Pagbabalik Tanaw (Tagalog)

269 16 0
                                    

Habang aking inaalala,
Mga sandaling di ko inakala.
Mga pangyayaring di kapanipaniwala,
Ating pinagsaluhan ngayo'y naging alaala

Marahil iyong nakalimutan,
Ang ating mga nakamtan.
Sa tagal ng ating pagsasama,
Marami tayong nagawang magkasama.

Mula sa ating nakaraan,
Hanggang sa kasalukuyan.
Ika'y aking mamahalin,
Kahit di mo ako alalahanin.

Book Of PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon