puting tela

305 5 1
                                    

Ito po ay nangyari sa lola ko dito po sa probinsya namin.

Noong pumunta kami sa baguio ay nakitira muna siya sa kanyang kapatid dahil wala din naman siyang kasama sa bahay niya.

Kakagaling palang niya noon sa sakit na stroke at kailangan niyang kumain ng mga masusustansya at magehersisyo.

Mga alas kwatro ng siya daw ay magising lumabas siya ng bahay ng kanyang kapatid at tumingin sa labas nakita niyang madilim pa sa labas pero lumabas parin siya upang mag jogging.

Nagjogging ang lola ko sa labas at naramdaman niya ang napakalamig na hangin ng siyay nakalagpas sa irrigasyon.napagpasyahan niya na lang na bumalik sa bahay ng kanyang kapatid.habang dumadaan sya sa may irrigasyon ay may natanaw siyang isang puting tela na lumulutang.

Hindi niya na lang ito pinansin pero parang sinusundan siya nito.binilisan niyang maglakad hanggang siyay makalagpas sa irrigasyon.

Tumingin siya sa likod pero nawala daw ito na parang bula.kaya simula noon ay hindi niya na inaagahan ang magising.


+++++++wakas+++++++

mga kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon