Kung sa tingin niyo clichè ito, tama kayo riyan. Mahilig ako ro’n. Kasing-boring din nito ang buhay ko. Charot! Please read at your own risk. (Kung may magbabasa man. Hahahahaha 😂)
Eurfron.
Pinunasan ko ang pawis na pawis kong mukha pagkaupo ko sa bleachers ng aming gymnasium na nagsisilbi ring basketball court. Hindi ko inaasahang ganito kagaling ang aming mga kalaban sa practice game, kung kaya’t nanibago talaga ako.
“Huy, El.” Inabutan ako ng teammate ko ng bottled water bago tumabi sa akin sa pag-upo. “Napagod ka ’ata kaagad?”
Isinampay ko sa balikat ko ang towel na pinampunas ko sa mukha ko at ininom ang tubig na nasa bote.
“Mahusay maglaro ang mga kalaban natin ngayon. Saang school ba sila galing?” tanong ko rito nang ibaba ko ang plastic bottle.
Kumunot ang noo nito, tila ba may mali akong nasabi.
“These past few days, napansin namin na wala ka lang talaga sa focus. Madaling maagaw sa ’yo ang bola, madalas ka rin sumablay sa pag-shoot, then ayan, ang bilis mong mapagod—mabilis ka talagang mapagod, okay, pero sobra ngayon. Ano bang nangyayari sa ’yo? May problema ba?” Hindi ako nakaimik. Napansin nila lahat iyon? “Actually, balak kang kausapin mamaya ni coach. Pansin niya rin na wala ka sa sarili mo.”
“Pasensya na kayo, Khalil. Kakausapin ko na lang si coach mamaya.” Pilit akong ngumiti rito bago ibinalik ang tingin sa hawak kong bottled water. “May iniisip lang ako nitong mga nakaraang araw.”
Naramdaman ko ang pagtapik nito sa braso ko bago ito tuluyang tumayo. “Sa tingin ko hindi ka pa handang magkwento sa ngayon. Hinihintay ka lang namin, sa totoo lang.”
Nagsimula na itong maglakad paalis.
“Khalil,” tawag ko rito dahilan upang mapalingon ito. Pilit akong ngumiti. “Salamat sa inyo.”
Nangiti naman ito. “Wala ’yon. May isang linggo ka pa para maghanda.”
Nangunot ang noo ko.
“Maghanda saan?”
Sandali itong natigilan bago natawa nang malakas dahilan upang lalong mangunot ang noo ko sa pagkalito.
“Malala na ’yan, El. May laban tayo next week.”
I was like: Next week? Anong petsa ba next week? With matching pokerface pa iyon, habang mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tumingin sa reminders ko rito.
The fuck, oo nga! Paano ko nagawang kalimutan ang isa sa pinaka-inaabangan kong laro mula noong sumali ako sa Basketball team!
“I’m so sorry, Khalil.” I smiled sheepishly. “Nawala lang talaga sa isip ko. Pasensya na kayo.”
Nagkibit-balikat ito.
“Sabi nga ni coach, kapag nasa game ka, don’t let your emotions interfere. Dahil iyon ang makakatalo sa ’yo.”
👑👑👑👑👑👑
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa kawalan. Nakailang buntong-hininga na ba ako?
“Anong problema?”
Halos mapatalon ako sa gulat. Kaagad kong nilingon ang pinagmulan ng boses–sa likod ko. Napakurap na lamang ako nang maraming beses nang makita ang isang hindi pamilyar na lalakiteka, sino ’to?
Nakapatong ang kanyang mga siko sa sandalan ng bench na inuupuan ko habang minamasdan ang reaksyon ko. Nangiti ito bago umayos ng tayo at lumipat sa tabi ko. Kaagad akong napa-usog palayo.
