panaginip

261 6 0
                                    

Ito po ay nangyari sa papa ko 8 years na po ang nakalipas at 4 years old palang po ako noon at wala po ako noon sa baguio dahil nasa probinsya po ako kasama ko po ang lola ko.

Ayon sa kanya giniginaw daw siya ng araw na iyon at masakit ang kanyang katawan.

Makalipas ang ilang oras ay linalagnat na daw siya kaya napagpasyahan niya na lang na hindi pumasok sa trabaho.

Mag isa lang siya sa bording house noong mga oras na yun kaya natulog na lang siya.

Mga 8:30 na ng gabi ng dumating na si mama sa trabaho napansin ni mama na nilalamig si papa.hinawakan niya ang leeg nito at naramdaman ni mama na nilalagnat ito.dali dali siyang bumili ng gamot sa labas at agad na ipinainom kay papa.

Mga 9:30 na ng matapos na silang kumain. Inayos na ni mama ang higaan noon at sila ay natulog.

Mga 11:00 ng magising siya at may nakitang nakaputi na babae na maikli ang buhok sa side ng higaan nila.hindi niya makita ang mukha nito dahil gabi na at madilim pa.

Naisip niyang baka guniguni niya lang yun kaya itinuloy niya na lang ang matulog.

Nang ikalawang gabi ng maramdaman niyang nilalamig daw siya uli.
At nahihhrapan siyang huminga.parang may mabigat daw na nakadagan sa bandang tyan niya tinignan niya daw ito at yung babaeng nakaputi na nakita niya noong isang gabi ay nakaupo daw sa kanyang tyan.

Sumigaw daw siya ngunit parang walang nakakarinig sa kanya at pilit niya daw na iginagalaw ang kanyang braso at binti pero hindi niya daw ito maigalaw.

Nagulat daw si mama ng sumisigaw daw si papa na parang nababangungot.kaya agad niya daw itong ginising.gumising daw si papa na gulat na gulat na parang nakakita ng multo.

Agad daw na kumuha ng bigas at asin si mama at ikinalat sa kanilang kuwarto.dahil mabisa daw na pantaboy ng mga multo.

Kinaumagahan ay ikuwenento niya kay mama ang nangyari sa kanya kagabi.

""""""""""""""""""Wakas"""""""""""""""""""""""

Ayon daw sa mga matatagal nang naninirahan sa bording house matagal na daw na nagpaparamdam ang babaeng nakaputi or white lady sa bording house.marami na daw ang nakakita dito at nakaramdam.madalas daw itong magpakita kung bagong lipat ka lang doon o maysakit.

mga kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon