Natasha06

4 1 0
                                    


Nagising si Natasha sa ingay na nanggagaling sa labas. Pupungas pungas siyang nag-unat saka sumilip sa bintana.

"SINO BA NAGSABI SAYO NA NANDITO AKO!"

"SI BODJIE! MAY KARAPATAN AKONG MALAMAN KUNG NASAAN KA RENZ! PARA SAAN PA AT SHINOTA MO KO!"

"MAHIYA KA SA SARILI MO JANINE! NI HINDI NGA KITA GUSTO!"

Umalis si Renz sa harap ng babaeng kausap at pumasok sa loob ng tenement. Sumunod pa din naman ang babaeng nagngangalang Janine habang nagsisigawan pa din ang dalawa.

Hindi malaman ni Natasha ang gagawin. Nagpalakad lakad siya sa loob ng maliit na kwarto na yon sa paghahanap ng matataguan.

"Dalian mo Natasha!"

Nagtago siya sa ilalim ng lamesa pero hindi umubra at kita pa din sya. Lumabas siya uli dito at naisipang sa banyo na lang magtago.

Papatakbo na siya sa pinto ng banyo nang marinig nya ang papalapit na sigawan. Nataranta siyang pumasok dire-diretso sa katabing pinto nito. Ang kwarto ni Renz.

"MATAGAL NA TAYONG HINDI NAG-UUSAP JANINE! 'YUNG ATIN, LARO LANG YUN! PANSAMANTALA LANG!"

"ALAM KO NAMAN RENZ! MAHAL MO KO DIBA! ILANG BESES MO PINARAMDAM SA AKIN YUN!"

"UMALIS KA NA!"

Dinig na dinig ni Natasha ang sigawan ng dalawa habang nakaupo siya sa kama ni Renz at nakasaklob ang bibig. Iniiwasan niyang makagawa ng ingay sa takot na baka madamay pa siya.

"Tigilan mo na 'ko Janine! Lumayas ka na at umuwi sa inyo!"

Nanlaki ang mata ni Natasha nang buksan ni Renz ang pinto ng kwarto niya habang nasa likod nito ang babae na nakasunod sa kanya.

Magsasalita sana siya pero agad na pumasok si Janine at hinila ang buhok niya.

"ITO BA RENZ! ITO BA ANG PINALIT MO SA AKIN!"

Hawak hawak ni Natasha ang buhok niya at pilit na tinatanggal ang kamay ni Janine. Hinila pa siya nito palabas ng kwarto saka binitawan pasubsob sa sahig.

"MAGSALITA KA LORENZO!"

Mangiyak ngiyak si Tasha sa naramdamang sakit sa mga braso niya. Pinipigilan niya man umiyak ay hindi na niya kaya dahil sa unang pagkakataon ay nakaranas siya ng ganitong pangyayari.

"HINDI KA MAGSASALITA AH!"

Tinayo siya muli ni Janine at sinampal ng paulit ulit. Nagmamakaawang umiiyak si Tasha na tumigil na pero hindi ito nakikinig.

"Tama na po... Wala po akong kasalanan sa inyo.."

Isang malaking suntok sa pisngi pa sa natamo niya bago siya nito bitawan patulak sa sofa. Duguan na ang kanyang bibig at ilong. Kasabay din ng mga luhang sabay sabay na naagos sa kanyang mukha.

Napatingin sa kanya si Renz at agad na lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang?"

Hinawi nito ang buhok na natabon sa mukha ni Tasha at nakita niya ang nagdudugong labi at ilong ng dalaga.

"ANO RENZ! 'YAN ANG IPAPALIT MO SA AKIN! WALA KA BANG TASTE!"

"P*TA JANINE!!"

Tumayo si Renz sa sobrang inis sa babae at mahigpit itong hinawakan sa braso. Nanlilisik ang mata nitong nagsalita.

"KILALA MO KONG MAGALIT JANINE! HINDI AKO NAGBIBIRO! PAG SINABI KONG LUMAYAS KA! LUMAYAS KA!"

Kinaladkad niya ito palabas ng bahay niya at saka pabagsak na sinara ang pinto. Agad na tumayo si Natasha at tumakbo papasok ng banyo at duon nagkulong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANGELY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon