"Hoy!" Gulat na napalingon si Anya. Mula sa gate ay nakasilip si Rose isa sa mga kasambahay sa villa. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya,ang alam niya ay paaral din ito ng mag asawang Zantillan.
"Ano bang ginagawa mo diyan at para kang espiya na pasilip silip." Anang babae na nagtataka. Humakbang si Anya palapit habang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng suot na blusa.
"Magandang araw ate Rose, si Kate po ba nariyan?" tanong niya.
"Oo...at kanina kapa hinihintay ano ba kasi ang ginagawa mo diyan sa labas? Kung hindi pa ako lumabas e hindi ko pa malalaman na nariyan kana pala."
Niyaya na siyang pumasok ng babae. Bantulot man ay marahan siyang humakbang. Nauubusan na siya ng alibi kay Kate sa kaiiwas niyang makaharap muli ang kapatid nito. Kaya kahit na nag aalinlangan ay nilakasan niya ang loob baka magtaka ang kaibigan sa mga inaasal niya at ayaw naman niyang tuluyan itong magtampo sa kanya.
Muli ay sa patio garden siya tumuloy at naupo sa isa sa mga upuang bakal doon. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang araw din niyang iniwasan na magawi sa villa sa kabila nang pagpupumilit ni Kate.
Napapitlag si Anya nang mapansing may lumabas sa front door nakita niyang palabas ang mag asawang Zantillan mabilis siyang tumayo upang batiin ang mga ito. Maganda ang bukas ng mukha ni Donya Isabel palangiti at masayahin at napakabatang tingnan sa gulang na limangpu. Wearing a plain white top turtle neck pairing a blue jeans and a crisp red sweater she look simple yet stunning in her short hair. Ang matandang Zantillan ay ganoon rin katulad ni Clark ay matangkad ito at sa kabila ng idad ay mababakas ang kagandahang lalaki because of his foreign ancestry. Dito namana ng binata ang features ng mukha mga tipikal na Filipino mestizo kung tawagin. Parehong nakangiti ang mag asawa.
"Magandang araw po." Bagamat nahihiya ay magiliw niyang bati sa mag asawa.
"Magandang araw din sayo Anya." ganting bati ni Donya Isabel.
"Hinihintay mo ba si Kate?"
"Opo."
"Ang batang iyon talaga at inisturbo ka nanaman."
"Wala po iyon." tugon niyang nakangiti.
" Anya iha ikaw na ang bahalang magpasensya sa kakulitan ng bunso namin hah.
Masyadong spoiled ang batang iyon at natutuwa kaming isang katulad mo ang napili niyang maging kaibigan. wika ng Don.
Namula si Anya. Alam niya ang ibig tukuyin ng matandang Zantillan.
Kate before is a one hell disastrous. Maraming galit sa dalagita at siya lamang ang bukod tanging nakagaanan nito ng loob. O mas tamang sabihing nakakatiis sa pambubully nito sa SMA. Nagkataong may nakagalit itong grupo inabangan ang dalagita at naroon sya sa lugar. Nakita niyang dehado ang dalagita kayat tinulungan niya. Mula noon ay nagkapalagayan na sila ng loob na naging simula ng pagkakaibigan nila ni Kate. Nagbago ito mula noon.
"Mabuti naman at wala kanang dahilan ngayon...." Si Kate na nakapamaywang at kunwa'y nakairap.
"Talagang nagtatampo na ako sayo..." dagdag pa ng dalagita.
"Sorry na may mga inasikaso lang ako...o peace offering" ang apologetic na wika niya sabay abot ng hawak na supot.
"Bagong luto?" Kate asked. Marahang tango ang tugon niya sa kaibigan. Maya maya ay kumawala sa labi nito ang matamis na ngiti. Lihim na nagpasalamat si Anya nakuha sa sumang muron ang kunwa'y tampong pururot ng kaibigan. Pumuwesto silang dalawa sa mga upuang bakal.
YOU ARE READING
HIBISCUS LOVE
Romance"You better listen in me you little witch. When you joined me at my bed naked...you gave me all the rights in you Anya."