Five.

171 7 6
                                    

Eurfron.

Dalawang araw bago ang National Tournament. Maghapon kaming nagbabad sa gym upang mag-practice sapagkat kabado na rin si Coach at nagawa niya kaming i-excuse sa mga klase namin ngayong araw.

Sinasanay ko ang sarili ko na hawakan nang mahigpit ang bola gamit lamang ang isa kong kamay. Sa liit kong ito, madali akong ma-overpower ng ibang higanteng players.

“Ang sabi nina Khalil, umaayos ka na raw ulit.” Biglang sumulpot sa tabi ko si Coach Ace. “Mukhang distracted ka pa rin nang kaunti.”

Hindi ko gustong sabihin kay Coach ang tungkol sa sitwasyon ko, pero tumatagos yung nga tingin niya hanggang sa kaluluwa ko. Mukhang alam niyang may tinatago ako at unti-unti akong pinapatay no’n.

“Pagod lang, Coach. Knowing me naman, hindi talaga pangmatagalan ang stamina ko.” pagsisinungaling ko, pero totoo naman na hindi talaga pangmatagalan ang stamina ko.

“Mas mabuti na sabihin mo na habang maaga, para matulungan kita. Baka sa mismong tournament mo ako guluhin, nako.” nangingiting sabi niya at ginulo ang buhok ko bago maglakad paalis.

Natigilan ako. May point si Coach Ace doon. Kung sasarilinin ko, baka mas lalong hindi ko makontrol ang mga mangyayari.

Hinabol ko siya.

“Coach.” Kumapit ako sa braso niya dahilan upang lumingon siya sa akin. “Can I talk to you for a second?”

“Kahit for an hour pa,” naiiling na tugon niya.

Nagpaalam muna kami ni Coach at nagtungo sa pinakamalapit na coffee shop. Nag-order ako ng hot coffee for him while iced mocha naman sa akin.

“Noong unang beses kitang makita, hindi kita gustong tanggapin. Bukod sa babae ka, sobrang liit at lampa mo pa.” kwento ni Coach bago ininom ang kanyang kape.

Kinunutan ko siya ng noo.

“Coach!” inis na sabi ko. “But you chose me!”

Tumawa ito at tumango-tango.

“Nagbago ang isip ko noong tryout. I saw some potential in you, and most importantly, I saw your passion towards the sport.” Napakurap ako nang maraming beses sa madamdaming lintanya ni Coach. “At syempre, nakita ko yung talento mo sa paghawak ng bola. I thought to myself: this one is an uncrowned prodigy.”

“Stop it, Coach. I might blush.” sarkastiko kong sabi rito at nilagok ang inumin ko.

Natawa lamang siya. Coach Ace is like a second father to me—bukod sa Dad ko, siya lang ang sumusuporta sa akin sa Basketball. Siya lang ang nakakakita ng potential ko sa paglalaro.

“I chose you, yes, but in discreet. I don’t want to reveal the hidden gem of Jordan just yet.” Nangiti muna siya bago sumandal sa kanyang upuan, handa nang makinig. “If you want to tell me what is going on, sure, but I cannot promise you a solution. It will be discreet, that I can assure you.”

Huminga ako nang malalim at umubo nang mahina bago sinimulan ang kwento.

“Uh... Coach, kilala mo ba si Eros?”

Napakamot ng baba si Coach.

“Is he a basketball player? Ah! Eros the Great! Of course I know him! What about him?”

Nangiti ako.

“Well, he was the one who introduced Basketball to me, that was . . . when I was two.” panimula ko sa kwento. Nanlaki ang mga mata niya. “He is my childhood mentor.”

“For real?”

Tumango ako. “I play basketball with him, my brother and my cousins for fun. I really enjoyed every second of the game.” Napapangiti ako habang inaalala yung mga sandaling iyon. “But you see, madali akong mapagod. May . . .”

Tumingin ako kay Coach. Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Hindi ko masabi sa kanya ang pinakamalaking sagabal sa paglalaro ko.

“Come on, you can tell me.” kumbinsi niya.

“We found out na . . .” Hindi ko talaga maituloy. Napayuko ako. “May sakit ako sa puso.”

Ramdam ko ang pagkabigla ni Coach sa narinig. Hinarap ko siyang muli.

“I am fine now, Coach. However, tutol pa rin ang mum ko sa paglalaro. Sa katunayan, matagal na akong huminto . . . pero sumubok ako noong huling tryout and now here I am.”

“I understand where your mother is coming from.”

“Yes, I know. Hindi alam ng kapatid ko at mga pinsan ko na kasali ako sa Basketball Club ngayon.” Sumimangot ako kay Coach na unti-unti pa lamang narerehistro sa kanya ang mga sinabi ko. “Kung sakali, makikita nila ako sa tournament na maglaro or worse, baka makalaban ko pa sila.”

Coach Ace gaped in disbelief.

“Eurfron, bakit hindi mo ito sinabi kaagad sa ’kin?” hindi makapaniwala niyang sabi.

“I couldn’t bring myself to . . . to talk it out.”

Nasapo ni Coach ang noo niya.

“Which school do they attend to?”

“We all went to different school.” Bumuntong-hininga muli ako. “Top schools, when it comes to basketball.”

“And the problem will be your appearance at the tournament, is that right?” Napahawak si Coach sa baba niya, tila nag-iisip. “Ah, may solusyon kaagad ako g naisip. Hinding-hindi ka talaga mahuhuli.”

“Ano yun, Coach?”

“Hindi ka maglalaro sa tournament.”

“Coach! That is unfair.” angil ko.

“That’s the only solution that I can think of.” balewalang sambit ni Coach at sumandal sa kanyang upuan. “Mababawasan ang tsansa nating manalo, kapag ginawa ko iyon.”

“It’s not that, Coach. I believe in my team. Sigurado akong kaya nilang manalo nang wala ako. Pero,” Yumuko ako. “It is my long life dream to play in a national tournament.”

“I know. We will figure this out, Eurfron.” Ngumiti si Coach at inabot ang kanyang kape. “Relax, okay? Focus ka lang sa laro. Ako na ang bahala sa obstacles sa labas ng laro.”

Ngumiti ako nang malapad.

“You’re the best, Coach!” Gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa ko nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ako nagkamaling nilapitan ko siya. “Ipapakilala kita kay Eros kapag umuwi siya rito sa Pilipinas.”

“I would like that, little thing!”

Matapos ang pag-uusap namin ni Coach, tila nawala ang bigat sa mga balikat ko. Malaya na ako ulit maglaro ng basketball, tulad ng dati. Bumalik na muli ang sigla ng katawan ko.

“Aba, good mood.” puna ni Kira nang makita akong nangunguna sa practice.

“Heh. Dapat lang, malapit na ang tournament.” nakangisi kong tugon habang tumatakbo ako papalapit sa kanya. Pinaikutan ko siya habang nagdi-dribble at nag-shoot nang malampasan ko siya.

“Ganado,” naiiling na sabi ng kadarating na si Khalil nang makitang walang kahirap-hirap na pumasok ang bola sa ring.

“Mukhang ready na sa National Tournament, a?” komento ni Rion.

Ngumisi ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basketball QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon