Nagpanic kami ng mama at di ko na nalaman kung pano namin nasugod sa ospital si ate.
Sinubukan kong lapitan si mama nang nasa ER si ate pero hindi niya ako pinansin. Naka uwi na kami sa bahay para makakuha ng ilang gamit ni ate nang naglakas-loob na akong magsalita.
"Mama.. Sorry."
Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya kinausap nang kinausap.. Hanggang sa siguro napuno na siya.
"Yuki pwede ba? Tumahimik ka muna, utang na loob! Kita mong inatake na na naman ang ate mo nang dahil sa'yo! Gusto mo talaga sigurong mamatay ang kapatid mo noh?!"
"Mama.. hindi.. Hindi niyo po alam ang buong kwento."
"Anong hindi? Dahil dyan sa kalandian mo kaya pati ang hinihiling ng ate mo, di mo mapagbigyan! Alam mo Yuki, mas mabuti pa sigurong umalis ka muna para sa kapakanan ni Yani."
It felt like my heart shuttered into pieces.
Ngayon parang nakaramdam ako for the first time nang maiinggit at magalit sa ate ko nang sabay.
Sana ako na lang si ate. . .
Sana ako na lang ang may sakit nang marami namang mag-alaga sakin at ako naman ang pagbigyan. . .
Sinabi na ng mama na mas mabuti pang umalis ako..
Sa kanya na mismo nanggaling. . .
I have to get out of here . .
**
Nag empake na ako hindi dahil lang sa sinabi ni mama.. Kung hindi dahil sa napatunayan kong wala na talaga akong halaga sa kanya...
*too-toot too-toot*
1 message received.
Inabot ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nagtext..
Message: Yuki, andito ako ngayon sa playground. Kita tayo. Hintayin kita.
It's Kenneth..
Binitbit ko yung mga bag ko. Bahala na. Makikituloy na lang siguro ako kina Tita Che, 'yung kapatid ng papa na wala pang asawa. Matagal na rin niya akong iniimbita sa bahay niya.
"Ma," kailangan ko pa ring magpaalam sa kanya. "Dun po muna ako kina Tita Che. Kung haha- - " Di ko na lang pinagpatuloy. Di nyo rin pala ako hahanapin.
I'm waiting for her response. Tinignan niya lang ako saglit tapos nagpatuloy na sa ginagawa niya.
Tumalikod na ako expecting na pigilan niya ako pero wala eh. .
***
Pinuntahan ko sa Kenneth sa playground.
Napangiti siya pero unti-unting napawi nung nakita niya ang mga bitbit kong mga bag.
"Yuki, san ka pupunta?"
"Ken," huminga ako ng malalim. Kailangan ko pa ring marinig sa kanya ang buong pangyayari. "Anong nangyari? Inatake si ate kagabi dahil galit na galit siya sa'kin. anong napag-usapan niyo?"
Mahinahon lang ang pagtatanong ko. Ayokong sa simula pa lang ng pag-uusap magsumbatan na kami.
"Sinabi ko lang sa kanya ang totoo. ." he paused, looked at me straight to my eyes then looked away. "Na gahaman siyang kapatid. Gusto niya sa kanya lahat. Spoiled brat siya at higit pa siya kay Valentinang may ahas sa ulo at - - -"
"Kenneth, ba't mo ginawa yun?!?" This time di ko na napigilang magalit. Alam ko namang para sa kapakanan ko pa rin ang iniisip niya pero. . . mali eh. May nasaktan. "Alam mo ba kung gano kasakit para sa ate ko ang mga sinabi mo?!"
"Alam niya ba kung gaano ka nasasaktan? Alam niya bang nahihirapan ka din?" Nakita kong nagpipigil siya ng iyak.
I rushed to him and hugged him.
"Naiintindihan kita Ken."
Hinagod ko ang likod niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala niya. Kung pwede lang kitang angkinin.
"Salamat. Salamat." I said. "Kenneth," kumalas muna ako sa pagkakayakap niya and looked at his face "aalis ako."
"Bakit? San ka pupunta?"
"Nagkagulo kasi sa bahay. Dun muna ako sa tita ko. Luluwas ako ng Maynila."
"What? Iiwan mo ako dito?"
I touched his face. "Ken, may cellphone at internet naman diba?"
"Gusto ko kasama kita."
"Ako rin. Ako rin Ken. Pero mga bata pa tayo."
"Kung dun ka na lang kaya samin? Pwede naman yun diba?"
Umiling ako. "No. Mga bata pa tayo. Marami pang mangyayari sa atin." At ang popular na, "If we're really meant to be, we'll end up with each other."
He hugged me and carressed my hair. "Please.. Please.. Please stay." Humagulhul na siya.
I don't see him less than a man. He cries his heart out.
I'm so blessed because of him who makes me feel valued.
"I love you Yuki.. Please stay."
Kumalas na ako sa yakap niya and kissed him on his cheeks. I wiped his tears away.
"I love you too Kenneth Lee. Babalik ako. I have to go."
Tumalikod na ako at binitbit ang mga bags ko. Kung may depinisyon ng 'mabigat sa dibdib', siguro eto na yun.
Babalik ako...
------------------------------------------------------------------
A/N: Yey! Na type ko na rin siya sa wakas! Haha.. Elle! masyado ako na overwhelm sa pagbabasa at comment mo sa storyang eto.. Na motivate tuloy akong mag post. Salamat!
At para din sa lahat, maraming maraming salamat! ^__^
I really really appreciate your votes and hopefully may comments din..
Next stop is Epilogue.
Ciaossu!
-dyuna-

BINABASA MO ANG
Please STAY
RomanceA story of a girl who crave for her family's attention. Until a guy gave and shown her the love and care she's been looking for. Would she risk this new found feeling for him in exchange for her family's affection?