Jake Cordova

5 1 0
                                        

Nagising ako sa sinag ng araw na nasa mukha ko, agad kong napansin na wala na si Charlotte sa tabi ko.

Maaga pala siyang umalis.

Tsk di man lang nagpasabi. Pumunta agad ako sa balcony at lumanghap ng sariwang hangin, nag stretch ako saglit saka bumaba na para kumain ng agahan.

Dumiretso ako sa refrigerator.
Hmm ano bang pwede maluto rito. Kumuha ako ng ilang karne at mga gulay saka nag tungo sa dining table pero may napansin akong..

Note?

Good morning honey maaga akong umalis kasi may ipapa examine samin ngayon sa crimelab kaya hindi na kita ginising.. Ipinagluto narin kita hon, mag enjoy kana muna jan ha?

Ps: Matatagalan rin yung uwi ko mamaya. Wag kang mag papa gutom ha?

Napangiti ako sa note na gawa niya haay naku parambata talaga. Ibinalik ko nalang yung kinuha ko sa fridge at sinimulan ng kainin yung ni luto niya.

Hmm

Masarap.

Marunong pala siyang magluto ng ganto..mm

Pagkatapos kumain ay naligo na ako at inayos yung kwarto namin.

Ano kayang gagawin ko dito buong mag hapon. Naisip kong pumunta sa dalampasigan at maglakad lakad nalang..

Haaay antagal tagal na mula nung huling naka pag relax ako ng ganto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Haaay antagal tagal na mula nung huling naka pag relax ako ng ganto.
Kumusta na kaya sina nanay at mga kapatid ko.

Gusto ko man silang dalawin pero hindi ko alam yung sasabihin ko pag nagkita kami.

Alangan namang sabihin kong ako si Jake eh mas lalong di maniniwala yung mga yun..

Flashback.

JAAAAKKKEEE!!! Sigaw ni nanay na patakbong pumasok sa kwarto ko.

"Nay naman umagang umaga ang ingay niyo eh. Ano bang meron ha?"

"May natanggap kaming sulat anaaak galing sa Northredame Corporation yung inaaplyan mo ng scholarship"

"Talaga po na'y?!! Oh shit" excited kong sabi.

"Oo anak heto sige na buksan mo naaa sige na dali!!"

The Departed EnigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon