CHAPTER 4

3 0 0
                                    


Walang lingon lingon si Anya sa mabilis na lakad takbong ginagawa. Animo nakikipagpatintero sa kamay ay hawak- hawak ang mga pinamili. Kanina sa plaza ay natanaw niya ang pick up ni Clark na nakaparada sa gilid ng munisipyo. Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib at ilang saglit pa nga ay natanaw niya ang lalaking palabas mula sa katabing coffee shop. Sa likuran nito ay ang babaeng nakilala niyang anak ng mayor sa kanilang bayan. Tila pilit itong nagpapapansin sa binata sa malalagkit na mga titig nito kay Clark.

Mabilis siyang kumubli sa kalapit na tindahan ngunit sa malas ay napansin na siya ni Clark dahil ilang metro lang naman ang layo nito sa kanya.

Nakita niya ang unti unting pag hakbang nito palapit at iniwan nalang basta ang babaeng kausap. Walang pag dadalawang isip na tumakbo siya palayo.

Dinala siya ng mga paa sa shortcut na daan sa dulong bahagi ng San Isidro minabuti niyang wag nang dumaan sa mainroad dahil paniguradong doon patungo si Clark. Ang daang binabagtas niya ay ang nag nagdudugtong sa bayan ng San Isidro at baryo Laoyon kung saan sila nakatira ng lola niya. Bihira ang mga sasakyang nagdaraan sa shortcut dahil may kakitiran ang daan at rough road pa.

Naupo siya sa nakahambalang na puno sa may gilid ng kalsada bigla kasing namitig ang kanyang mga binti at para makapahinga na rin. Malayo layo narin ang nalalakad niya at tumatagaktak na ang pawis sa kanyang noo.

Mataas pa ang sikat ng araw at sa hula niya ay mag iika-apat palang ng hapon. Nilinga niya ang paligid wala siyang makitang magsasaka sa napakalawak na palayan. Marahil dahil nagsisimula nang mahinog ang mga butil na palay ilang buwan pa at maaari nang anihin ang mga ito.

Ang bahaging iyon ng lupain ay pag aari ng mga Buenavista bagamat pribado ang lugar ay binuksan ito ng Senyor para sa mga kababaryo. Maliban sa pamilya Zantillan kilala rin ang mga Buenavista bilang isa sa mga prominenteng pamilya sa kanilang bayan. Halos kalahati ata ng lupain sa San isidro ay pag aari ng mga ito.

Sa biglang pihit ay nakaramdam nang bumibilog na kirot sa bandang binti si Anya. Napaungol ang dalagita pinupulikat siya. Hinilot niya ang parting masakit subalit mas sumidhi ang kirot habang umaakyat sa binti niya.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Anang boses sa likuran. Nakayuko siya kung kayat hindi niya napansin ang mabilis na paglapit ng isang bulto. Pares ng malalaking paa ang tumambad sa kanyang mga mata. Tiningala niya ang nakakunot noong lalaki na nakatunghay sa kanya.

She gasped at the sight of the distant Rafael Samaniego, a hunk farmer with a dark deep eye.

Bago paman siya makasagot ay agad na lumuhod ang lalaki at maingat na hinawakan ang kanyang binti. She gave a grimace of pain dahan dahan nitong Ini stretch ang kanyang paa at pinayuhan siyang ilang ulit na huminga ng malalim. Nakaramdam siya ng pagluwag ng pakiramdam sa ginawa. Gazing with this huge guy masasabi niyang nang nagpaulan ng kagandahang lalaki ang Panginoon ay mukhang nasalo nitong lahat. Ang aura nito ay yaong mga tipong nakasandal ka sa pader at masarap mag alaga. Kaiba kay Clark ay kayumangi ang kulay ng balat ng lalaki maaaring dala ng labis na pagkabilad sa araw. But the two men have the same well developed physique. Ito ay dahil siguro sa batak sa gawaing bukid at si Clark ay alaga sa gym.

Ipinilig niya ang ulo bakit ba naglilipana sa bayan nila ang mga good looking hombre's.

"Ayan....ok naba pakiramdam mo?."tanong ng lalaki

"Oo...maraming salamat sayo." Sagot niyang nakangiti.

Inalalayan siya nitong makatayo igalaw galaw daw niya ang paa upang malayang makadaloy ang dugo at tuluyang mawala ang kirot.

"Hindi ka dapat naglalakad dito nang nag iisa...hindi ligtas sa isang katulad mo ang magawi sa ganitong lugar." Ang tila nanenermong saad ng lalaki bagamat nakangiti naman.

HIBISCUS LOVEWhere stories live. Discover now