Pangatlo~

21 3 19
                                    

Kagigising ko lang. Mamaya pa naman mga 9:45 ang klase ko. Binuksan ko muna ang Facebook ko. Binuksan ko rin ang Messenger ko. May tatlong mensahe.

Galing kay Aj, Mark, Azurite.

-Aj-

Aj: Good morning! Kamusta tulog mo bestie? Sana mamaya hindi ka na busy.

-Mark-

Mark: Kamusta na taba? Hindi na ako masyadong nag o-online. Pasensya ka na. Wag kang mag-alala nag aaral lang ako dito. I love you.

-Azurite-

Daphne: Gusto ko ng ice cream.
Jefferson: Kuya Mark gusto daw ni ate Daphne ng ice cream. Bumili ka na para sakanya.
Mark: Jeff!
Joshua: Ay sus! Kinilig si Mark!
Daphne: Lol!
-seen 7:35✔️-

So kung hindi pa ako nag online eh hindi ko pa ito malalaman. Mukhang wala talagang balak sabihin sa akin ni Mark.

Nasasaktan ako.

Sobrang nasasaktan ako.

Nireplayan ko na lang si Aj.

-Aj-

Aj: Good morning! Kamusta tulog mo bestie? Sana mamaya hindi ka na busy.

Me: Good morning din! Okay lang naman,ikaw?

Mag lo-log out na sana ako. Nang nag message si Ate Daphne sa Azurite.

-Azurite-

Daphne: Mark! You need to explain!
Mark: Ano nanaman ba nagawa ko?
Daphne: Bakit hindi mo na ako nirereplayan?
Mark: Nag aaral ako.
Daphne: Yung totoo. Akala ko galit ka sa akin.
Mark: Bakit naman ako magagalit sayo. May dahilan ba?
Daphne: Wala naman. Sige,mag aral ka na. Bye.
Mark: Bye.
-seen 8:30✔️-

Naiiyak ako..

Naiiyak ako sa nabasa ko.

Naiiyak ako na para bang hindi nila nakikita na nabasa ko yun.

Naiiyak ako kase bakit sa group chat sila nag cha-chat?

Naiiyak ako kase ako lang pala ang nag wo-work sa relationship na ito.

Naiiyak ako.

Nasasaktan ako ng sobrang sobra.

Ang sakit lang.

Nag log out na ako dahil hindi ko na kaya ang sakit.

Pagkatapos kong mag drama. Gumayak na ako. Dapat hindi ito maging hadlang.

Wednesday ngayon. 3 subjects lang para sa araw na ito. Nakakabagot talaga.

Sulat dito. Sulat don. Can't he teach us? I mean yung mag e-explain siya sa harap at makikinig kame?

"Wala sa mood yung joker natin." Sabi ni angelina. Masyado na ba akong halata?

"Oo nga. Suuuuus! For the first time nagkaroon din siya ng problema" sabat naman ni Jherrymie. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Salamat na lang dahil naging kaibigan ko sila.

"Lol. May nangyari lang." Sabi ko naman. Alam kong alam na agad yun ni Angelina kung ano yon.

Hindi ko naman masisisi si Mark kung mag hanap man siya ng iba. Ano pang aasahan niya sa akin diba?

Nasa malayo ako..

Hindi niya ako nakikita..

Hindi niya ako mahahawakan..

Pero sapat na ba yun para lokohin ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thoughts in my mindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon