CHAPTER 1

12 0 0
                                    


(1997)"Magandang umaga po nanay Luding." ang magiliw na bati ni Anya sa matandang babaeng kasalukuyang nagbubukas ng gate na bakal.

"Maganda kapa sa umaga Ineng." Ganting bati ni Aling Luding ang matandang naninilbihan sa pamilya Zantillan.

"Naku ang kaibigan mo e naghihilik pa ata sa kanyang silid ."

" Okay lang po maaga pa naman." magalang na tugon ni Anya sa matanda. Inanyayahan siya ng kaibigan sa villa ng umagang iyon may bago raw itong komposisyon at nais na iparinig sa kanya.

Ang Villa Zantillan ay isa sa pinakamalaki at pinakamarangya sa bayan ng San Isidro. The stunning modern villa ay napaliligiran ng sari saring puno at mga halaman. Ang mga halamang namumulaklak ay organisadong nakalinyada sa daanan at bago makarating sa mismong villa ay ang pinong pinong berdeng bermuda grasses sa malawak na lawn .

"Dito ko nalang po hihintayin si Kate nanay Luding." Her eyes went at the patio garden.

Ngumiti ang matanda batid nito ang pagkahilig niya sa mga halamang namumulaklak.

" O siya sige at akoy maghahanda pa ng almusal maya maya lang ay bababa na iyon si Kate , siya nga pala gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape o gatas?"

"Wag na po Nay Luding tapos na po sa bahay maraming salamat po." Magalang na sagot ng dalagita habang nakangiti.

Tumango ang matanda at humakbang nang papasok ng villa. Tumuloy naman ang dalagita sa patio garden kung saan ito ay nagsisilbing recreation area ng pamilya. Sa dulong bahagi ay ang flower garden kung saan ibat ibang halamang namumulaklak ang nakatanim. Kumpleto Ito mapa rosas, orkidyas, sun flower, daisy at marami pang iba ngunit ang pangunahing pakay niya doon ay ang mga ibat ibang uri ng hibiscus o kilala sa tawag na gumamela. Ayon kay Kate ay personal itong minamantina ng inang si Donya Isabel mahilig daw itong mangolekta ng mga gumamela at ang iba paraw sa mga ito ay inaangkat pa ng ginang mula sa ibang bansa.

Siya man ay ganoon din she love hibiscus marami silang tanim sa bakuran nilang maglola pero ang kanila ay yaong common ng nakikita sa mga hardin.

"Magandang umaga! Aba naman sa araw araw ay parang lalo kayong gumaganda."

Patungkol niya sa mga bulaklak tumingkayad siya upang abutin ang isang hawaiiann hibiscus may kataasan na kasi ang puno nito. Isa ito sa pinakapaborito niya sa lahat dahil sa malalaking petals at matitingkad na kulay. Bawat talulot na madaaanan ng kamay ay iniinspeksyon niya pero duda siya kung may makikita siyang higad sa mga ito. Nang makuntento ay kinawit niya ang isang tangkay at inilapit sa ilong.

"Hmmm ang bango bango." anang dalagita habang ipinikit pa ang mga mata. Tila bangung-bangong sinamyo ang bulaklak.

"At kaylan pa naging mabango ang isang hibiscus?"

Anang baritonong boses mula sa likuran. Nagulat ang dalagita at marahang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata. Si Clark ay naroon nakasandal sa isa sa mga poste at nakapamulsa.

Base sa suot nitong puting sando na nike ang tatak na tenernuhan ng itim na jogger pants at rubber shoes sa paa. Mukhang kagagaling lang nito sa pagtakbo tumutulo pa sa guwapo nitong mukha ang mga butil na pawis . Sa balikat ay nakasampay ang isang katamtamang puting tuwalya.

Pakiramdam ng dalagita ay nanigas ang kanyang mga binti para siyang itinulos sa pagkakatayo. Nagsimulang magrigodon ang kanyang dibdib lalo na nang makitang unti unting humahakbang palapit ang binata. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ang nakatatandang kapatid ng kaibigan sa umagang iyon. Ayon kay Kate ay hindi uuwi ang kapatid dahil sa Amerika nito nais na magbakasyon.

He come closer and closer to her at halos gahibla na lamang ang distansiya sa pagitan nilang dalawa.

"I asked you young lady. Kaylan pa naging mabango ang isang hibiscus?" ulit na tanong ng binata.

Halos mabingi si Anya sa lakas nang kabog ng kanyang dibdib. Wala siyang maapuhap na salita.

"A....ang ibig kong sabihin they smelled good but not in a flowery nature depende naman s...sa tumitingin yon kung paano nila iaapreciate ang isang bulaklak h...hindi ba?" Bagamat kabado at nahihiya ay ismarte niyang sagot.

"Really...?" ang binata na kinakitaan ng pagka amuse.

"Then let me try it." anito.

Bago pa makahuma ang dalagita ay inabot ni Clark ang kanyang kamay kung saan doon ay hawak niya ang isang tangkay ng gumamela kaya ang siste ay napaloob sa malapad na kamay ng binata ang kamay niya.

Matangkad si Clark sa karaniwang lalaki naglalaro sa anim na talampakan ang taas. Bagamat bente dos palang ang idad. Yumuko ito at sinamyo ang gumamelang hawak na nilang pareho. Halos mag ugpong na ang kanilang mga ulo. Pigil pigil naman ng dalagita ang hininga.

Ipinikit ni Clark ang mga mata kaya't malayang napagmamasdan ni Anya ang guwapo at makinis nitong mukha, matangos na ilong na tila nililok, makakapal na kilay, manipis at mapulang mga labi para lang magulat nang bigla itong magmulat ng mata at kumindat. Dahilan upang pamulahan siya ng mukha.

Kuya...?" Si Kate na tangan tangan sa kamay ang kanyang gitara.

Mabilis na binawi ni Anya ang kamay mula sa binata. Save by the bell ang biglang paglitaw ng kaibigan lihim niyang ipinagpasalamat na bumaba na ito. Kulang nalang ay hilingin niyang maglaho na lamang bigla dahil sa hiya.

"Hello sweetheart... miss me?" anang binata pagbaling sa kapatid. Rumehistro sa mukha ng dalagita ang tuwa at excitement.

Patakbo itong lumapit sa kapatid at humalik sa pisngi nito.

"I thought you're in San Francisco?" ani Kate

"I've changed my mind aren't you happy?" sagot ni Clark na ginulo ang buhok ng kapatid.

"Oh I guess you're not kasi bantay sarado ka ngayon!" dagdag na wika ng binata sa tonong pabiro.

Umingos si Kate na parang bata .

"Hell no." Kate chuckled.

"Ah talaga?

They have to be careful because they were looking for a trouble pag nagkataon." bulalas ni Clark na sinabayan ng mabining tawa.

Kandairap naman si Kate sa birong totoo ng kapatid.

Hindi maiwasan ni Anya ang mapangiti sa palitan ng salita ng magkapatid. Nakakaaliw pagmasdan ang closeness ng dalawa.

Hindi tuloy niya maiwasang isipin sa kabila ng pagiging pabling ni Clark ay masuwerte parin ang babaeng napag-uukulan nito ng pansin. Bakit hindi he was kind of a sweet man and a very generous person. Sa bagay na iyon ay gusto niyang mapangiwi, kilala ang binata sa pagiging galante money is not an issues in him at ginagamit nito iyong pakunswelo de bobo sa mga babaeng nais nang kalasan. Consoled them with a material things they liked. What an expensive way of dumping a woman isn't it?

"Anya, are you okay?" Kate asked.

Anya glanced at her sheepishly and then her eyes landed to Clark scowling look.

"H...ha? Oo naman." Sagot niya na halatang nagulat.

"I'd better get going...I think I need to take a shower." Baling ni Clark sa kapatid pagkatapos ay sumulyap sa kanya and nodded. Nahihiya at matipid na ngiti ang isinukli niya sa binata. Pakiwari niya ay nababasa nito ang mga naiisip niya sa uri ng ng mga titig nito Nagsimula itong humakbang at tinungo ang daan patungong front door nang tila ito matigilan.

He quickly glanced back at them.

"Anya " sabay na napalingon ang magkaibigan .

"Thank you for the trivia." Clark murmured with a mischievous smile.

Laglag ang panga ng dalagita.

"Ano raw?...anong trivia? " sa pagtataka naman ni Kate.

HIBISCUS LOVEWhere stories live. Discover now