MLHope Three

0 0 0
                                    

CHAPTER THREE

RAIN's Pov

Nagluluto ako ngayon ng ulam ko for dinner since wala akong kasama ngayon. Habang nagluluto ako, sunod-sunod na tumunog 'yong messenger sa phone ko kaya tinignan ko muna kung sino 'yong nag-message- at nagulat ako nung nakita ko kung sino.

Zander: Hey ulan :)
Zander: Psst? Busy?
Zander: Rain Xena?

Oh my. Nag-chat nanaman si crush. Kahit naman inasar-asar niya ako kanina, crush ko parin siya. Hahaha!

Rain: Hey? Sorry late reply, nagluluto kasi ako.
Reply ko sakanya.

Nakita ko din na nag-chat si mommy kaya nireplyan ko.

Nilapag ko muna 'yong phone ko at tinuloy kong magluto. Pagkatapos kong magluto, hinain ko na 'yong pagkain ko at tinignan ko na din 'yong reply ni Zander.

Zander: Oh, sorry. Chat mo nalang ako 'pag tapos kanang magluto.

Sineen ko nalang muna at kumain na ako. Masama daw kasi 'yong gumagamit ka ng gadget habang kumakain. Pagkatapos ko kumain, hinugasan ko na din 'yong mga plato at nag-tooth brush na. Ang tahimik talaga dito sa bahay 'pag wala sila lola.

Pumunta na ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos ng kusina. Wala naman ata kaming assignment or project kaya wala akong gagawin. HIndi kasi ako pala-aral pero pagdating sa requirements, nagpa-pass naman ako. Mahirap mabagsak. Ayoko din naman na magalit si mommy kaya kahit minsan nakakatamad ng mag-aral, kinakaya ko parin.

In-open ko ulit 'yong message ni Zander at nag-reply.

Rain: Yow! Sorry late reply ulit *peace sign emoji*
Zander: Haha, okay lang. Naaalala mo ako?
Rain: Yup, ikaw 'yong pinsan ni Phoenix diba? 'Yong kasama niya nung nakita ko kayo sa park no'n?
Zander: Oo. Hahahaha
Rain: Hahaha

Wala na akong masabi kaya puro 'Hahaha' -__-

Nag-usap pa kami tungkol sa iba't-ibang bagay. Nagtanong-tanong din siya about saakin. Ganun din ako sakanya. Masyado nga lang siyang straight forward at nagugulat ako sa mga sinasabi niya. Tulad nito.

Zander: Crush kita, Rain.

Diba? Sinong 'di magugulat do'n. 'Yong crush mo, crush ka din. HEAVEEEEN <3

Rain: 'Yong totoo? *laughing emoji*
Zander: Oo nga. Ayaw mo maniwala?
Rain: Mahirap kasing paniwalaan. Hahaha
Zander: Totoo, promise.
Rain: Okay, hahahaha

'Yong feeling na hindi mo alam kung ano nang sasabihin mo >_<

Pinag-usapan pa naming 'yong tungkol sa crush crush na 'yan at syempre umamin din ako noh. Pero dahil hindi nga ako naniniwala sakanya, tinanong tanong ko parin kung totoo at lagi niyang nirereply na oo daw, totoo hanggang sa naniwala nalang ako. Natatawa nalang ako sakanya kasi porke mutual 'yong feelings naming eh kami na daw -_- Ang kapal, ano? Sarap sapatusin eh.

Zander: Liligawan nalang kita.

WTF?! Taas talaga ng amats nito -_____________-

Rain: NO!

Syempre pakipot muna. Hindi agad ako bibigay. Hahahahahaha!

Zander: Pakipot pa siya oh. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo.

ANG KAPAAAAAAAAAL BES! ANG KAPAL! -__-!

Nireplyan ko nalang siya ng madaming poker-faced na emoji at nag-reply naman siya ng madaming heart naman na emoji. Like duh? -_-

Zander: Goodnight na babes ;) Bukas ulit ha? Ingat ka palagi :) Muaaah :*

Bwisit noh? -_-

Rain: Ewan ko sayo. Goodnight :)

Reply ko nalang at nag-log out na. Nako nako nako, Rain Xena Singh, 'wag kang magpapadala sa Zander na 'yon. Kahit crush mo siya, baka sasaktan ka nanaman niya kaya tumigil ka -_-

Humiga na ako at sinubukang matulog. Oh my gosh -_- Kailangan kong matulog ng maagaaa >_<

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Last HopeWhere stories live. Discover now