Her Past

3 0 0
                                    

"Good morning doctora." Bati sa kanya ng mga nurse pag pasok namin sa hospital.

Nandito kami ngayon dahil ayon sa kanya pag ka transfer daw ng katawan ko mula sa Spain ay dito ako na i confine.

May gusto raw makipagkita sa kanya kaya dapat lang na kasama daw ako.

Nasa harapan na kami ngayon ng elevator at saktong ilang segundo lang ay bumukas na ito..

"Anong floor po maam?"
Sabi nung elevator girl.

"16th"

Hinawakan niya yung kamay ko tapos ngumiti sakin. Hindi ko nalang pinansin baka mahumaling pako eh..

Tingdong!

Nasa 16th floor kami ng building na ito agad kaming naglakad sa hallway hanggang sa makarating kami sa

"OFFICE OF THE PRESIDENT"

So andito yung Chief Medical Officer ng hospital na ito.

Kumatok muna siya at dahan dahang binuksan yung marmol na pinto.

Bumungad samin ang living room na sa sobrang laki ay iisipin mong mukhang bahay na ito at hindi opisina.

Carpeted din yung sahig at well varnished yung buong pader. Gaya ng nakita ko sa rest house my mga nakakabit din na mga paintings..

Lumapit ako sa iilang paintings na naroroon.

Wow! Sobrang ganda. Kung hindi ako nagkakamali si Charlotte ito nung bata pa.

Kahit andungis niya, maganda parin.

"shes still the same, my bubbly cute little girl. And i will really do everything just to make her happy"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

He was on his mid 50's naka salamin din ito at may kulay bughaw na mata. He smiled at me.

"How are you Brandon?"

Pano nya ako nakilala, i mean.. Paano niya nakilala tong katawan nato

"Im fine sir. And you are?"

"Charlotte's father" ngumiti siya at bumalik yung tingin niya sa paintings.

Kung ganun.. Siya si..

Jualino Guarezco.

Asar bakit ba ako napasubo sa gan'tong sitwasyon.

"Oh daddy!" Patakbong yumakap si Charlotte sa dad niya.

"How are you? Hmm are you taking your medicine? Bakit parang pumayat ka?" Tumawa yung matanda sa sinabing iyon ni Charlotte.

"Anyway, dad bunti naman at nakita niyo si Brandon."

"Hon, he's my father. The Chief Medical Officer ng hospital nato and Doctor Geronimo is only his assistant, and if youre wondering kung bakit hindi ako iyon i prefer to work with law enforcer in Crimelab"

Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan ako ni Juliano na wari'y binabasa yung buong expression ko.

Nasa dining table kami ngayon kasama si Doc. Geronimo, yung mommy at daddy ni Charlotte.

Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Juliano

"So, Brandon you had an pathologic amnesia which cause you to totally forget everything. Well, we're doing everything to finish the formulation of Aretrogesic drug intended to lessen the amnestic syndrome"

Tumango lang ako dahil wala rin naman akong maisip na sasabihin.

"Here.." Inabot niya sakin ang isang pinggan ng Shrimp.

Na alala kong alergy ako sa pagkain ng ganto.

"Uhmm. I'm not eating shrimp it will trigger my alergies"

"Oh well, try at least this one" inabot niya ang isang plato ng fish fellet na kinuha ko't isinalin sa pinggan ko.

After that dinner ay dumiretso na kami sa rest house.

Ibinagsak ko kaagad yung katawan ko sa kama, sobrang napagod ako kakamaneho. Pano ba naman kasi sobrang humanga sya sakin na kabisadong kabisado ko yung buong Santa Cruz eh dito nga ako nag aaral dati eh.

Pumikit ako ng maramdaman kong humiga siya sa braso ko.

"Hindi mo naman siguro ako gagahasain ano?" Nakapikit kong sabi tsaka nilagay niya yung legs niya sa hita ko.

"Uhmm i think pwede ng ganto" tsk umiling nalang ako sa ginawa niya. I roll towards her, tinitignan ko siya habang nakapikit.

"Oh baka naman matunaw ako sa ganyang titig ha?" Tanginuuu kala ko'y tulog ng isang to eh.

Umayos ako sa pag kakahiga.

"Hmm may tatanong ako."
Seryuso kong sabi.

"Hmm?"

"You told me that two years ago, you moved here from Spain. What happened during that day?"

Umayos siya ng pagkakaupo at sumandal sa headboard ng kama.

Huminga siya ng malalim bago nag simulang mag salita.

"I was on my last year as a medical steward when you asked me to stay in China. But then i chose not to.."

"Why?"

"My dad is an army officer but was assigned as paramedics. He was being tracked by underworld syndicate since i was a baby. When i was on my 10th year he had been captured by Chinese Triad including my older brother Charlie, asking him to be part of their growing population but my father refuse to.. With the help of Spanish Army, they managed to escape but my brother died along the way. He was poisoned by those Chinese! They killed my brother. From then on, were aware that Organized Crime always wanted to capture my dad.. And it happened again, two years ago"

Medjo nagulat ako sa kwento niya kung ganun alam nyang matagal na palang may gustong kumuha sa kanya.

"so, that's the reason why you moved here?"

Tumango siya at maya mayay.. Oh men she knelt down in front of me and removing her dress.

Pero hanggang pusod lang pala. Nakakabitin.

"Here, i almost got killed two years ago ng malaman nilang one of the victim during the plane crashed was my fiancee nag antay sila ng pag kakataon para ma trap ako. They almost successfully executed their plan but good thing dumating yung mga security ni dad kaya ito lang yung napuruhan sakin..i always wanted to live a normal life Brand, to have a normal life with you.."

Kung ganun, nasa iisang flight lang kami ng Brandon nato.
At papano kung sina Larry din ang may pakana ng nangyari sakanya two years ago right after the plane crash?

Maya maya'y lumapit siya sakin humiga sa braso ko't niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi ko alam, pero kahit anjan kana sa tabi ko't magkasama na tayo eh nalulungkot parin ako. Na mimiss parin kita. Ang gulo no? Haaays im getting so melodramatic these days hon."

Tinitigan ko siya habang nakayakap siya sa katawan ko. Para siyang bata, parang batang naghahanap ng taong proprotekta't mag mamahal sa kanya ng buong buo.

Huh.. Hindi rin magiging normal yung buhay mo kasama ako Charlotte. Being with me is disastrous than being your father's daughter.

Hindi ko alam kong ma pro protektahan ba kita. At hindi ko alam kung hanggang san ako dadalhin ng pag papanggap ko sayo at sa buong pamilya mo.

"Brandon.."

Nakapikit niyang sabi.

"Hmm?"

"Goodnight. I love you"

Mas sumikip yung dibdib ko sa mga katagang sinabi niya. I can't hide it, nasasaktan na ako sa ginagawa kong pag papanggap. Nasasaktan nakong nakikita siyang umaasa..

But the back of my mind it tells me to fight whatever sympathy might aroused from being a Brandon..

Common Jake! You shouldn't feel bad. Mission mo yan! You have to gain her trust at pagkatapos ng lahat you should go back to your right place, to the place where you should belong.

Like.
Vote

The Departed EnigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon