Eurfron.
Tumawag ako kay Miguel—personal driver ko—para magpahatid sa kanya sa bahay. Hindi kami madalas magkita ng taong ’to. He works for me, pero nandito lang siya kapag tinatawag ko siya. Madalas nga hindi ko ito tawagin sa loob ng isang buwan pero buo pa rin ang sahod nito. I’m the kindest and the coolest, I know.
Ilang sandali pa, dumating na si Miguel dito sa parking lot. Sinaluduhan kaagad ako nito.
“Boss!” nakangiting bati nito.
Pumasok kaming tatlo nina Liam at Uno sa loob ng car nang tahimik. Hindi nila ako iniimikan. Malamang ay takot masermunan or worse, mapalayas sa bahay.
“Hindi pa tapos ang klase, a?” wika ni Miguel habang binubuksan ang engine.
“Yeah. Sa bahay ka na mag-lunch.” Sumandal ako sa upuan at napabuntong hininga. “Anyway, meet my new housemates. Here’s Uno, Tyrone’s friend, and this is Liam—my childhood friend. I’ll give them your number, so they could call you in case of... emergency.”
Pinagmasdan niya ang dalawa mula sa salamin sa unahan, but then lumingon ito sa amin. I know those stares.
I smiled sheepishly. “Don’t worry, they’re harmless! Besides, uuwi na rin ang mga pinsan ko sa Friday. I’ll be fine.”
Ibinalik nito ang tingin sa harapan at pinaandar na ang sasakyan. Napabuga ako ng hangin. That was close! Miguel is quite protective. I just don’t want him to worry about me. Well, uh, it’s his job to protect me, anyway.
“Then I’ll sleep at your house tonight. Well, in case . . .”
The two guys—Uno and Liam—glared at him. I just hope those glares couldn’t distract Miguel on his driving. I really am hoping to have a peaceful sleep tonight.
👑👑👑👑
Peaceful sleep? Forget it. That’s impossible to get, especially in this house, right at this moment.
Nakatitig lamang ako sa tatlong lalaking nasa sala, nakaupo sa sahig habang nanonood ng isang replay ng basketball game sa laptop.
“What the hell—” Huminga ako nang malalim, sobrang lalim, at diretso silang tinignan. “—are you doing here?”
Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ko.
“Oh! Eurfron!”
“You’re here! Baby Eurie is here!”
“Babes!”
Dali-daling tumayo ang mga ito at nag-unahan pa sa paglapit sa akin. Hindi ako makapagsalita. These guys–
“Kenj, Em, Gin!” Hinarangan ni Liam ang tatlo dahilan upang siya ang mayakap ng mga ito. “I missed you, guys! Napaaga kayo? Nababahala ba kayo sa mangyayari sa tournament?” pagyayabang pa nito dahilan upang maasar ang tatlo.
“Gago, Liam. Hindi ’yon ang ikinatatakot namin. Kundi ang pandaraya mo.” banat ni Kenj dito matapos humiwalay.
“Siguradong kinausap mo na ang referee, ano?” singit ni Em.
Bumalik ang mga ito sa kanilang mga pwesto kanina. Ako naman ay naupo sa sofa na sinundan nina Uno at Miguel. Pinapanood lang namin ang apat na magpikunan sa kayabangan nila.
“Don’t worry, I won’t let him do that.” pagsingit ni Uno sa usapan ng apat. He even smirked as he waved his right hand. “Ace player of Boston.”
Napa-nganga ang tatlo sa narinig.
“So kilala mo si Zian? He’s our childhood friend! Sasali ba siya sa game?” usisa ni Em.
“Zian? Hindi siya makakasali sa game. Hindi siya papayagan ng Dad niya.”
“Why?” kunot-noong tanong ni Liam. “Dahil ba sa ’kin o sa Harred U?”
Nagkibit-balikat si Uno. “Both.”
Liam shrugged. “I feel sorry for him. Hindi dapat nagdesisyon si Dad ng ganoon. I can win against him, anyway.”
See? This is how it is kapag magkakasama ang mga iyan. Puro basketball at kayabangan ang pinag-uusapan. Madalas ay nagkakapikunan pa. Napapailing na lang talaga ako.
I faked a cough.
“Shall I go to school na? You can just cook here and eat since it’s past lunch time already. I’ll get going, then.”
Tumayo na ako at lalabas na nang mabaling ang atensyon sa akin ng tatlo. Nagsitayuan ang mga ito at dinambahan ako ng yakap maliban kay Gin na ginulo lang ang buhok ko. Si Gin lang ang may maayos na pag-iisip sa kanilang tatlo.
“Babes! I missed you!” It’s Kenj. He used to call me babes talaga, since we were kids. Hindi kasi nito mabigkas ang pangalan ko noon.
“Ang laki mo na, Eurie. You’re no longer a baby.” malungkot kunong sabi ni Em sabay kurot ng magkabilang pisngi ko.
Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay. This is crazy. Nakikita ko na ang magiging reaction ng teammates ko kapag nalaman nilang nakatira sa bahay ang ace players ng mga school na makakalaban namin. They will be shookt. I’m pretty sure.
Nag-jog ako palabas ng subdivision. Doon ako sumakay ng taxi papuntang school. At since may konting time pa, I decided na kumain muna sa cafeteria.
Naghanap ako ng mauupuan ko. Gusto ko sana ay yung medyo tago para payapa ang pagkain ko, but thanks to Kira, napunta sa akin ang lahat ng atensyon nang isinigaw niya ang pangalan ko habang kumakaway sa akin at nangingiti.
Napabuntong-hininga ako at lumapit sa table niya. Inilapag ko ang tray ko at naupo.
“Bakit nandito ka pa?”
“Nakatulog ako sa library,” balewalang sabi nito habang ipinagpatuloy na ang pagkain. “Saan ka ba galing? Hindi mo nasagap ang balita?”
Nangunot ang noo ko.
“Umuwi ako. Anong balita?”
Nahinto ito sa pagkain at napatitig sa akin, tila ba gustong malaman kung seryoso ba ako.
“Nakausap ko kanina sa library ang tatlong ace player mula sa iba’t ibang school. Tomas, Boston . . .” He seemed amused nang sabihin iyon, pero nabago ito kaagad. “And Harred University. Ang laging champion sa mga tournament.”
Pinilit kong magmukhang clueless sa harapan niya. Kung alam mo lang, Kira...
“Mukhang galit na galit ka sa ace player ng Harred, a,” I faked a laugh pa para mabago ang ihip ng hangin. “Siguro mas pogi siya sa ’yo?” Sabay tawa ko. Pero sa isip-isip ko: No, Kira. He’s not good-looking at all! He’s annoying! But for the sake of my white little lie, I would have to pull another lie. Covering a lie with another lie. Sounds good, isn’t it?
“No. I mean, he is Liam Harred!” Okay, what’s with Kira? Ngayon ko lang ito narinig na parang manghang-mangha sa taong tinutukoy. “Hindi mo ba siya kilala?”
Natigilan ako. Sasabihin ko bang ang lalaking tinutukoy niya ay kababata ko at nakatira siya ngayon sa bahay? Bad idea. I wouldn’t do that.
“N–No!” Calm down, Eurfron. “I mean, no. No. Not really. Paano ko naman siya makikilala?”
Napataas ang kilay nito sa akin at napatawa.
“You’re blushing!” Hindi na ito natigil sa pagtawa. Thank God at nawala na si Liam sa usapan namin. Hindi niya alam na sobrang tinorture niya ako ng mga oras na iyon.
