CHAPTER 2

7 0 0
                                    


Sa bayan ng San Isidro ay kilala si Lola Mareng sa may pinakamasarap na lutong pinangat na gabi. Paborito ito ng kaibigan nitong si Nanay Luding at maging ng mag asawang Zantillan. Tuwing sabado ay nagdadala nito si Anya sa villa para sa pamilya.

Ngunit sa malas ay wala si Nanay Luding dahil nanganak ang anak nitong babae at sinamahan daw sa ospital at maging ang kaibigan ay kasama raw lumuwas ng mag asawang zantilla patungong Maynila.

Ayon kay Mang Kulas ang matandang nagbabantay ng villa ay tanging si Clark lamang ang naiwan sa villa. Ang malamang naroon ang lalaki ay nagpakaba sa dalagita akmang uuwi na siya at iniabot na lamang kay Mang Kulas ang dala dalahan nang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pumayang ang matanda na ragasain niya ang ulan baka maging dahilan paraw ito ng pagkakasakit niya. Inimbitahan siya nitong pumasok sa loob ng villa. Bantulot man ay sumunod siya.

Inilibot niya ang tingin sa kabuuuan ng tahanan ng mga Zantillan. Larawan ito ng karangyaan, moderno ang arktektura at disenyo. Maging ang mga kagamitan ay makabago bawat muwebles ay nagbabadya ng di birong halaga. Napukaw ang pansin niya sa malaking kuwadro sa living room. It was a family portrait, larawan ito ng isang buo at masayang pamilya. Natuon ang pansin niya sa nakangiting larawan ni Clark. Kay guwapo nito he was indeed a fantasy material, at isa na siya sa mga nangangarap na mabigyan pansin nito.

In my dreams...while taking a deep breathe.

Mula sa kung saan ay sumulpot si Mang Kulas nakabadya sa mukha ang labis na pag aalala.

"Mang Kulas may problema po ba?" tanong niya sa matanda.

"Si Clark ay inaapoy ng lagnat Ineng kahapon pa masama ang pakiramdam ng batang iyon. Ang sabi ko'y dalhin ko sa ospital likas naman ang tanggi at dina raw siya bata para isugod pa." Sagot ng matanda

"Napainom niyo na po ba ng gamot?"anang dalagita na nag alala.

Umiling ang matanda at sinabing walang nakatabing gamot para sa lagnat ang binata. Maging siya ay ganoon rin dahil tapal tapal lang naman daw ng dahon- dahon o halamang gamot ang gingamit niya kapag siya'y nagkakasakit. Dagdag pa ni mang Kulas ay pambihira raw ang binata naturingang nag-aaral ng pagkamanggagamot ay walang nakahandang gamot para sa sarili. Hindi raw boyscout si Clark. Lihim siyang napangiti sa komento ni Mang Kulas tama naman kasi ito.

"Saan po naroon si Clark?" muling tanong ni Anya.

Iginiya siya ni Mang Kulas patungo sa pangalawang palapag ng villa ayon dito ay naroon ang kuwarto ng binata. Sinamahan siya nito hanggang silid at doon ay nakita niya ang binata. Nakapikit ang mga mata hindi niya matanto kung natutulog ito dahil nanginginig ang katawan. Mabilis siyang lumapit at sinalat ang leeg ng lalaki hindi nga nagkamali nang sapantaha ang matanda maaaring umabot ng kuwarenta ang taas ng lagnat nito sa sobrang taas ng temperatura sa katawan.

"Mang Kulas pasuyo po sana ng malamig na tubig sa palanggana at kung may yelo pakilagyan na rin po." Mabilis na sumunod ang matanda siya naman ay pinangahasan nang buksan ang close- in cabinet na naroon upang maghanap ng magagamit na pamunas.

Nakita niya agad ang hinahanap subalit naeskandalo naman nang tumambad sa kanyang mga mata ang mga personal na kagamitan ni Clark mabilis niyang hinila ang kailangan at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Nilingon niya ang binata at pinagmasdang maige napangiti siya kay guwapo parin nito kahit na may sakit. Pormal siyang naupo sa tabi nito nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Mang Kulas bitbit ang mga iniutos niya.

Sinimulan niyang punasan ang noo ni Clark napaungol ito. Si Mang Kulas ay nagpaalam na bibili ng gamot sa botika. Bagamat nag- alangan na maiwan ay pumayag narin siya alam niyang ang ginagawa niyang lunas ay panandalian lamang at nangangailangan parin ng agarang medikasyon ang lalaki.

Hinawi niya ang makapal na kumot na tumatabing sa katawan ni Clark napahugot siya ng hininga nang makitang sa ilalim nito ay ang hubad nitong katawan. Tumambad sa kanyang paningin ang malapad nitong balikat solidong dibdib at impis na tiyan. Napaantada ang dalagita mas lalo siyang naeskandalo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng nakahubad na lalaki at hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya para sa sarili. Dagli niyang inilihis ang tingin at sinimulan itong punasan sa kabila ng panginginig ng mga kamay. Pakiramdam niya ay siya ang nilalamig sa ginagawa.

Higit kumulang ay isang oras na siya roon ngunit wala parin si Mang Kulas at nag aalala na siya. Ilang comporter na ang nailabas niya pero patuloy parin sa panginginig si Clark. Ang ulan sa labas ay patuloy parin at tingin niya ay mas lalo pa itong lumalakas. Nahahati ang isip niya sa pag aalala sa kanyang lola at sa binata. Naupo siyang muli sa gilid ng kama at dinamang muli ang leeg ni Clark. Muli siyang napailing tumaas na naman ang temperatura ng lalaki. Saglit siyang nag isip maya-maya ay umangat ang kanyang mga kamay at isa isang tinanggal sa pagkakabutones ang suot na blusa.

Inangat niya ang mga comporter at marahang inilapat ang murang katawan kay Clark. Napaungol ito nang makaamot ng init mula sa kanyang katawan napapikit mata ang dalagita kasabay ng pagtahip ng dibdib. Kasabay nito ay ang pag usal ng dasal nang paghingi ng tawad sa Diyos sa ginawang kapangahasan. Ito lang ang tanging paraang naisip niya upang maibsan ang pangangalaykay ng lamig kay Clark.

Ang kinse minutong pagkakadaiti ng kanilang mga balat ay nagbigay ng bolta boltaheng pakiramdam sa dalagita may mga binubuhay itong sensasyon sa mura niyang katawan na hindi niya sukat maipaliwanag. Pinakiramdaman niya ang binata naramdaman niyang unti unti nang bumabalik sa normal ang paghinga nito at naibsan narin ang panginginig ng katawan. Marahan niyang iniangat ang sarili mula rito ingat na ingat na makalikha nang gahiblang tunog. Nag aalala siyang maabutan sila sa ganoong tagpo ni Mang Kulas malaking kahihiyan pag nagkataon at hindi niya nais na magpaliwanag. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata Clark was surprisingly gazing at her bagamat nanlalamlam ang mga mata ay pilit siya nitong inaaninag.

Muli rin nitong ipinikit ang mga mata maaaring iginupo ng sobrang antok. Gulat na gulat siya ni hindi niya magawang kumilos nang makabawi ay mabilis niyang inabot ang hinubad na damit at ibinutones nalang ng kung paano. Mariin niyang pinakatitigan si Clark ang kaba sa dibdib ay kumakalat at tila pumaparalisa sa buo niyang katawan. Nagising ba ito? Nakilala ba siya ng binata? Anong gagawin niya paano niya ipaliliwanag ang lahat kung sakali? Baka mag isip ito ng hindi maganda? Samut –sari na ang mga naglalaro sa kanyang isipan at natatakot na siya. Sa ganoong ayos siya nadatnan ni Mang Kulas nagpaliwanag ito kung bakit natagalan. Ngunit hindi na niya pinag aksayahan pang pakinggan ito nagmamadali na siyang lumabas ng silid sa pagtataka ng matanda.

HIBISCUS LOVEWhere stories live. Discover now