Natasha04

4 0 0
                                    


Mag aala sais na ng hapon nang nagising si Tasha. Nag unat unat sya at nang makadilat ay nakita nya na halos madilim na sa labas.

"Nakalimutan ko palang bukas 'to."

Dinampot nya ang remote at akmang papatayin na ito nang biglang pinakita ang isang balita.

"Isang dalagang dinukot umano, hindi pa rin natatagpuan."

Pagkabasa nya sa headlines ay sumunod ang isang amateur video nang nangyaring pageant nung gabi at ang barilang naganap.

Isang lalaki ang ininterview sa screen na nagpalaki ng mata nya.

"Anak, Natasha. Alalang alala na kami ng Mommy mo. Kung nasaan ka man, alam ko kaya mo yan. Tiwala si Daddy na makakauwi ka. Wag mo hayaang may manakit sayo. Kung nakikinig ka, tandaan mo lahat ng sinabi ko. Mahal na mahal ka namin Tasha. Mag iingat ka."

Nakita nya ang pagpunas ng luha ng Daddy nya nang matapos ang interview. Nakita nya rin ang kanyang ina na namumugto na ang mata na marahil ay sa pag iyak.

Pinatay nya na ang telebisyon at naupo uli sa sofa.

"Kaya ko 'to Daddy, makakalabas ako."

Bulong nya sa sarili. Nawala sya sa malalim na pag iisip nang narinig nya ang pagkalas ng padlock mula sa labas.

"Si Renz!"

Hindi malaman ni Tasha kung uupo ba sya o tatayo. Nagpasya sya na kumukuha ng tubig sa ref at sinasalin ito sa baso.

Saktong bumukas ang pinto, nilapag ni Tasha ang baso sa lababo.

"Uy! Bakit ngayon ka lang!"

Imbis na sumagot ay nilampasan lang sya nito at nagtuloy sa kwarto.

"Pasensya na di ako nakapag saing, wala kasing bigas. Wala tuloy tayong --- Wahhhhh!"

Napasandal sa pagitang pader ng banyo at kwarto si Tasha nang makita na naghubad ng pantalon ang binata. Habol hininga nyang kinalma ang sarili.

"Kumalma ka Tasha, masasanay ka din."

Nagsimula syang mag inhale exhale saka sya mabilis na lumingon uli sa kwarto, pero nabunggo lang sya sa dibdib ni Renz dahilan para bumagsak sya ng paupo.

"Tatanga tanga kasi!"

Bulong ni Renz at di man lang sya tinignan o inalalayan na tumayo.

Hawak hawak ang balakang na tumayo si Tasha. Namilipit man sa sakit ay nagsalita pa din sya.

"W-wala ba tayong pagkain? Gutom na kasi a-ako."

Nakaupo si Renz sa sofa at muling binuksan ang telebisyon. Waring di nito nadinig ang sinabi ng dalaga kaya lumapit si Tasha sa tabi nya at marahan ulit nyang tinanong.

"Wala bang pagkain Renz?"

Tinignan sya ng masama ni Renz. Napalunok si Tasha. Mukhang wala talaga sa mood ang binata. Nakalimutan na nya yatang masamang tao ito at masyado syang nakampante.

"S-sorry Renz. Sige iinom na lang ako ng tubig."

Lumayo sya rito at nagtuloy sa kusina. Di na naman sya tinignan ni Renz. Binuksan nya ang maliit na refrigerator at nagbakasakali na may kahit isang kamatis man lang syang makikita. Pero wala.

Ultimo ang tubig na nasa pitsel na nandoon ay paubos na.  Napaupo na lang sya sa malapit na upuan na nandoon at yumukod sa lamesa.

"Gutom na gutom na ko."

Bulong nya sa sarili. Naalala nya ang kanyang kaibigan na si Nate. Kung kasama nya marahil ang Tuki nya, kahit papano'y di sya makakaramdam ng gutom.

STRANGELY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon