High school na kami at ang sarap sa pakiramdam. Fourth year na si Ate Yani at third year naman ako. Dalawang taon na lang, magka-college na ako.
Hindi naman sa kung ano, pero nung tinanong ni Mama kung saan ko gusto mag-college sinabi ko sa medyo malayo. Yung tipong kailangan kong mag dorm.
Ewan. . . Pero siguro sakaling mapalayo ako sa kanila ng ilang buwan, baka ma-miss ako ni Ate Yani at Mama.
Sa school kasi hindi kami masyado close at malimit kaming mag-usap considering na masyado malapit lang naman ang mga edad namin.
Ewan ko ba, may iba nga kaming schoolmate nung malaman na magkapatid kami, sasabihing:
"Weh??"
"Kung di lang kayo magkapareho ng apelyido eh..."
"Magkaibang-iba kayo. Pramis!"
"Oh well, sabi mo eh."
Eh ganun?! Di ko alam kung compliment o insult ang mga reaksyon nila.
Meron naman kaming common friends at kakilala ni ate, which is very minimal. May barkada kasi siya na di ko feel, bukod kasi sa mayabang, ang aarte pa. Hindi nga ako pabor na sumasama si ate dun. Mga BI kasi.. =__ =
Ako naman, marami ding kaibigan. Mabait kasi ako eh.. Hehehe.. ^.^
Kaso mas gusto kong mag-isa. Oopps, don't get me wrong! Hindi naman ako loner o emo, talagang wala lang akong constant companion.
"Yuki! Pinapatawag ka pala ni Ma'am Sabang!"
"Oki. Salamat!"
Naglakad na ako papuntang room ni Ma’am Sabang. Medyo magulo na sa labas kasi uwian na. Nagsimula na mag-form ang mga CAT officers, scouts tsaka band. Si ate nga pala gusto sa band kaso bawal siya kasi you know na….
Kaya ayan, pinapanood niya na lang mga barkada niya, mga minorette kasi. Naawa ako sa kanya kaso kung may pinakaayaw man si Ate, ‘yun ay ang kaawaan siya.
Nilapitan ko naman siya sa bench sa may pinagpapraktisan ng band.
“Ate Yani!”
“Oh, bakit?” tiningnan niya lang ako saglit tapos binalik niya tingin niya sa mga kaibigan niya.
“Gusto mo sabay na tayo umuwi?”
Umiling lang siya “Kina Trina ako sasabay, may sundo siya. Idadaan niya na lang daw ako.”
“Ah, ok.” Umalis na lang ako at dumiretso sa room ni ma’am Sabang.
Nasanay na rin ako kay ate na medyo cold. At least pinapansin ako di ba? Hehe.

BINABASA MO ANG
Please STAY
RomanceA story of a girl who crave for her family's attention. Until a guy gave and shown her the love and care she's been looking for. Would she risk this new found feeling for him in exchange for her family's affection?