Chapter 1: Meet

33 5 1
                                    

"Ano ba yan late na ko!!"sigaw ko sa isip ko.


Palabas na ko ng bahay ko at sumakay na ko sa jeep. Nasa school na ko at..


"Langya!! Late na ko!!"malungkot kong sinabi. Linibot libot ko yung paningin ko kung may kilala akong nalate din at nakita ko si Janett at si Mara magkasama.


Nakakainis pa naman pag-nalate lagi kang sasarahan ng gate, pero bubuksan rin nila yun."Uy Janett, Mara!!"tawag ko sa kanila at lumingon naman agad sakin.


Lumapit ako sa kanilang dalawa at kinausap sila. "Uy magkakilala pala kayo."sabi ko.


"Hello magkakilala pala kayo."sabi ko sa kanilang dalawa.


"Matagal na kaming magkakilala noh!!"sabay nilang sinabi at nagkatinginan pa.


Nag-usap lang kaming tatlo hanggang sa may nanggulo kay Mara.


"Ano ba yan Gelo!! Epal!!"sigaw nito habang yung lalaki tawa lang ng tawa.


nakipag-asaran na rin si Mara dun sa lalaki nyang kaasaran hanggang sa magbukas na yung gate.


Pumasok na kaming apat sa gate kasama na rin yung lalaki at pumunta na kami sa room namin.


Same lang kami ng classroom ni Janett at si Mara naman at yung lalaki magkaiba.


.....


Breaktime na at pumunta na kami ng kasama kong si Jeann sa canteen.


Habang naglalakad kami umalis na si Jeann sinamahan niya na yung mga best trops nya na si Christina.


Bumili na ko ng pagkain at kumain na ko. Habang kumakain ako biglang naki-upo sa tabi ko si Mara.


"Makiki-upo lang."sabi ni Mara.


"Okay lang noh! Wala rin naman akong kasama e."sabi ko habang natatawa. Kumain lang kami mg kumain at hanggang sa nagsalita na ko.


"Uhmm... Mara sino nga pala yung kaasaran mo kanina??"tanong ko.


"Bakit crush mo noh?? Aiiyyeiiee!!"kinikilig nyang sinabi.


"Naku, hindi noh!! Porket tinatanong crush agad!!? Di ba pwedeng curios lang."sabi ko.


"Sure ka di mo crush??" Tanong nito at tumango na lang ako. Wala naman akong nararamadaman dun eh.


"Fine, siya si Gelo Zam Langit."sabi nito sakin.


"Ahh.. okay."sabi ko habang tuma-tango pa.


"Bakit ba?? Anong meron??"tanong nito sakin.


"Wala lang."sagot ko.


"Wala ka dyan!!? Alam ko meron ano nga?? Ano bang meron sa kanya at tinatanong mo??"tanong ni Mara.


"Fine, ano.. kasi.. Curious lang ako sa kanya."sagot ko.


"Ikaw ha!! Pacurious curious ka pang nalalaman dyan."sabi nya. "Baka naman crush mo si Gelo."pang-aasar nya sakin.


"Naku, hindi ah. Wala nga akong maramadaman na kakaiba eh."sabi ko.


"Ok."sagot niya na parang di talaga sya naniniwala. At hanggang sa nagring na yung bell at pumunta na kami ni Mara sa kanya kanya naming room.


"Gelo Zam Langit."sinulat ko yung pangalan niya sa likod ng notebook.


Nagulat na lang akong bigla ng kinuha sakin ni Janett yung notebook ko.


"Ikaw ha!! Kay Zam ka na pala ah!!"kinikilig nyang sinabi at napairap na lang ako.


"Ewan ko sayo."badtrip kong sinabi. Eh sino ba naman kasi di maaasar kong kinuha ng classmate mo yung notebook mo habang sinusulat mo yung taong iniisip mo.


"Seryoso, crush mo si Zam??"tanong ni Janett sakin.


"Hindi noh! Nacu-curious lang."sagot ko. Eh wala naman akong gusto sa Gelo or Zam na yan e.


"Curious!? Ewan ko sayo."sabi nya na ayaw talaga maniwala.


"Curious nga talaga ako!!"depensa ko sa sarili ko. Napangisi na lang sya at nakinig na lang ulit.


.......


Uwian na at nilakad ko na lang pauwi samin, 15 minutes lang naman pagnilakad ko hanggang bahay eh. Habang naglalakad ako, nakita ko si Gelo na bumibili sa tindahan.


Haha maka-Gelo eh. Feeling close. Habang naglalakad ako nagulat na lang bigla ako ng tawagin nya ang pangalan ko.


"Samantha!!"tawag nya sakin at napalingon naman ako. "Ako??"tanong ko. "Kanino ba ko nakatingin??"tanong niya. Aba pilosopo toh ah.


"Hahaha."napipikon kong tawa. "Azaar sya oh!!"napangiti naman sya sa sinabi nya. "Bakit mo ba ko tinawag?? At pano mo ko nakilala??"tanong ko.


"Uhmm.... tinawag kita kasi wala lang gusto ko sabay lang tayo umuwi."sabi ni Gelo at tumango na lang ako.


"Atsaka... nakilala kita kasi tinanong ko kay Mara kung anong pangalan mo."sabi ni Gelo at napangiti na lang ako ng unti. Lumapit ako sa kanya at tiningnan kung anong binibili nya.


Protractor. Siguro gagamitin nila sa Math. "O, tara na??"yaya nya sakin. "Sige."sagot ko naman. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa umabot na ko sa bahay ko.


"Pano ba yan andito na ko sa bahay ko, sakay ka na lang sa jeep."sabi ko. "Sige. Pero by the way di pa nga pala ako nagpapakilala sayo."sabi nya.


"Gelo Zam Langit."ngiti nya at umalis na. At ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay.


"Hoy!! Ateng anong meron!?"sabi ng pinsan ko slash bestfriend din at nagtaka naman ako. "Di kita nagets??!"sabi ko and i gave her a jigsaw look.


"Inlove ka ba??"tanong niya at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Excuse me!! Ano kayang pinagsasasabi ng babaeng toh??


"In love??"tanong ko.


"In love, L. O. V. E."pag-iispell pa nito. "Excuse me!! Di ako in love."sabi ko.


"Okay."maikli nitong sagot.


.....


Kinabukasan, gumising ako ng maaga, mas maaga pa sa pinsan ko at naligo na. Pagkatapos bumaba na ko at kumain.


Kumakain lang ako ng tawagin ako ng pinsan ko. "Yow!! Himala nauna ka pa sakin."sabi nito na may pagkamangha pa.


"Siguro inspired ka?? Kanino ba??"tanong nito.


"Syempre kay God!!"sabi ko at napahinto ito ng ilang saglit.


"Ano ka ba ateng, kahit ako naiinspired kay God. Ang tinutukoy ko kasi ay kung sino yung crush mo??"sabi nito.


"Wala nga akong crush i'm single and contented, study first muna noh!!"sabi ko.


"Ewan ko sayo ateng maliligo na ko."sabi ng pinsan ko sakin at umalis na.


Pagkatapos kong mag-almusal nagsipilyo na ko at nag-uniform na. Tapos pumasok na sa school.


Pumasok na ko sa school at nakita ko si Gelo sa canteen and then suddenly napangiti na lang ako ng slight.


Bigla sang tumingin sakin. At bigla naman akong nagulat kaya naglakad na lang ako papuntang room.


......


Dumating na ang aming teacher at ako naman nagbabasa pa rin ng favorite kong book. "Okay class you have a new classmate kindly introduce yourself."sabi ng teacher namin pero di ko na lang yun pinansin. Paki ko ba kung may bago kaming classmate baka nga bully pa yan eh.


May narinig akong footsteps sa harap at bigla na lang itong nagsalita. "Good morning, my name is Gelo Zam Langit."sabi nito at bigla na lang akong nagulat sa narinig ko.


Napatingin ako sa harap. Fvck!! Si Gelo nga!! Pero bakit ako excited?? Wierd.


"Okay you can choose from untaken seats."sabi ng teacher namin. Bigla akong nakita ni Gelo at nginitian nya ko at ganun din yung ginawa ko.


Bigla syang naglakad papunta sakin at akala ko naman ay tatabi sya sakin yun pala sa likod ko pala sya uupo.



"Uy Gelo pano ka nalipat dito??"tanong ko sa kanya.


"Mamaya mo na ko daldalin makikinig mo na ko sa teacher."sabi nito at nakinig bna lang din ako.


"Wow nakikinig din pala sya!!"gulat kong sinabi sa isip ko.


....


Okay break time na!! Ang favorite time ng karamihan!! Hehe. Hindi na kailangan ipa-survey kung anong time ang favorite ng maraming studyante dito sa school dahil alam kong break time lang talaga ang favorite nila. Hehe.


"Oy, Sam sabay na tayong kumain."aya sakin ni Gelo at pumayag naman ako dito. Bago lang naman sya sa section na toh! Eh kaya malamang wala syang masyadong kilala.


Pumunta na kami ni Gelo sa canteen at bumili na ng pagkain. Pagkatapos namin bumili nakita kami ni Mara at lumapit sya samin. "Ahhh... Sa section ka pala nila Sam napunta ah."sabi nito kay Gelo.


"Paki mo ba??!"sigaw nito kay Mara at napikon naman tong si Mara kaya pinalo nya si Gelo.


"Aray!!"sigaw nito. "Kulang pa nga yan eh."sabi ni Mara at inirapan nya lang si Gelo.


Pumunta na kami ni Gelo sa classroom at dun kami nag-usap. "Bakit ka nga pala nalipat dito??"tanong ko at napatingin naman sya sakin.


"Diba meron kayong Attendence crisis, kaya yun nalipat ako dito."sagot nya at napatango na lang ako. Wow ha!! May pa-attendance crisis pa syang nalalaman ano kami produktong maa-out of stock. Tsk.


"Uhhmmm.... Sam??"tawag sakin ng isang boses babae mula sa labas at napatingin naman ako. Nagulat naman ako sa nakita ko andun yung pinsan ko na tila ba ay natatawa kaya binigyan ko sya ng anong meron look.


Sininyasan nya ko na pumunta sa kanya kaya pumunta na ko. "Greetings from another section my cousin."bati ko.


"Dami mong alam, nalagay ko sa bag mo yung baon ko akin na."sabi nito sakin. pumunta agad ako sa bag ko at kinuha yung wallet ng pinsan ko.


"Oo nga noh!! Andito yung wallet nya."sabi ko sa isip ko. Lumapit na ko sa kanya at binigay ang wallet at umalis na agad ito.


"Sino yun??"tanong sakin ng isang boses at nilingon ko ito, si Gelo lang pala.


"Wala, pinsan ko lang."sabi ko dito at bumalik na sa upuan.


°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
A/N: wow naman para sayo Sam!!


Brain: naku dapat tumigil na sya dyan kay Zam, sya rin pagnasaktan sya..


Puso: hindi!! At bakit mo naman pipigilang ang dalawang taong nagmamahalan.


Brain: anong dalawang taong nagmamahalan ka dyan!! Sure ka ba na may gusto sila sa Sa isa't isa, baka nga one sided love lang yan eh.


Puso: naku ewan ko sayo hindi mo kasi alam kung pano umibig.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon