MLHope One

0 0 0
                                    

CHAPTER ONE

RAIN's Pov

"Ma, pupunta na po ako sa school. Male-late na po kasi ako eh. Chat po ulit kita mamayang hapon. Bye po! Muah!" In-end ko na 'yong tawag at tumakbo na palabas ng bahay.

2nd week ng first month of classes namin at hindi ko ugaling magpa-late. Neveeer. Malapit lang naman 'yong school sa bahay namin. 5 minutes lang pag lalakarin kaso ngayon, kailangan kong tumakbo.

Saktong pagkadating ko sa school, nag-ring 'yong bell namin. Gosh.

"Hinihingal ka? Muntik ka nanaman ma-late noh?" Sabi ni Nyle saakin. Bespren ko 'yan. 2 years na kami. Hahaha!

"Obviously bes -_-" Sabi ko at tumayo na ng maayos. Hindi talaga ako comfortable sa uniform namin. Nakakainis. Umupo na ako sa upuan ko at uminom ng tubig.

"Kumusta na pala 'yong crush mo?" Binaba ko 'yong tubig ko at tinignan siya.

"Pinsan ko siya diba? Hindi ko na siya crush -_- Kulit nito eh." Sagot ko.

"Hindi. 'Yong bago? 'Yong 3rd year." Ay! Akala ko naman kung 'yong dati eh -_- Nagka-crush kasi ako nung first day of school. Kapit-bahay ko pa 'yon tsaka ang gwapo tapos nalaman ko sa lola ko na pinsan ko pala. Ayon, naghanap nalang ako ng iba -_____-

"Ah, 'yon? Crush ko parin. Kaka-add ko lang sakanya sa facebook nung umaga eh." Sabi ko.

"Ano pangalan niya?"

"Zander Philips." Sabi ko at ngumiti. Ang ganda nung pangalan niya eh.

"Edi wow. Hahaha!" Napa-poker face nalang ako at umayos ng upo. Dumating na kasi 'yong adviser namin na masungit -_-

4th year highschool na ako ngayon dito sa Tornacon High. Si mommy kanina, nasa abroad siya at do'n siya nagtra-trabaho. Broken family kami kasi si daddy, iniwan kami. Nakatira kami sa lola namin ngayon na sobrang moody -_- Siguro nga sakanya namin namana 'yong pagka-maldita naming magpi-pinsan eh. Hindi kami mayaman pero may kaya naman kami sa buhay kahit papaano. Si Nyle, nakilala ko siya nung 2nd year kami kaya 2 years of friendship na. May iba din kaming kaibigan pero naghiwa-hiwalay kami ng section.

"Lagi nalang siyang nagrereklamo tungkol dito sa classroom natin. Siya nalang kaya maglinis para wala na siyang sabihin." Reklamo ni Nyle. Simula nung 3rd day ng pasukan namin, puro linis linis inaatupag niya tapos sisishin niya kami kung bakit wala daw kaming natatapos sa lesson namin eh kasalanan niya naman. Ang dami niya pang arte sa buhay -______-'

-R E C E S S-

Naglakad ako palabas ng classroom namin at hinintay sila Lian. Hindi nakikisabay si Nyle saamin kasi mag-isa niya lang daw na lalaki at puro kami babae. Maarte din siya eh -_-

Habang naghihintay ako, nakita ko si- ZANDER! Omg. Dumeritso siya sa section na kaharap lang namin. May tinatawag siya eh. 'Yong pinsan niya siguro. Iniwas ko na 'yong tingin ko kasi baka mahalata niya pa eh.

Ang tagal naman nila -____- Nasa kabilang building 'yong classroom ni Lian. Si Jade at Annie naman, magkatabi lang kami ng classroom pero dahil nga medyo nagkalayo na din kami, iba na 'yong mga kasama ni Jade. Si Annie naman, hindi ko na masyadong nakikita kaya laging kami nila Lian at Amber 'yong magkasabay tuwing break time.

"Huy Rain Xena!" Napatingin ako sa tumawag saakin. Si Phoenix. 'Yong pinsan ni Zander na binusted ko nung 3rd year kami.

"Oh, hi?" Bati ko na medyo nahihiya.

"Kanina ka pa nakatayo diyan. Sinong hihintay mo?" Tanong niya. Take note, kasama niya pa si Zander. Shet >_<

"Sila Lian pero hindi na ata 'yon dadating. Absent din kasi si Amber eh." Sagot ko sakanya.

"Ah. Hahaha! Ang liit mo parin naman. Hindi ka na tumatangkad. Hahaha!" Napa-poker face nanaman ako. Maka-liit naman 'toh -___-

"Ang sama mo ha. Porke ba ang tatangkad niyo -___-" Sabi ko at sinamaan sila ng tingin. Pati kasi si Zander nakikitawa eh. Punyemes =_=

"5'2 naman height ko ah." Sabi ko sakanila na nakasimangot.

"Walaaaa. Maliit ka parin. Hahahaha!" Lumapit si Zander at tumapat saakin. Bwisit -___- Akala ko naman kung anong gagawin niya, titignan lang pala kung hanggang saan ako sakanya. Shet.

"Hanggang dito ka lang pala. Hahaha!" Sabi niya habang tumatawa. Tinuturo niya pa 'yong sa dibdib niya -___- Shet talaga eh. Sila na matangkad.

"Ewan ko sainyo." Sabi ko at naglakad palabas ng corridor namin. Parehas lang kasi ng floor 'yong 4th and 3rd years and 3rd year nga si Zander kaya 'yon. Bwisit talaga sila -_- Mas Lalo tuloy akong nagutom. Maghahanap na sana ako ng pagkain pero nag-ring na ulit 'yong bell namin.

BWISIIIIIIIIIIIIIIIIT >_________< Gutom na akoooooooooooooo.

Bumalik ako sa classroom na nakasimangot. Nila-lock pa nila 'tong room namin kaya mukha tuloy akong ewan dito na nakatayo. Nakaharap ako sa section nila Phoenix kaya kitang-kita ko siya. Nakokonsensya parin talaga kahit papaano. Ginamit niya pa 'yong phone niya para umamin no'n kasi wala siyang lakas ng loob na sabihin sakin kaya tinype niya sa phone niya. Hay nako.

"Oh easy lang, Rain. Baka ma-inlove ka na sakin niyan." Nagulat ako nung nakita ko si Phoenix sa harapan ko. Wow -_-

"Ang kapal mo talaga noh?" Sabi ko at tinapakan ko 'yong paa niya. Hindi lang 'yon tapak, tadyak pa. Sakto naman na bukas na 'yong door ng room namin kaya tumakbo na ako papasok. Bahala siya mag-aray aray diyan sa labas. Tsk -_-.

- - - - -

Sana po nagustuhan niyo :)
Update po para sa next chapter, tomorrow :))

-PinkyGray_

My Last HopeWhere stories live. Discover now