Chapter 2: Mutual Feelings

27 3 0
                                    

Natapos na ang klase at uwian na!! Ang paborito ng karamaihan. Hehe.


"Uy!! Sam sabay ulit tayo!!"aya sakin ni Gelo at syempre di na ko tumanggi. Wala rin naman akong kasabay pauwi eh kaya pumayag na lang ako.


"Lakad na lang tayo o sakay??"tanong ko.


"Hmm.. Sakay na lang."sagot nito.


"Okay."sabi ko. Naghintay na muna kami ng jeep at hanggang sa may nakita na kami. Sumakay na kami ng jeep at dun nag-usap.


"Okay lang ba sayo na dun ka sa section namin lumipat??"tanong ko at tumingin naman ito sakin.


"Oo, at bakit naman hindi ako magiging okay sa section niyo??"tanong nito at umiling na lang ako.


Pagkatapos bumaba na ako sa jeep at pumasok na ng bahay. Naabutan ko na lang ang pinsan ko na si Maria na nanonood ng paborito nyang palabas.


"Tapos ka na kumain??"tanong ko dito.


"Kanina pa ko tapos kumain!! Kanina pa kaya. Tagal mo kasi umuwi eh. Saan ka ba galing??"tanong nito sakin.


"Syempre sa school."sabi ko. At tiningnan naman ako nito ng masama.


"Pilosopo. Ang tinutukoy ko pagkatapos mo sa school saan ka sunod pumunta??"tanong nito sakin.


"Ahh... Naghintay ako ng jeep tagal kaya."sabi ko dito.


"Siguraduhin mo na totoo yan, alam mo naman na tanong ng tanong sakin yung mama mo."sabi nito sakin pero di ko na lang ito pinansin.


Kumain na lang ako at pagkatapos natulog na ko. tiningnan ko yung album ko sa kama. At napangiti na lang ako ng may halong malungkot sa nakita ko.


"I miss you."sabi ko na lang sa isang litrato naming magkasama.


Gelo's POV


Nakauwi na ko sa apartment. At heto ako. Nag-iisa lang sinabi ko kasi sa magulang ko na habang maaga pa gusto kong maging independent para naman hindi ako masyadong umaasa sa kanila.


Kumain na ko at pagkatapos nun ay nagsipilyo na ko.


Matutulog na ko ng kinuha ko ulit yung kahon sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko iyon at wala pa rin akong alam kung sino yung kasama ko sa litrato.


"Sino ka ba??"tanong ko na lang sa litratong hawak ko. Sabi kasi ni mama ako daw yan tapos yung kasama ko daw di nya kilala.


Ang daming katanungan na bumabagabag sa isip ko. Pero di ko na lang yun pinansin. Natulog na ko.


Gumising na ko. At naligo na ko pagkatapos nun pumasok na ko.


Nasa school na ko ng makita ko si Sam feeling ko ang gaan ng pakiramadam ko pagkasama ko sya.


Lumapit sya sakin at nagtanong. "Uy Gelo may assignment ka sa math??"tanong nito sakin.


"Let me guest di ka gumawa noh??"tanong ko dito at napangiti na lang ako.


"Oo eh, nakalimutan ko kasi."sagot ni Sam tsk.


Binuksan ko yung bag ko at tiningnan kung andun yung math notebook ko. At andun nga pero lolokohin ko sya hehe.


Samantha's POV


"Hala wala dito yung notebook ko."gulat nitong sabi sakin.


"Sure ka wala??"tanong ko dito. "Oo wala."sabi ni Gelo sakin.


"Sure ka tingnan ko nga."sabi ko dito at akmang titingnan ko yung bag nya pero pinigilan nya ko.


"Naiwan nga kasi yung notebook ko sa math."sabi nito at napahinto ako. Tapos nagsalita ulit.


"Edi naiwan."sabi ko sa kanya at naghanap na lang nangmakokopyahan sa totoo lang nakalimutan ko na may assignment sa math at kung alam ko rin na meron malamang di ko pa rin yun na sagutan ang hirap kasi ng formula eh. Hehe.


Dumating na ang teacher namin at tapos na rin akong sumagot sa math. Nagturo na sya.


"Uy! Sam."tawag sakin nito.


"Wag mo kong tawaging Sam di tayo close."cold kong sinabi sa kanya. Ganun talaga ako, naiinis pagmadamot.


"Samntha!!"tawag ulit sakin ni Gelo pero di ko na lang ito pinansin.


"Samantha!!"


"Samantha!!"


"Samantha!!"


"Samantha mahal kita."nagulay ako sa sinabi nito kaya nilingon ko sya.


"Problema mo??"tanong ko na naiinis na lalo pa sa sinabi nya.


"Wala, sige na makinig ka na??"malungkot na tugon nito pero di ko na lang sya pinansin, hehe maldita to be like.


Break time na. Pero di ako niyaya ni Gelo magsabay mukhang natakot ata ang loko. Tumingin ako sa upuan nya at wala na sya dun.


"Bilis nya ah!!"sabi ko sa isip ko. At tumingin ako sa pinto at nakita ko syang may kausap na iba.


"At sino naman tong babaeng toh??!"mataray kong sinabi sa sarili ko.


"Sino yung kausap ni Gelo."bigla naman akong nagulat sa narinig ko at paglingon ko nakita ko si Janett na umiiling iling pa.


"Sya si Helga Garcia certified maldita."sabi ni Janett sakin at napatingin ako sa babae. Mukhang maldita ang bruha.


"Hindi sya yung tinutukoy ko."pagpapalusot ko.


"Sino ako!?? Look around you Sam wala na sila oh!! Tayong apat na lang yung nandito sa loob ng room."sabi nito at tiningnan ko nga ang buong paligid. "Oo nga noh!! Wala sila!!"sabi ko na lang sa isip ko.


"Ayan ah!! Bago ka gumawa ng palusot mag-isip ka muna, ika nga nila think before you act."sabi nito at tumango tango na lang ako.


"Opo guro!!"sabi ko dito.


.......


Uwian na at hindi ulit ako niyaya ni Gelo umuwi ah pero teka nga lang!! Bakit naman ako magpapayaya sa mokong na yun. Bagkus!! Makikisabay na lang ako kay Janett.


"Uy!! Janett sabay na tayo."sabi ko dito at pumayag na lang ito.


Habang naglalakad kami ni Janett biglang may nabunggo akong babae at pagkatingin ko ay si Helga pala ito.


"Sorry po."panghihingi ko ng paumanhin. Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa at saka ito nagsalita.


"Okay lang kaya ko pa namang patawarin yung mga tatanga tangang di marunong tumingin sa dinadaanan."sabi nito saka dumaan na paalis.


"Impaktitang Maldita!!"bulong ko sa sarili ko.


"Diba sabi ko sayo eh."sabi sakin ni Janett at tumango ako dito.


"Tama ka nga, pero bakit sya naging maldita??"tanong ko dito at napahinga ng malalim. "Wow ha!! Parang ang haba ng ikwekwento mo!!"reklamo ko sa isip ko.


"Well.. Actually mabait naman talaga sya eh."sabi nito


"Kasi nga!! niloko sya ng jowa nya binully sya ng kaklase nya at pinapahiya sya ng Ate at tita nya, kaya ayun!! Ang mala-anghel na ugali naging demonyo na katakot takot."sabi nito sakin.


"Pano mo nalaman yun??"tanong ko dito at napataas ang kilay nito sakin.


"Helloo!! Magpinsan kaya kami ang slash bestfriends."sabi nito sakin kaya bigla na lang akong natakot sa sinabi nito dahil baka isumbong nya ko sa pinsan nya.


"Wait magpinsan kayo??"tanong ko na nalalaki pa ang mata.


"Ya!!"sabi nito. "Wait pls. Wag kang magsumbong sa kanya!!"sabi ko dito na kulang na lang umiyak at lumuhod sa harapan niya. Alam mo naman pagmaldita!?? Mahirap kalabanin at isa pa hindi ako masyadong nakikipag-away noh!!


"Don't worry di kita isusumbong dun noh!! At tsaka nakakaawa ka rin naman baka awayin ka pa niya at ma-bully ng super. If you know what i mean."sabi nito sakin.


....


Umuwi na ko sa bahay at nakita ko si Maria na nagbabasa lang ng libro. Bigla naman itong napatingin sakin.


"Sakit noh!!?"tanong nito sakin at napataas naman ang kilay ko sa pagtataka.


"Alam mo kahit kailan di kita maintindihan."sabi ko na lang dito at di na sya pinansin.


Gelo's POV


Mukhang galit na galit ata sakin si Sam. Hmm.... Ano kayang problema nun. Humiga na lang ako sa kama at nagpatugtog ng kanta pagkatapos ay nakatulog na.

..... Gelo's Dream ......


"Aalis ka na??"sabi ng isang batang babae. Na parang paiyak na.


"Oo e, pero wag kang mag-alala babalik din kami noh!!"sabi ng batang Gelo.


"O sige good bye."napangiti na lamang ang batang babae at niyakap nya ang batang si Gelo.


Nagbibiyahe na sila ng tatay nya papunta sa kaniyang Ina. Habang nasa byahe nakatulog na lang ang tatay ni Gelo at ito ay nabangga.


"Dad wake up!!"sigaw ng batang Gelo at nabangga na sila sa usang truck.


Sa ospital.....


"Gelo!! Gelo!! Gising!!"sigaw ng batang babae. "Si-sino ka??"bulong nito at nakatulog na lang.


........ End of Dream ......


"Waa!!"napasigaw na lang ako ng magising. At narinig ko na lang ang alarm clock ko na nag-iingay kaya pinatay ko ito.


"Teka... Tapos na pala yung mga kanta."sabi ko sa sarili ko habang nakitingin sa cellphone ko.


......


Pumasok na ko sa school at umupo na lang muna sa upuan habang inaalala ko pa rin ang panaginip ko kagabi.


"Sino kaya siya??"tanong ko sa sarili ko. At bigla naman akong nagulat ng may sumigaw sa harapan.


"Good morning guys!!"bigla na lang akong napatingin sa direksyon ng pinagmulan ng boses. Si Sam.


Samantha's POV


Nagulat naman ako sa nakita ko. My gosh kami lang pala ni Gelo ang nandito.


Bigla na lang kaming nagkatinginan sa isa't isa. "Grabe, parang may gusto syang ipaalala."sabi ko sa sarili ko.


"Huy!!"bigla naman akong nagulat ng may biglang nang gulat sakin.


"Ano ba yan Ethan, hilig manggulat."sabi ko dito na naiinis pa.


"Kiss muna para di na kita gulatin."sabi nito at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.


"Kiss ka dyan!!?"mataray kong sinabi. "Poksain kita dyan eh."sabi ko dito at umupo na lang sa upuan.


Lumapit sakin si Ethan at nagsalita. "Oy Gelo nakalimutan ko nga palang ipakilala sayo yung girlfriend ko."sabi nito kay Gelo. Walang hiya ka talagang Ethan ka!! Sinungaling!!


"Okay... Congrats."sabi nito na napakaseryoso pa din na nakatingin sa cellphone niya. Agad syang nilapitan ni Ethan at tiningnan nya kung anong tinitingnan ni Gelo sa cellphone niya.


"O!! Sino yan."tanong ni Ethan. "Ako yan."maikling sagot nito at napaka seryoso pa din.


"E... Sino naman yung katabi mo dyan??"tanong ni Ethan at napabuntong hininga na lang ito.


Ang totoo gusto ko rin tingnan yung picture kasi nacucurious ako kaso nga lang nag-away kami eh.


"Uy!! Sino nga yan??"tanong ulit nito habang ako naman ay nagbabasa lang ng paborito kong libro. Pero sa totoo lang nakikinig din ako sa usapan nila.


"Sa totoo lang di ko siya kilala eh."sagot nito.


.......


Break time na. Pumunta na muna ako sa library at nagbasa na lang dun ng paborito kong libro.


"Aha!! Ikaw lang pala yun ah!!"sigaw ng isang boses malapit sa kinauupuan ko. "Anong pinagsasasabi mo dyan na ako yun ha!!?"sigaw naman ng isang lalaki.


Lumapit ako sa direksyon ng nagsisigawan at nakita ko naman iyon. "Teka si Mina ba yun!??"tanong ko sa sarili ko. Habang napapakamot pa.


"Oo nga noh!! Si Mina!! Pero wow ha!! Tapang nya na ngayon unlike last year napakamahiyain nya."sabi ko sa isip ko at maya maya lang pina-alis na sila.


Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kaso nakita ko na dun nakupo si Gelo. Ano naman kayang ginagawa nya sa lugar na toh.


Nilapitan ko sya unti unti at nakiya ko yung hawak niya isang larawan di ko nga lang masyadong maaninag kung ano iyon. Unti pa kong lumapit sa kanya hanggang sa maaninag ko ng konti yung larawan at bigla itong tumingin sakin kaya napalayo ako dito.


Bigla agad itong tumayo at umalis sa harap ko. "Geez ganyan ba talaga sya kaseryoso sa ginawa ko. Inaway lang ng unti ayaw ng mamansin."


Bumalik na ko ng room kasi tapos na yung break. Magsulat ako sa isang papel at binigay ito kay Gelo.


"Psst.. Galit ka."-ako.

"Oo."-sya.

"Bakit??"-ako.

"Ginawa ko lang mutual yung nararamdaman mo sakin. Galit ka galit ako."-Gelo.


Agad akong napakunot noo sa sinulat nito. Wow ha!! Ginawa nya talaga yung mutual. Agad na nilukot ko yung papel at tinapon iyo sa basurahan.


Pagkatapos ay nag uwian na. Umuwi na ko ng bahay mag-isa. Nakita ko naman si Maria na nakikinig lang ng music.


"Tsk. Tsk. Tsk."sabi nito habang umiiling lang at napataas naman yung kilay ko sa pagtataka. "Tila hindi pa rin nagkakasundo ang dalawang kaharian nung huli kong nabasa yung libro mo."sabi nito sakin. Hindi pa pala nita batatapos yung librong pinahiram ko sa kanya ah.


"Wag kang mag-alala magkakabati din yun."sabi ko naman. Haha spoiler be like. "Sana nga sana nga."sabi nito at napataas naman ang kilay ko. Ano nanaman bang hula nitong bruha kong pinsan slash bff ko sakin.


"Umm... Maria?? Adik ka ba!?"tanong ko na lang sa kanya.


°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
A/N: By the way guys si Helga gagawan ko pa ng storya hope you will read it guys. •~• nyaw!!

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon