapon ang tubig sa sahig. Bago pa sya makarating ng kusina.

Nang matapos sa pag iigib at paghuhugas ng pinggan, naglampaso sya ng sahig gamit ang lumang mop na nakita nya sa likod ng pintuan. Saka sya nagpunas ng alikabok sa mga tokador at sa TV.

Nang mapagpagan nya ang sofa saka sya nagwalis pa sya uli. Gamit ang dustpan dinakot nya ang mga alikabok at tinapon sa isang trash bin na nandoon.

Mag aala una y medya na sa orasan at halos tapos na si Tasha sa gawain. Nagpunta sya sa CR saka nilinis ito. Nakaramdam na rin sya ng kalam ng sikmura pero sinantabi ito at nagtuloy sa ginagawa.

Nang matapos kuskusin ang bowl napagpasyahan ni Tasha na maligo at suotin ang isa mga lumang damit at short ni Renz na nakita nya sa isa sa mga drawer nito.

Naupo siya sa sofa at binuksan ang telebisyon. Tinutok nya sa sarili ang lumang electric fan at saka nahiga sa mahabang sofa.

Nanghihina na sya sa gutom at tubig lang ang laman ng kanyang tiyan. Alas dos na ng hapon pero wala pa ring Renz na dumating sa bahay.

Gawa ng sobrang pagod at gutom, nakatulog si Tasha.

~
Hindi ako fan ng AlDub, pero fan ako ng utak ko. Hahahaha

STRANGELY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon