Entry #1

9 0 0
                                    

(AN:The story contains entry and days)

~•~


Hi Adele. It's Valentine's day. Happy Valentine's my love. Your crazy boyfriend still miss you. Hindi pa nakakamove on. Masyado kasi kitang mahal, hindi ako nahihirapan at napapagod don't worry. Simula nung mawala ka, I decided to have a personal notebook, and I consider it as a messenger to you. Parang kagaya noon na thru chat lang tayo, pero hindi ka nagre-reply. Pero, ayos lang. Alam ko ay nasabi ko na iyan, wala lang, gusto ko lang mabanggit ulit.

Well, ngayon. Naiinggit ako sa mga lovers sa park, mall, kahit sa kalsada. Kasi naman, they hold their hands, hugged each other, and even they kissed. Tayo, tuwing pasko lang. Pero gusto ko araw-araw. Araw-araw kitang kasama. Hawak ang kamay mo, yakap-yakap ka, at mahalikan ka. Ang bad ng boyfriend mo noh? Hahaha. May pagnanasa.

Pero syempre, alam ko namang kasama mo ako lagi. Ikaw ata ang pasimpleng humahawak sa kamay ko, o dika'y yakapin at halikan. Hahaha, ang loko talaga ng boyfriend mo.

Nagce-celebrate kami ni Tita Marie, Tito Ian, at si Chanelle. Kasama na rin si mama, papa at Jen. Si Chanelle ay nasa Kindergarten na, she is so bubbly, love. (A/N: Kung naalala niyo pa ang sinabi ni Jen na mayroong sanggol na dala ang Tita Marie at Tita Ian nila, syempre years passed by, malaki na siya.)

Your parents was so fine too, wala namang nagkakasakit. Kagaya ng sabi ko sa'yo noon. Si Chanelle ay inuubo lang, siguro dahil sa klima.

Maayos din ang trabaho ko, tuloy-tuloy ang paglago ng kumpanya. Wala rin akong sakit. I'm completely handsome. Hahaha.

Love, kahit ilang beses ko pa itong sabihin sa'yo. I miss you so much, I love you. Kung tinatanong mo kung kailan ako makakamove on? Hindi ko alam. Masakit ang pagkawala mo. Hanggang ngayon. I'm a crybaby, palagi parin kitang iniisip. Hindi ko pinagsisisihan na sinagot mo ako, na nakilala kita, na kahit hindi ka makasalita at makarinig, kahit saglit lang kita narinig ang boses mo. Mahal na mahal parin kita.

Happy Valentines, Love :)

- Jaxton

Sequel Of Pasko: NotebookWhere stories live. Discover now